Chapter Twenty-Two

3.8K 93 23
                                    

Chapter Twenty-Two

'Kaye Anne's Point Of View'

"Lumagpas na tayo" mabilis kong sabi kay Tyler ng malagpasan na namin ang building ng apartment na tinutuluyan ko.

Tumingin siya sakin saglit. "Let's eat first" sabi nito at diretsyo ang tingin sa daan habang nagmamaneho. Hindi na ako nakaangal pa.

Nang makita ko siya kanina, aalis na dapat ako pero ang bilis ng kilos niya at nahablot niya agad ang bag ko, para siyang snatcher sa bilis ng kilos niya, gwapong snatcher....

Kaya wala na din akong nagawa kundi ang sumama sa kanya.

Isinandal ko ang ulo ko sa bintana na nasa tabi ko at hindi sinasadyang mapadako ang mga tingin ko sa nakatagilid na mukha ni Tyler ba seryosong-seryosong nakatutok sa daan habang nagdridriver. Wala pa din pinagbago ang pinkish na labi niya, ang panga niya mas naging firm pa, yung kilay niya pantay na pantay pa din, yung ilong kitang kita ang pagiging matangos nito lalo na kapag nakatagilid siya sayo.

Napalunok ako habang tinititigan siya. Wala ba 'tong trabahong ginagawa at mukhang hindi stress?

Sa pagkakaalam ko kasi, sobrang dami na nitong kompanya na naipatayo, halos sa buong asia. Nakita ko yun isa sa mga magazine na nasa apartment ni Alyana noong nasa sala ako ng pumunta kami doon.

Isa siya sa mga binatang naging successful sa buhay at sa edad na 18 nagpapatakbo na ng ilan sa mga kompanya nila dati. Kayang-kaya niyang pagsabayin ang pag-aaral at ang pagiging acting ceo niya noong nasa bakasyon pa ang kanyang ama.

"Stop staring at me, kaye. We might get a car accident if you continue looking at me like that." Napaiwas ako ng tingin sa sinabi ni Tyler at napapikit ng mariin, hindi ko napansin na napatitig na ako ng matagal sa kanya dahil sa mga iniisip ko.

Tumingin ako saglit sa kanya bago umayos at itinuon na lang ang tingin sa harap.

Ilang minuto pa ng makarating kami isa sa mga italian restaurant na pang 24 hours kaya bukas pa din ito, may mga tao pa sa loob at masayang kumakain.

Napapansin ko din, mahilig si Tyler sa mga lutong italian, dati kasi lagi din kaming kumakain sa mga Restaurant kung saan halos pagkaing italiano at italiana ang kanilang sine-serve.

Tinanggal ko ang seatbelt ko, ganon din si Tyler at sabay naming binuksan ang pinto bago lumabas. Inayos ko ang pagkakasabit ng sling bag ko sa balikat ko habang ang bagpack ko naman ay nasa loob ng passenger seat.

Naglakad kami papasok sa Restaurant at may sumalubong saming isang waitress.

"A Early Goodmorning to you Sir Tyler and....Ma'am? Do you have any reservation?" Tanong ng maputi at kulot curly and buhok na waitress na lumapit samin. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa, dahilan para mapatingin din ako sa sarili ko. Naka nurse uniform pa pala ako.

"None. Just give us a comfortable seat and place to eat" Sagot ni Tyler kay Ateng Waitress kaya nawala na ang paningin niya sakin at nakangiting tumango kay Tyler.

"Okay Sir Tyler. This way" Sabi nito at itinuro saamin ang seat namin. Pinaghila ako ng upuan ni Tyler kaya tumikhim ako sandali bago umupo sa hinila niyang upuan, umupo naman siya sa harap ko. Binigyan kami ng tag isang Menu at pagtingin ko doon ay hindi ko alam kung ano anong klaseng pagkain dahil sa mga pangalan nito.

Ibinababa ko ang menu at tumingin kay Tyler na mukhang tapos na makaorder ng sa kanya dahil nakatingin na sa akin ito habang nakasandal sa upuan at pinapaikot-ikot ang susi ng kotse niya sa kanyang daliri.

Pinagtaasan ko siya ng kilay pero ang gungong nginitian lang siya.

Hindi na lang ako oorder. Sabi ko sa sarili ko at sumandal na lang at humikab ng mahina. Inaantok na ako.

10 minuto lang ang lumipas at dumating na ang mga inorder namin--i mean inorder ni Tyler. Nasa limang iba't ibang italian dishes ang nasa harap namin ngayon at lahat ng malalaking plate na ginagamit nila for serving ay punong puno, parang kasyang-kasya sa talong tao.

"Masasarap yang inorder ko, minsan ako pumunta dito at yan ang lagi kong kinakain" Sabi ni Tyler habang pinupunasan ang kutsara't tinidor ng tissue. Tumango ako at pinunasan din ang kutsara't tinidor na gagamitin ko. Nilagyan ako ni tyler sa plato ng pagkain.

"Thanks" mahinang sambit ko bago tinikman ang pagkain. Masarap siya, medyo matamis. Biglang nawala ang antok na nararamdaman ko kanina at naganahan ako kumain, kumuha pa ako at kumain ulit, hindi pinapansin ang mga nasa paligid at para lang akong mag-isang masarap na kumakain.

Isusubo ko pa sana ang nasa kutsara ko ng may pahidin si Tyler sa gilid ng labi ko gamit ang kanyang saliri. Tumingin ako sa kanya at seryoso siyang nakatingin sakin--o sa labi ko na pinunasan niya gamit ang daliri niya.

Narinig ko ang malalim na pagbuntong hininga niya at mabilis na inalis ang daliri niya sa gilid ng labi ko, hindi ko alam pero naramdaman ko ang pag init ng pisnge ko at mabilis akong napatingin sa plato ko.  Kalma Self.....

A/N: Sorry po ngayon lang, wala po akong net ehh kaya ndi ko maipost itong nadraft na chapter 22.....

My Mafia Boss Husband (Book 1 And 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon