Chapter Forty-Seven

2.1K 58 2
                                    

Chapter Forty-Seven

'Kaye Anne's Point Of View'

"Sino yung lalaking inakalang si Tyler?" Clara asked me. Nandito kami ngayon sa coffee shop na madalas naming pagkitaan, dalawang araw ns din ang nakakalipas matapos ng may managyari sa building ng opisina nila Tyler, at dalawang araw na din makalipas ng huli kaming magkita pagkatapos ng gabing yun dahil delikado kung gabi gabi kami dadalaw sa kanya lalo't may nararamdaman akong nakasunod samin.

"Hindi din ako sigurado kung sino 'yon, hindi ko pa natatanong si Daryl tungkol doon kasi anong oras ng umuuwi sa bahay, mukhang inaasikaso yung nangyari" Tumango si Clara ng tumingin ulit sakin ng may pasimpleng tignan sa labas.

"Eh kamusta naman yung bebe mo?" Tanong nito at nginisian pa ako sa huli niyang sinabi. Di ko napigilan ang ngiting gumuhit sa aking mga labi dahil sa binanggit niya.

"Okay naman, hindi naman ganon kalala ang mga galos niya" Sabi ko ng nakangiti ng may maalala.

"Ano ba yan! Kinikilig ako sa inyo" Hagikhik ni Clara at tumili pa ng mahina, natawa ako sa inakto niya.

Nakwento ko na din sa kanya ang nangyari ng gabing 'yon. Hindi parin nag sisink in sa sakin ang mga sinabi niya lalo na noong inaya niya ulit akong magpakasal sa kanya pagkatapos ng lahat ng 'to. Nag uusap lang kaming dalawa pagkatapos kumain ng dinner ng may ilabas siyang singsing. Hanggang ngayon, hindi parin ako makamove on sa nangyari, yung mga sinabi niya na halos ikaiyak ko pa. That night is one of the best night i never had in my life, kahit alam kong delikado pa siya, at maraming dapat tapusin, hindi ko parin maiwasang natuwa at kiligin. Sana lang ay mahuli na ang may gawa ng nangyari, para matapos na 'to.

"Bridesmaid ako ah!" Sabi ni Clara habang tinatapos ang inorder.

"Ano ka ba, di mo na kailangan sabihin sakin yan" Sambit ko at mahina pang natawa.

Hindi din kami nagtagal ni Clara sa coffee shop at napagdesisyonan na naming umalis doon.

"Sa akin ka na sumabay, ihahatid na kita, may pupuntahan ka pa ba?"

"Sa hospital sana" Sagot ko. Tumango ito bago naunang naglakad kung saan nakaparada ang sasakyan niya, susunod na sana ako ng may mahagip ang paningin ko sa gilid, lalaking nakaitim na hood at parang sa direksyon namin nakatingin. Bigla akong kinabahan, at naisip na baka tauhan 'yon ng may pakana sa nangyaring pagsabog sa opisina ni Tyler. Mabilis kong iniwas ang tingin ko at hindi nagpahalata na napapansin siya ngunit tinitignan ko ang galaw niya sa gilid ng mata ko, sinubukan ko na simpleng tignan ang paligid ko kung may iba pa ba siyang kasama at nakahinga naman ako ng maluwag ng wala naman at mukhang nag iisa lang siya. Mahigpit kong hinawakan ang bag ko kung nasaan ang baril na binigay ni Daryl na pwede kong gamitin oras na may mangyaring hindi maganda.

"Pasok na, Kaye" Sabi ni Clara ng makalapit na kami sa kotse niya. Nagkatinginan kami bago ako tumango at binuksan ang passenger seat bago pumasok at sinara yun, ganon din ang ginawa ni Clara ng makapasok sa Driver seat at nagseatbelt.

"Wag kabg magpahalata" Sabi ni Clara na ikinalingon ko sa kanya. Doon ko natanto na napapansin niya din ang napansin ko kanina.

"Sa tingin mo isa yun sa mga tauhan ng may gawan noon kay Tyler?" Tanong ko bago kinabit nag seatbelt ko sa akin.

Pinaandar niya ang makina ng sasakyan at saglit na tumingin sa labas. Marami namang tao at sasakyan na dumadaan sa kalsada ka impossibleng dito kami targetin at pagbabarilin. Ughs! Ano bang iniisip ko.

"Hindi natin alam, pero mabuti ng nakakasigurado, kanina ko pa napapansin yung lalaking 'yon sa labas" Sabi nito at niluko ang kotse paalis ng parking lot.

Kaya pala habang kinakausap ko siya kanina napapansin ko ang paglingon lingon niya sa labas at parang may tinitignan.

Tumingin ako sa likod ng bintana at tinignan kung nakasunod ba sa amin yung lalaking nakaitim na hood sa coffee shop ngunit wala naman na ito doon.

"Hindi na kita idadaan sa hospital, Kaye, delikado, mas mabuting iuwi muna kita at baka kung ano pang mangyari sayo dito sa labas" Sabi ni Clara. Tumango ako dahil 'yon ang tama, lalo na ngayong hindi ko makita kung nasaan ang lalaking nakahood.

Maayos ang naging byahe namin pauwi sa mansyon ng mga magulang ko, at salamat sa dyos at walang nangyari. Kahit na hindi parin ako mapanatag, okay na yung nakaalis kami doon ng maayos.

"Wag ka munang maglalabas,mas mabuting manatili ka muna dito sa inyo" Sabi ni Clara at pinarada ang kotse niya sa tapat ng gate namin.

"Thank you, Clara, ingat ka sa pagdradrive" Sabi ko bago bumaba.

"Sige, bye Kaye, text me later okay? I love you"

"Sige. I love you too, bye" Sabi ko at sinara ang pinto tsaka kumaway sa kanya. Pinagbuksan ako ni manong guard ng gate papasok sa loob ng mansyon ng tuluyan ng makaalis si Clara. Naabutan ko si Kelly na nasa labas at pinaglalaruan ang mga naglilipadang butterfly sa paligid.

"Hello Mommy Kaye" Bati nito ng nilingon ako. Nilapitan ko siya.

"Hi baby, why are you playing outside?" I asked and kiss her cheeks.

"I just want to play with this flies, Mommy Kaye"

"Okay baby, papasok muna si Mommy Kaye, wag kang pupunta kung saan saan, okay?" She nodded at what i've said. I kissed her forehead for the last time before stepping inside.

Tulad ng nakagawian, wala sila ditong lahat except kay Takashi na nasa taas ng kwarto niya habang si Klare naman ay umalis daw kanina at may pinuntahan sabi ni manang.

Umakyat muna ako sa taas ng kwarto at binaba ang sling bag ko kung nasaan ang baril na binigay ni Daryl at muling bumaba para tumulong magluto ng tanghalian.

"Dyos ko maria, ano bang nangyayari sa atin ngayon" Narinig kong sambit nila manang sa sala ng pababa ako ng hagdan. Mukhang nanonood sila ng balita ayon na din sa naririnig ko.

Tuluyan na akong nakababa at nilapitan sila. Nagtanong

"Ano pong meron, manang?" Tanong ko.

"Kababalita lang ngayon yung kotseng pinagbabaril daw, hay nako!" Sabi ni manang. Kumunot ang noo ko at nilingon ang balita na nasa TV, napatigil ako ng makilala ko ang sasakyan na nasa larawan at sira sira ang mga salamin dahil sa mga balang pinatama doon.

My Mafia Boss Husband (Book 1 And 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon