Chapter Twelve
'Kaye Anne's Point Of View'
Alas kwatro na ng hapon at pinatigil na kami at sinabing bukas na lang daw namin ituloy ang mga hindi pa natatapos, kaya naman itinabi namin ang mga boxes na may mga laman na equipments and some other supplies.
Uuwi din muna ako para mag-ayos, tinext din ako ni Kaizer na kukunin niya ako sa apartment ng mga ala sais ng gabi.
"Sabay na tayo pumunta sa apartment, Kaye?" sabi ni Marielle.
Doon ko lang naalala na pareho pareho kami ng mga apartment na inuuwian.
Tumango ako sa kanya, "sure, maglalakad ka lang ba? Naglalakad lang kasi ako ehh, malapit lang" Tanong ko sa kanya.
"Lakad na lang tao, gusto ko din na makasama ka pa ng matagal" sahi nito at ngumiti sa akin, her smile saying otherwise, siguro gusto niya lang makipagkwentuhan sa akin habang naglalakad, gusto ko din yun para naman kahit papaano may kasabay ako.
Nagsimula na kaming maglakad, may mga nakakasabay din kaming mga nurses na naglalakad,yung iba naman sumasakay pa, siguro pagod din kaya gusto nang makauwi at makapagpahinga.
"Wala ka bang boyfriend?" Pag-o-open ni Marielle sa topic. Mabilis akong umiling.
"Wala, mas focus kasi ako sa trabaho" sagot ko sa kanya.
"Wow, as in? Sa ganda mong yan, wala ka man lang naging boyfriend? Tsaka masaya kaya kapag nagkaboyfriend ka, may maghahatid-sundo sayo" sabi nito, tumikhim ako.
"Well, nagkaroon ako noon ng boyfriend, but w-we broke up" sabi ko sa kanya kahit hindi naman boyfriend yun, asawa nga yun kahit hindi naging kami, tsaka it's a divorce not a break up, arghh...
"Why did you two broke up?" Tanong niya ulit, mukhang gusto talagang malaman ni Marielle ang tungkol sa lovelife ko.
"H-he cheat" sagot ko na medyo nauutal pa, i should not, totoo naman yun, he cheat, nakita ko lang naman may kahalikan siya at sa tapat pa mismo ng pintuan ng mansion nila, hindi man lang nila hinintay na makapasok sila sa loob ng sala, PDA, psh.
"Aww, sorry for that" sabi nito.
Tumango lang ako at nginitian siya, i am not affected anymore, and i shouldn't, past is past, and i already moved on.
Lumipas ang ilang minuto at naglakad na lang kami ng tahimik pabalik sa apartment, minsa magtatanong lang siya about sa personal information ko, hindi na siya nagtanong tungkol sa mga nangyari sa buhay ko, mukhang nakikiramdam pa siya at baka kasi may matanong siya na hindi ko nanaisin na sagutin.
Hanggang sa makarating kami sa apartment. Sumakay kami sa elevator at ng makarating sa second floor, bumaba na siya, number 12 ang apartment niya kaya sa sceond floor lang, nagpaalam siya bago lumabas ng elevator.
Hanggang sa makarating ako sa floor ng apartment ko. Bumukas ang elevator kaya lumabas ako doon, naglakad na ako papunta sa pintuan ng apartment ko pansamantala, binuksan ko na ito at akmang isasara ng bumukas ang katapat ko na apartment at lumabas doon si Tyler.
Nagulat pa ito ng nakita ako, ngunit tumikhim din at nagsalita.
"Kaye" sambit nito sa pangalan ko.
"Umm hello" sabi ko. Ang akward.
"Can i ask for a liitle help? I just really need you right now, i was about to call a nurse but i see you, i think you can help me with this" sabi nito, nangunot ang noo ko, ano nanaman connect ng pagiging nurse ko sa hinihingi niyang tulong?
"Ano ba yun?" Tanong ko at iwinaksi ang mga iniisip ko kanina.
"Can you come in here?" Tanong nito.
Bumuntong hininga ako at tumango. Isinara ko ang pinto ng apartment ko at naglakad papasok sa loob ng apartment niya, maganda ang pagkakadesign at pagkakaayos ng mga gamit, yung flooring ay simple lang pero masarap tignan dahil malinis. Yung dingding ay pininturahan ng color brown pero nilagyan ng designs para hindi ito magmukhang sinple.
"Dito tayo sa kwarto" sabi nito, napatigil naman ako sa paglalakad, anong gagawin namin sa kwarto?! "Wala akong masamang intensyon, Alyana is there" sabi nito ng mukhang napansin niya ang pagtigil ko sa paglalakad.
Wai--What?! Alyana is there? At ano namang ginagawa niya diyan at pinapunta pa ako nitong lalaking 'to dito?
Wala na akong nagawa kaya sumunod na lang ako sa kanya, binuksan niya ang pinto at bumungad sakin si Alyana na nakahiga sa queen size bed at parang lantang gulay na namumula mula.
"What the hell?! Alyana" napamura talaga ako dahil sa tingin ko palang sa kanya alam ko na na may sakit siya, tinignan ko ng masama si Tyler. "Dapat dinala mo na siya sa hospital, this is a serious situation makikita mo na na may le--" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng sumingit siya.
"I know it's a leukemia" sabi nito at bumuntong hininga at tinignan si Alyana na nakahiga habang nanghihina.
Mabilis akong lumapit at umupo sa tabi ni Alyana, she's smiling at me. Sabihin na nating naging maldita siya sakin but in the last, she still helped me.
"K-kaye" pabulong na banggit nito sa pangalan ko.
"We try to transfer her in the hospital pero ayaw niya, may trauma siya sa lugar na yun, kaya dito na lang siya kinabitan ng mga gamot at iba-iba pa" sabi nito. Gamot?
"Anong klaseng leukemia?" Tanong ko, iba-iba kasi ang leukemia, merong acute lymphocytic leukemia, ito yung leukemia na nakukuha ng mga bata.
"Chronic. Chronic Lymphocytic Leukemia" para akong nabingi sa sinabi niya. Naramdaman ko ang kamay ni Alyana sa hita ko. Tinignan ko siya at ngumit siya sakin.
"I-I a-already accepted m-my cancer" mahina at nahihirapamg sabi nito. Sobrang init ng kamay niya, at may mga red spots siya sa katawan. Ang Chronic Leukemia ang isa sa mga nakakatakot na leukemia, hindi na kasi ito nagagamot kahit anong gawin mo....
A/N: Mamaya ulit:> bawi po ako bago mag new year..
BINABASA MO ANG
My Mafia Boss Husband (Book 1 And 2)
AléatoireKaye Anne Velasquez, ang babaeng hindi man kagandahan, hindi man kasing talino ng iba, marunong namang lumaban. Hindi man siya ang tipo ng mga lalaki, hindi man siya mayaman pero may pusong-mamon naman siya para sa mga taong nasa paligid niya.... Pe...