Chapter Twenty-Six

5.9K 128 3
                                    

Chapter Twenty-Six

'Kaye Anne's Point Of View'

Nandito lang kami sa sala habang hinihintay si Tita Vivian na may kausap sa telepono hindi na nga kami nakapasok ni Tyler kasi sabi ni ng Tita niya umabsent muna daw kami kahit ngayon lang.Dumating din si papa galing sa trabaho at nandoon siya sa kwarto niya upang magbihis.

Tahimik lang kaming nakaupo ni Tyler sa mahabang sofa habang si Alyana nasa harap namin at tahimik din pero nakatingin kay Tyler na pinaglalaruan ang mga daliri niya.

Napatingin ako sa hagdan ng marinig ko ang mga yabag ng tsinelas ni papa.Lumapit siya samin at umupo sa gilid namin tapos si Tita Vivian tinapos na ang pakikipag-usap sa telepono at umupo sa tabi nang single couch na inuupuan ni Alyana.

"Kailan ka pa nakauwi,Alyana?Alam ko Uuwi ka iha pero hindi ko inaasahan na ngayon" Si papa na ang unang nagsalita ng mapansin niyang walang ni isa samin ang gustong magsalita.

"Isang Linggo na po ang nakalipas,tito.Nagkita at nagkausap na din po kami ni tyler nung kinabukasan na nakauwi ako sa hotel na tinutuluyan ko" Sabi niya at tumingin nanaman sa katabi ko.Mas lalo akong natahimik.

So?Nagkita na pala sila at di niya sinasabi.Alam ko naman na hindi na niya kailangan sabihin sakin pero may part sa akin na dapat sinabi niya yun at hindi inilihim sakin. Kasi asawa naman niya ako diba?

"It's that so?Bakit sa hotel ka pa tumuloy hindi ka na lang dumiretsyo dito?Where's your parent hindi ba sila sumama sayo?" Sunod-sunod na tanong ni papa na siya namang nginitian ni Alyana.

"Malayo po kasi dito yung pinagkukuhanan ko ng mga forms para sa enrollment ko kaya naghotel muna ako hanggang sa matapos yung mga inaayos sa papeles ko para makapag enroll ako sa school ni Tyler and tito you know my dad he prefer to stay in paris than to go back here lalo't nandoon ang bussiness ng family" Sagot ni Alyana at tumawa ng mahinhin. Lalo siyang gumanda at hindi mo makakaila na maikumpara mo yung sarili mo sa kanya. Maganda naman ako pero kapag pinagtabi kami mas lamang siya.

"Sino naghatid sayo dito?Do you have your car?" Tanong ulit ni papa at sumandal sa sofa.

Naramdaman ko naman na inakbay ni Tyler yung isang braso niya kaya napatingin ako sa kanya.

"Gusto mo bang pumasok?Ihahatid na lang kita makakahabol ka pa naman" Bulong niya sakin. Umiling lang ako sa kanya at ngumiti,nginitian niya din ako at tumingin na lang ako sa mga daliri ko.

"Tinawagan po ako ni Tita Vivian,Tito" Sagot ni Alyana at narinig ko naman ang mahinang tawa ni Tita Vivian.

"Well,Kuya.That's the reason kung bakit di agad ako umuwi.You know how i miss my darling alyana so ako na ang pumunta sa paris para sunduin siya but sabi ni Trixie na nakabalik na pala siya dito" Tuwang-tuwa na sabi ni Tita at nakita ko namang napangiti lalo si alyana dahil sa sinabi ng tita ni tyler.

'Dapat pala pumasok na lang ako' Sabi ko sa sarili.Siguro hindi talaga dapat ako nandito.Dapat nagpahatid o nagcommute na lang ako papasok para sana nandoon ako sa school at nakikinig kaysa na nandito ako at akward na nakikinig sa usapan nila.

"Sa kwarto ka na lang ni Ate Trisha matulog,Yana.Wala naman siya kaya walang gagamit ng kwarto niya beside gamit ni Dad yung guest room" Singit ni Tyler.

"Okay, Ty" Nakangiting sagot ni Alyana at tumingin sakin at nginitian din ako.Napayuko na lang talaga ako kasi parang ako na lang ang nananahimik dito.

"Anyway, Alyana she is  Kaye Anne Tyler's Wife" Pagpapakilala ni papa sakin kay Alyana na siya namang tinanguan ni Alyana.

"Yes Tito i know her already" Sagot ni Alyana.

"Why don't you go upstair for now alyana ang take a rest first o kaya naman maglibot libot ka muna dito sa loob ng bahay at sa garden" Sabi ni papa.

"Sure, Tito" Sagot ni Alyana at si papa naman ay tumingin samin ni Tyler habang si Alyana at Tita Vivian ay nag-uusap na.

"Hindi na kayo papasok,Tyler?Kaye?" Tanong ni papa samin.Umiling lang ako.

"We will just send our excuse to the school,Dad" Sagot ni Tyler at huminga ng malalim.

"Uh-um" Sabi ni Papa at tumango tsaka tumayo "I will just take a rest,everyone" Sabi ni papa at naglakad na papunta sa hagdan.

"Same to me" Sabi din ng Tita ni Tyler "How about you,Darling?" Tanong ni Tita kay Alyana at tunayo na pero hinintay pa ang sagot ni Alyana.

"Maybe later,Tita.You can go Tita have a nice and well rest" Sabi ni Alyana na tinaguan ni Tita Vivian at naglakad na din paakyat.

"Why don't you take a rest too,yana?I know pagod ka rin at malayo layo din ang byinahe mo" Sabi ni Tyler at umayos ng upo.

"Nakatulog naman ako kanina sa byahe.You're still care for me huh?Don't you?" Ngiting Sabi at parang nang aasar na sabi ni Alyana na ikinatikhim ko.

Tumayo ako "Aakyat lang ako hehe inaantok pa kasi ako" Singit ko muna. Aalis muna ako para naman makapag usap sila ng maayos at ayaw kong ma out-of-place dito.

"Sasama na ak--" Hindi ko na pinatapos pa ang sasabihin ni Tyler at tinignan ko na siya.

"Ok lang matutulog din naman ako" Sabi ko at nginitian sila bago naglakad paakyat.

Ok lang talaga!!Sobrang ok lang kahit selos na selos na ako pero wala naman akong magagawa diba?.....

A/N: Kaya pa naman po maghintay ng update diba?hehe sorry tagal ko mag ud hindi po kasi ako ganun kabilis magtype at mag-isip....

My Mafia Boss Husband (Book 1 And 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon