Chapter Thirty-One

3K 71 0
                                    

Chapter Thirty-One

'Kaye Anne's Point Of View'

Naglakad ako pasunod kay Tyler, palapit kay Klare na nakatingin sa akin. Seryoso ang mga mata nito at walang ngiti ang mga labi.

"What happened?" Tanong agad ni Tyler.

Inalis ni Klare ang tingin sakin at tinuon ang mga mata kay Tyler na nasa harap na niya. Tumayo siya at walang pagaalinlangang sinampal si Tyler.

Nagulat ako sa ginawa niya.

Napatiim bagang si Tyler habang nakatingin kay Klare na sinampal siya nang malakas.

"Fvck You Villanueva!" Malutong at galit na mura ni Klare kay Tyler. "Kung hindi mo kinuha ang anak ko kung saan ko siya iniwan hindi mangyayari sa kanya 'to!"

Tahimik lang akong nakamasid sa kanila. Para silang mag asawang nag aaway dahil sa anak nilang nahospital. Biglang tinusok nang kung ano ang puso ko dahil sa isip ko. Sht! Kaye this is not the right time to get jealous!

"Si Kelly ang pakay nila! Kung hindi ko nahila si Kelly baka hindi na umabot sa hospital ang anak ko!"

Mariing pumikit si Tyler at sinuklay ang buhok gamit ang kanyang mga daliri, halata sa mukha nito ang iba't ibang ekspresyon Galit, Pagsisisi, at Konsensya.

Napalingon kami nang lumabas ang doctor mula sa malaking pinto nang emergency room, mabilis na lumapit si Klare habang nakasunod si Tyler. Lumapit din ako nang onti.

"Natanggal na namin ang bala sa balikat niya, she's stable. Sa likod ang galing ang bala, mabuti na lang at hindi siya tumama sa likod kung saan puso niya dahil mas delikado yun" sabi nang doctor.

"Pwede ko bang makita ang anak ko, doc?" Klare asked.

"Yes, pero ililipat muna siya" sinabi niya kung saan ang numero nang kwartong pagdadalhan kay Kelly. "Doon na lang kayo maghintay, mauuna na ako"

"Thank you" sabi ni Tyler. Tumango si Doc bago naglakad paalis, naglakad na si Klare paalis, para siguro hanapin ang tamang kwarto. Tumingin si Tyler sa akin.

"Tatawagan ko magulang niyo, it is fine?" Nagulat pa ako sa tanong niya pero tumango din agad ako.

Naglakad na kami paalis sa tapat ng emergency room at hinanap ang tamang room ni Kelly. Pumasok kami nang makita na namin yun, tulog pa si Kelly habang si Klare ay kausap ang nurse.

"Yes, Klare and Kaye is here too" i looked at Tyler. He's talking someone on the phone.
"I'll send the hospital address"

Binaba niya na ang tawag ang tumingin sakin.

"You have work today?" He asked.

Tumango ako

"Mamaya pang 7 pm" sagot ko. Tumango siya, binaling ko ulit ang tingin ko kay Kelly, she's still sleeping, Klare is in her side, stroking Kelly's hair.

I'm just staring at them, she mentioned that she's in Kelly's school nang mangyari ang putukan, at ang tanong, bakit may putukang naganap? At sinadya ang pangbabaril kay Kelly.

Pati ang inosenteng bata nadadamay sahindi malamang dahilan. Tyler isn't the real father of Kelly, pero tinuring niya na si Kelly bilang kanya. And who is the real father then? Hindi kaya isa yun sa dahilan dahil sa nangyaring barilan sa school? O baka naman magkasama ang totoong ama ni Kelly at si Klare tapos umalis si Klare para pumunta at makita ang anak niya sa school?

Nangunot ang noo ko, mas lalong gumulo ang mga ideyang pumasok sa isipan ko. Kung magkasama sila? Bakit hindi pa nila kunin si Kelly?

Napahawak ako sa dibdib ko nang hawakan ni Tyler ang siko ko at pinaharap ako sa kanya, kunot noo parin akong tumingin sa kanya. Nakatingin siya sakin.

"What are you thinking?" He asked. Inayos ko ang pagkakakunot ng noo, siguro dahil sa kunot kong noo at parang wala sa sarili nahulaan niya na amy iniisip ako.

"Hmm. Sa labas na lang muna tayo mag-usap, okay lang?" Tanong ko. Hindi ako mapapanatag kung wala akong makukuhang sagot sa mga tanong kanina pa bumabagabag sa akin.

Tumango siya bago kami naglakad palabas sa pinto.

Huminga ako nang malalim bago siya hinarap.

"Somethings bothering you, what it is?"

I have to tell him about the messages, the guy in the elevator and the small red box with the note.

"Kanina. N-Nakasakay na ako sa elevator papasok sa apartment ko. May nagtext, unknown number the sender said Mag-iingat daw ako" Nakita ko ang pagtiim bagang niya at pagdilim ng mukha. Lumunok ako bago tinuloy ang kwenta. All the details was told by me, maayos at walang kulang. Habang sinasabi lahat sa kanya malalalim na buntong hininga ang pinapakawalan niya, parang nagpipigil nang galit.

Oras na para magtanong ako sa kanya about kay Kelly and Klare nang makita ko ang lalaki sa elevator. Nakatalikod si Tyler sa kanya habang ako nasa harap niya, bigla akong ginapang ng kaba ng ngumisi ito at may nilabas na kutsilyo sa kanyang bulsa. Nanlalaki ang mga mata ko nang paglaruan niya ito habang titig na titig sakin.

Bago pa man ako makapagsalita nawala na ito na parang bula at lumingon si Tyler sa tinitignan ko, kung saan nakatayo ang lalaki kanina.

Napapikit ako nang mariin when something came in my mind. Napahawak ako sa ulo ko nang sumakit ito kasabay nang pagkawalan ko nang malay.

My Mafia Boss Husband (Book 1 And 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon