Chapter Fourteen

4.1K 94 6
                                    

Chapter Fourteen

'Kaye Anne's Point Of View'

"Kaye" i was about to go inside my apartment when Tyler call my name, i looked at him. "Thank You" sabi nito, tumango ako.

"Walang anuman, sige, pasok na ako" sabi ko. Tumango ito. Nang makapasok ako dahan dahan kong isinara ang pinto hanggang mawala siya sa paningin ko. Napahawak ako sa dibdib ko na kanina pa parang kumakarera sa sobrang bilis ng pagpintig nito. Hindi 'to pwede.

Hindi na tama 'to, kapag hinayaan kong mangyari ang nangyari noon wala ding saysay ang pagpunta ko sa ibang bansa para makalimot sa mga sakit na nadama ko sa piling niya at ng mga taong walang ginawa kundi ang saktan at pahirapan ako, hindi man literal.....

Malalim na hininga ang pinakawalan ko sa hangin, i should consider him as a stranger, pero hindi naman pwedeng araw araw na nakikita ko siya a-akto ako na parang hindi ko siya kilala, baka mas lalo akong mapaghalataan na umiiwas ako sa kanya.

Pero hindi naman masamang aminin yung totoo na umiiwas talaga ako,diba? Siya naman gumawa ng paraan para umiwas at magpakalayo layo ako.....

Umiling na lang ako sa pakikipag-away ko sa sarili ko, i should not over think, let's say his just a....

"Friend" Yeah right, a friend.

Pinagsawalang bahala ko na lang ang mga pinag-iisip ko at pumunta sa kwarto, naramdaman ko ang lagkit ng katawan ko, magbababad muna ako sa tubig para maginhawa ang pagtulog ko mamaya.

Alas kwatro palang ng magising ako, medyo inaantok pa ako pero hindi naman ako makatulog, sa pagkakaalam ko late na ako natulog ka kagabi kaya sure akong puyat ako at paniguradong sa trabaho pa ako antukin nito.

Bumangon na lang ako, siguro magjojogging na lang ako kahit sandali para mawala din ang antok ko kung hindi man lang din ulit ako makatulog.

Nagtimpla na din ako ng kape para magising ako, bago nagpalit ng jogging pants at malaki laki at manipis na t-shirt para hindi ako masyadong mainitan.

Papalabas na ako ng bumukas din ang pinto ng apartment ni Alyana at lumabas si Tyler doon na naka office suit, kumunot ang noo ko. Ang aga palang ahh?

"Goodmorning" kaswal na sabi nito. Lumunok ako bago nagsalita.

"Goodmorning din" balik bati ko. Ni-lock ko ang pinto ng apartment ko at naglakad na, sumunod naman siya, siguro maaga pasok niya, baka maraming tatapusin. Sinong kasama ni Alyana doon?

Nakarating kami sa tapat ng elevator na hindi ako mapakali dahil gusto kong magtanong kung sino ang nag-aalaga kay Alyana, alam kong labas na ako doon, pero syempre kung ako ang nasa posisyon niya hindi ko hahayaan na iwanan doon mag-isa. Gosh! As if naman na iiwan siyang mag-isa doon Kaye! You are overreacting again.

"Bababa ka ba?" Nawala lahat ng iniisip ko ng pumukaw ang boses ni Tyler sa harap ko, tae, kanina pa pala nakabukas ang elevator hindi ko man lang napansin, nakapasok na din siya at nasa gitna lang ng pinto para pigilan ang pagsara ng elevator.

Mabilis akong kumilos, tumabi naman siya para makapasok ako, pumasok na din siya at pinindot ang LG, dalawa lang kami sa elevator at kinakapos ako ng hininga, hindi ko alam kung bakit.

"Are you ok? You look pale" Tanong ni Tyler, tumango lang ako, pinakalma ko ang sarili ko, bakit ba kasi napakaaga namang kamalasan ito.

Ilang segundo pa ng bumukas ang pinto ng elevator, pinauna niya akong lumabas kaya lumabas na agad ako, may mga nakaabang doon sa harap at mukhang kanina pa naghihintay na makababa ang elevator.

Mabilis ang lakad ko, hindi ko nga namamalan na nakalabas na pala ako at nakalimutan ko ang kasabay ko pababa, tumingin ako sa likod ko at nakita ko siyang nakasunod sakin.

Bakit ako sinusundan nito? Pinagtaasan ko siya ng kilay ng makalapit siya sakin, kakapalan ko na mukha ko.

"Sinusundan mo ba ako?" Taas noong tanong ko, kumunot ang noo nito bago ngumisi. Pinanlakihan ko siya ng mga mata dahil sa pamgisi ngisi niya.

Tumingin ito sa likod ko at may nginuso, "My car is right behind you and as you can see, iisa lang naman ang daanan dito" sabi nito, natauhan ako sa sinabi niya at bigla akong namula at nahiya, paramg gusyo ko na lang maglaho bigla sa kinatatayuan ko. Lupa kainin mo na ako!!!

"Mind if you'll excuse me, malalate na ako sa meeting ko" Sabi nito at naglakad na gilid ko kaya tumabi ako para makadaan siya. Sinundan ko siya ng tingin at sumakay na siya sa sasakyan niya na itim na Ford Mustang. Napakayaman talaga.

Nang makaalis ito doon lang din ako kumilos, nakalimutan ko, magjojogging pala ako kaya ako nandito. Tsk tsk....



Uminom ako ng tubig at umupo sa malapit na bench na nakita ko, ala sais palang pero tirik na tirik na ang araw ngayon kaya tumigil na ako kakaikot sa malawak na Park na ito.

Uuwi na din ako mamaya maya, alas otso pa naman ang pasok ko, pasalamat naman at nawala ang antok ko at buhay na buhay na ang diwa ko.

Hinintay ko muna na guminhawa ang sarili ko para lalakarin ko na lang pabalik sa Apartment ulit.

A/N: Try ko pa po mag ud tom, exam na kasi naman kaya po need to review muna ako. Sorry hindi na din po ako makabawi kasi busy talaga lalo na studyante lang po ako....sana po maintindihan niyo, salamat po🍒😊Goodmorning na din🍒

My Mafia Boss Husband (Book 1 And 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon