Chapter Fifty-Two
'Kaye Anne's Point Of View'
"Nex time. Tell it to me, don't hide anything. We will both decide, not only you nor me, It's should be both of us." Ito ang sinabi ni Tyler ng makapag usap kami sa Airport. Maayos naman kami at nakapag usap tungkol sa plano ko at hindi man lang pagsasabi. I know i was wrong to hide it from him. Well, not that i'll hide it and won't tell him, it's just for a mean time.
We are inside the airplane now. Sinusuklay niya ang buhok ko at paminsang hahalik sa noo ko habang nakasandal ako sa kanya.
Inangat ko ang tingin sa kanya. Nahuli ko siyang nakatitig sakin. He smiled at me and kiss me my forehead again. I smiled back.
"I love you," i whispered.
He smirked. "What? I can't hear you"
"Wala... tss..." I slighty pinched his arm.
He chuckled.
"I love you too"
Nakatulog ako sa gitna ng byahe. Nagising lang ng maramdaman ko ang paggalaw ng katabi ko. Binuksan ko ang mga nakapikit kong mata at tinignan si Tyler. Medyo inangat ko ang sarili kong nakasandal sa kanya at umayos ng upo.
"Hey. Did I woke you up? Sorry," aniya.
Mabilis akong umiling. "No. It's fine, anong oras na?" I asked and looked at the window. Madilim parin ang kalangitan. Napansin ko ding Dim ang ilaw, nakabukas ang malaking Flat Screen TV at tulog ang ibang nakasakay.
"Are you hungry?" Medyo inaantok pa ako pero mukhang hindi na ako makakatulog kung susubukan ko.
Binalewala ko ang tanong ni Tyler at nilingon ulit siya.
"Nakatulog ka ba?" I asked to him.
"Yeah. A bit." I nodded at his answer and tapped my shoulder.
"Sleep again," saad ko.
Hindi naman ito nagsalita pa at sinuksok ang ulo niya sa leeg ko habang ang isang kamay ay nakayakap sa akin.
Later on, I can feel his heavy sighed, nagpapahiwatig na tulog na siya. Mukhang puyat ang isang 'to at hindi naman yata talaga natulog. Marahan kong kinuha ang pagkaing dala namin at pasimpleng kumain. Hindi din naman ako makatulog kaya nanood nalang ako ng movie sa TV nakabukas.
As the time run so fast. Tanghali na ng makababa kami sa Airport. Sinuot ko ang dala kong hoddy dahil medyo nilalamig ako. I sent a messages to my family and to Dr.Manuel at sinabing nandito na kami sa New York.
"To your condo?" Tyler asked. And text typed something in his phone. Maybe texting someone from Philippines.
I nodded. "Plano ko sana dumiretsyo na tayo sa Hospital, pero mas maganda kong makapagpalit muna tayo, para dumiretsyo din sa bahay nila Maxine, pagkatapos."
Nakaramdam ulit ako ng lungkot ng maalala si Maxine. She's to young..... Ang dami niyang pangarap sa buhay, she wanted to be a nurse too, kasi gusto niyang siya ang mag aalaga sakin kapag nagkasakit ako. She also want to be a designer, because her mom likes clothes.
Tyler called a cab that can bring us to my condominium building. Malinis naman ang Condo ko bago ako umalis. Hindi ko lang alam ngayon, hindi na kasi ako napapalinis doon kung kaya ko naman.
"Is there a near Restaurant in your Condominium? We should eat lunch first," ani Tyler.
"Meron naman sa baba." I said. "By the way," he looked at me, hinihintay kong ano pang sasabihin ko. "Alam mo ba kung nasaan sila Klare? Hindi pa sila umuuwi, Kelly is sick. She's looking to Klare yesterday. Tinawagan na din namin, hindi sumasagot." Tumango agad ito at huminga ng malalim.
"She's helping Daryl. They'll be back tomorrow." That's make me curious. Helping to what? Something about what happened before?
Oh wait! I forgot to text Clara. Mabilis kong kinapa ang cellphone ko at hinahanap ang pangalan ni Clara sa contacts tsaka 'yon tinawagan. It took more than 5 second before she answered.
"Kaye?"
"Clara. How are you?" I asked.
"Ito okay naman na, recovering parin. Pupunta ka ba dito?"
Umiling ako kahit hindi niya naman nakikita. "Hindi pa sa ngayon. I'm out of the country, nasa New York ako ngayon"
"Huh? Anong ginagawa mo diyan?" Litong tanong nito.
"Maxine is....." I can't finish my words. "D-Dadalaw lang ako dito, tsaka kukunin iba kong gamit sa condominium." Pag iiba ko sa nais sabihin. I can't said it straightly!
"Ohh. Okay! Sino kasama mo? Are you alone?" Narinig ko ang boses ni Dave sa background, mukhang tinatanong kong sino ang kausap.
"Ahh, hindi. I'm with Tyler," sinabi ko at tinignan ang katabi ko. Nakatingin na nanaman ito sa akin, pinagtaasan ako ng kilay. Ang sungit!
"Okay okay, nakarating na kayo? Take care!"
"Yes. Sige, pagaling ka din. Puntahan kita once na nakabalik na kami diyan."
The called ended with our goodbyes. Tumingin ako sa harap ng daanan. Malapit na kami. I was about to bring back my phone to my bag ng mag vibrate ito at may pumasok na messages from unknown number.
Pasimple akong lumingon sa katabi ko at ng makitang hindi naman siya nakatingin ay inopen ko ang messages na kakasend lang.
Unknown:
Wrong way, Velasquez.
Nangunot ang noo ko sa nabasa. Bago pa ako makapagreact hinila ni Tyler ang ulo pauko at sunod sunod na putok ng baril ang narinig ko.
"Fuck!"
BINABASA MO ANG
My Mafia Boss Husband (Book 1 And 2)
RandomKaye Anne Velasquez, ang babaeng hindi man kagandahan, hindi man kasing talino ng iba, marunong namang lumaban. Hindi man siya ang tipo ng mga lalaki, hindi man siya mayaman pero may pusong-mamon naman siya para sa mga taong nasa paligid niya.... Pe...