Chapter Forty-Four

2.7K 67 2
                                    

Chapter Forty-Four

'Kaye Anne's Point Of View'

"Can we come with you, Kaye?" My mom asked. Nasa hapag na kami at sabay sabay na naghahapunan kasama si Tyler, habang kumakain ay pinag uusapan namin na gusto ko bumalik ng New York panandalian para kunin ang ibang gamit ko, at para dalawin ang mga gusto kong dalawin.

Gusto nilang sumama, hindi ko alam kung para saan, siguro para mamasyal? Wala naman akong problema kung sasama sila,but i'm thinking where will they stay, kung sa hotel, maraming kukunin na rooms, hindi naman kasi pwede sa condo ko doon dahil maliit lang yun at iisa lang ang kama ko na kasya lang ang dalawang tao.

"Pwede naman po, My. Kaso po maliit lang ang condo ko doon kaya hindi ko alam kung saan po kayo tutuloy" Sabi ko. Bigla silang lumingon may Tyler na nasa tabi ko, nakunot ang noo ko sa di malamang dahilan kaya tumingin din ako sa kanya, nagpupunas siya labi at tumikhim.

"Meron kaming bahay sa New York, you can stay there, maraming bedrooms and..." he said before looking at me "it's just near at the hospital where kaye works." Dugto niya na ikinanganga ko. May bahay siya sa new york?! What the fudge?!

Sigurado akong halatang nagulat ako sa sinabi niya. Laglag pa rin ang panga ko ng magsalita si My.

"Ohh thats good, then we should stay there, btw, are you coming, Ty?" My mom asked.

Mabilis na tumango si Tyler, inayos ko ang sarili ko at sinimulan ulit na kumain. Gulat parin ako doon, pero walang impossible sa mga Villanueva, sa dami ng kompanya nila, mga negosyo, hindi na dapat nakakagulat na may roon silang bahay sa iba't ibang panig ng mundo, pero ang malaman mula sa kanya na may bahay sila sa New York ay nakakagulat talaga, sa pag kakaalam ko halos ang iba nilang kamag anak ay nasa France, yung iba nandito sa pilipinas, kaya sino naman ang titira sa bahay nila sa New York? Yung mom  niya at ate niya na si Trisha ay may sarili ding bahay sa Brazil.

Hindi ko alam kung paano ko natapos ang dinner na yun na maraming iniisip dahil sa pamilyang Villanueva. Kahit na ikinasal kami, ang papa lang ni Tyler ang nakakasalamuha ko, hindi ang mga kamag anak niya dahil alam kong hindi sila sang ayon sa nangyaring kasalan namin noon.

Napapitlag ako ng may biglang yumakap sa likuran ko, alam ko na agad na si Tyler yun dahil sa amoy ng pabango niya at siya lang naman ang gagawa nito sakin. Nilingon ko siya na , pinatong niya ang baba niya sa balikat ko at mas hinapit pa ako palapit para maramdaman ko pa lalo ang matigas niyang katawan sa likod ko. Nasa tapat kami ng garden ngayon, habang ang mga magulang at mga kapatid ko ay nasa loob ng mansyon.

"I can almost hear what you're thinking" Bulong nito sa tenga ko, medyo nakiliti pa ako dahil sa hininga niyang tumatama sa tenga ko.

"Nagulat lang ako sa sinabi mo na may bahay kayo sa New York." I said, honestly.

"Sorry, i didn't tell"

"Okay lang, i'm just really shock early because of that but it's fine, maybe that for business purposes, right?"

He pressed his lips at my cheek.

"Yeah, because you're my business that time" Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya. So all those years that i spend in New York alam niyang doon ako nakatira? "Yes, i know you live there, Dr. Jose Manuel is my Ninong, then she mentioned you when were talking about good nurses in New York na pwedeng mapadala dito sa pilipinas para sa hospital ng Tito ko" Mas lalo atang nasira ang pag iisip ko ng sabihin niya yun. Tito niya yung may ari ng hospital?! What the heck?! Ganon ba talaga ako kawalang alam sa kanila?

Siguro dapat akong magrecess tungkol sa kanila. Gosh! Parang bigla akong nang liit sa katayuan ko, tapos trabaho ko bilang isang nurse lang.

Hindi ko kinakahiya ang marangal na trabahong meron ako, at lalong ito talaga ang gusto ko, dito talaga ako may interest pero ang isiping sila ang may ari ng hospital na yun, parang hindi ako nababagay sa isang Tyler Villanueva.

Ang daming umiikot na mga tanong sa isipan ko. Hindi ko nga alam kung paano ko pa nakausap si Tyler ng maayos kanina bago siya nagpaalam na aalis na. Nakahiga na ako ngayon at hindi ako makatulog sa dami ng iniisip, normal lang naman siguro 'to sa taong di makapaniwala dahil sa mga nalaman. And you can't believe it, he mentioned a cafe! My own cafe! What the hell?!

Gusto niyang puntahan namin yun tomorrow afternoon, at dahil wala naman akong ginagawa dito, i'm in.

I also texted Clara, if we can see each other this coming saturday, sa cafe kung saan kami madalas magkita,or kung malapit lang ang cafe na sinasabi ni Tyler, kahit doon na lang din kami.

Dahil hindi ako makatulog kahit ala una na, napag isipan ko munang bumaba at uminom ng tubig. Tahimik na ang buong bahay dahil tulog na ang lahat at ako na lang ata ang gising except sa mga ibang bodyguards na nakakalat sa bakuran para magbantay.

Madadaanan ko ang kwarto ni Daryl, sa pinto ng kwarto niya ay may nakasulat na Daryl Ren, ngayon ko lang din napagtanto na dalawa ang gamit niya, Darren and Daryl. Hindi pa ako nakakalayo sa pinto niya ng marinig ko ang boses niya sa loob na parang may kausap sa telepono, hindi ko maintindihan ang sinasahi niya, gising pa pala siya, o baka nagising dahil siguro sa kausap sa telepono.

Nagkibit balikat na lang ako at bumaba na ng hagdanan tsaka dumiretsyo ng kusina at kumuha ng tubig, patay na ang mga ilaw pero may liwanag naman na galing sa labas dahil sa mga ilaw na nakapalibot sa bakuran. Pagkatapos kong uminom ay bumalik din kaagad ako sa kwarto at inintay na lang na dalawin ako ng antok.

My Mafia Boss Husband (Book 1 And 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon