Chapter Fifty-Two

5K 112 16
                                    

Chapter Fifty-Two

'Kaye Anne's Point Of View'

"Manang pakisabi naman po kay manong na ipasok na yung mga bagahe at pasamahan na lang siyang iakyat yun sa kwarto" sabi ni miguel habang naghuhubad ng coat niya.


Inilibot ko ang mata ko dito sa sala, halos lahat ng mga kagamitan ay babasagin at halatang mamahalin. Napatingin ako sa picture na malaki, isang batang lalaki at matandang mag-asawa, mukhang si miguel ang batang lalaki at yung mag-asawa ay pweseng lola at lolo niya dahil sa tanda na ng mga 'to, napadako ang tingin ko sa isa pang frame, si miguel at ako, kulot ang buhok ko at mahaba, may make up at mukhang mataray.

"Goodmorning po, s-señorita" napaharap ako sa isa sa mga katulong nila miguel, nakikita mo sa mukha nito ang kaba at takot na parang isang laing galaw niya lang ay may mangyayaring hindi maganda.

"Goodmorning" bati ko pabalik at ngumiti sa kanya, nakitaan ko ang mukha niya ng gulat at paglaki ng mata ngunit ngumiti din ito sa akin.

Nagpaalam na itong aalis dahil tutulong pa daw siyang mag ayos ng mga gamit kaya gumilid ako para makadaan siya, lumapit si miguel sakin na nakangiti kaya ngumiti din ako.

"That's your first time on greeting them back" sabi nito na ikinatanga ko, first time? Ano ba talaga ako dati at bakit parang takot sakin ang mga taong nakakasalamuha ko?

"Hindi nga?" Hindi makapaniwalang sabi ko kay miguel ngunit nginitian lang ako nito at mabilis akong inakbayan.

"Nevermind about that, hon. Let's go, let's eat our baby is definitely hungry now" sabi nito at iginaya ako sa dinning area, pagkarating namin doon ay maraming nakahanda at ingat na ingat ang kilos ng mga maid sa pag-aayos ng mga baso't plato, parang takot na takot silang magkamali, siguro mamahalin kasi ang mga plato at baso na yan kaya dapat talagang ingatan at baka mabawasan pa ang mga sahod nila.

Mabilis akong umupo sa tabi ni miguel at nagtatakang tinignan siya ng makitang dalawang plato lang ang nakalagay ngunit ang daming pagkain na nakahain.

Lumapit ako sa kanya ng unti at bumulong. "Hindi ba sila sasabay? Ang daming pagkain" sabi ko, nakita ko sa mata niya ang saya, tumango siya at hinalikan ako sa pisnge ng mabilis.

"Natatakot kasi sila sayo" balik bulong nito at tumawa ng mahina, kumunot ang noo ko at hinarap ang mga nag-aayos tsaka ngumiti.

"Sumabay na po, hindi naman ho namin mauubos ang mga pagkain na 'to" sabi ko, tulad ng nakausap ko kanina nakitaan ko ng gulat ang kanilang mga mukha at parang hindi makapaniwalang tumingin sakin.

"Siguro ka ba, señorita?" Tanong ni manang na kausap ni Miguel kanina.

Ngumiti at tumango ako sa kanila, mabilis ang mga kilos nila na kumuha ng mga plato at baso at isa-isang umupo sa hapag, ganon din si manong na nagdrive sa amin kanina mula sa hospital at ang dalawang gwardiyang nagbabantay sa gate. Malaki naman ang lamesa at mahaba, kaya kasyang kasya sila may natira pa ngang dalawang upuan sa gilid at paharap dito.

Bago ako kumain ay nagsign of the cross muna ako at nagdasal ng maayos

Maraming salamat sa pagkaing nakahain sa harap namin, huwag po kayong magsawa sa pagbibigay ng mga ito sa amin at sana balang araw tuluyan na akong gumaling upang makaalala na ako, in jesus name, Amen.

Pagkatapos kong magdasal ay idinilat ko ang mga mata ko, nagulat ako ng makitang nakatingin silang lahat sakin.

"Bakit po?" Tanong ko at hinawakan ang mukha ko "may dumi ba sa mukha ko?" Tanong ko ulit at pinunas punasan pa ang mukha ko.

Tumingin ako kay miguel na umiiling na nakangiti. "Kumain na tayo" sabi nito at kumuha na ng kanin at ulam, maayos at masaya ang naging umagahan namin, may nagkwekwentuhan at nakakabiruan, si miguel naman ay sinusubuan ako minsan kaya ganon din ang ginagawa ko, sumakit pa nga ang ulo at ng pumikit ako ay nakita ako ngunit bigla din itong nawala kaya ipinagsawalang bahala ko na lang.

Pagkatapos naming magsiligpit ng mga ginamit namin ay nagpresinta na ako ang mga huhugas. Pinigilan pa ako ni miguel ngunit sabi ko 'ok lang at kaya ko naman' kaya pumayag na din siya at tinulungan pa ako. Tawa pa ako ng tawa ng hindi lang paghuhugas ang ginawa namin, nagbasaan pa kami kaya ang ending pareho kaming basa at kailangan ng maligo kaya nauna ako sa banyo dito sa kwarto at naligo lang sandali dahil hindi pa masyadong magaling ang maliit na sugat sa ulo ko at baka mabasa iyon.

Ng makapasok si Miguel sa banyo ay inayos ko na ang gagamitin niyang damit. Kumuha lang ako ng t-shirt na puti at short na komportable siyang suotin.

Lumapit naman ako sa harap ng salamin at inayos ang buhok ko, pinatuyo at sinuklay ko yun, medyo mahaba haba na din ang buhok ko ngunit straight lang ito hindi tulad ng nasa picture na nakita ko, kulot at may kulay brown ng unti, siguro sa filter ng camera o kaya sa pagkakaedit bago ifriname.

Lumabas naman si Miguel sa banyo na nakatapis lang ng twalya mula baywang hanggang tuhod, lumapit ito sakin at inagaw ang sukla na hawak ko.

"Let me" sabi nito, tumango naman ako at umayos ng upo sa harap ng salamin habang sinusuklay ang buhok ko, nakangiti ito habang tinitignan ako sa salamin, napatawa ako dahil sa itsura niya, mukha siyang sira.

"Akin na nga magbihis ka na lang" sabi ko habang natatawa pa, inagaw ko sa kanya ang suklay na gamit ko kanina habang tumatawa din siya. Sinuklay ko na ang buhok ko habang siya ay nakikita ko sa salamin na nagbibihis na, nakita kong nakatingin din siya dito sa salamin at nakangisi pang tinanggal ang twalya na nasa baywang niya, bago pa matanggal ng tuluyan yun ay pumikit ako ng mariin at yumuko, ano ba naman yan!

Narinig ko ang tawa niya "Wag ka ngang pumikit, hon, you already see me naked" sabi nito at nakakalokong tumawa, napamura na lang talaga ako ng mahina dahil sa sinabi nito, siguradong pulang pula na ang mukha ko dahil sa inis at kahihiyan dahil sa sinahi niya, bigla akong napaisip. Bakit naman ako mahihiya? Asawa ko naman siya,diba?

A/N: Pambawi💋

My Mafia Boss Husband (Book 1 And 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon