Chapter Thirty-Nine

3.1K 69 5
                                    

Chapter Thirty-Nine

'Tyler's Point Of View'

"I'll take care of her, Tita" Sabi ko pagkatapos kong ipaalam na ilalabas ko saglit si Kaye. I didn't saw her for two days and i miss her so much, to much.

"Iho, call me Mama, you're my daughter's husband afterall and ofcourse my son-in-law" Tumango ako sa sinabi ni Tita, i am not really used to it. But i'll try, she said that i am Kaye's husband so....

Pagkatapos kong magpaalam at kalaruin si Kelly ay umakyat ako para puntahan siya, naabutan ko silang nag-uusap ni Klare habang nag iiyakan at magkayakap. I smiled, seeing them both fine and cool, happy and contented. I'm okay too. But i still need to careful.

Pinaimbestigahan ko na ang mga death treats na nakuha sa apartment ni Kaye kahit na alam ko kung kanino galing ang mga 'yon.

Kelly and Kaye is the target thats why they need to be secured. Si Jake muna ang pinagagalaw ko sa ngayon dahil balisa at tulala pa si Drake, Klare is helping too. I'd called Lancer and Trino too, my father's trusted bodyguards. I'll assigned them to looked after the mansion of the Saito, specially Kaye and Kelly.

Lumabas na si Klare, pumasok naman ako at sinabi kay Kaye na idadate ko siya. Damn! I'm look like a teenager because of the dating part and for saying sweet words but i don't care, it's my baby, my Kaye.

'Kaye Anne's Point Of View'

"Saan tayo pupunta?" Tanong ko kay Tyler ng makasakay kami sa sasakyan niya. Kinabit ko ang seatbelt, ganon din ang ginawa niya bago ako nilingon.

"You'll see" Sagot lang nito.

Tumango na lang ako, pinaandar niya ang sasakyan. Sumandal ako at tinitignan ang mga nadadaanan namin.

Hindi ako pamilyar sa daan na tinatahak namin. Pero halos ng bahay na nadadaanan namin ay malalaki at magaganda. May mga nakikita din akong iba't ibang stores, nadaanan pa namin ang isang malaking foundain sa isang park.

"Are you fine at your parent's house?" Biglang tanong ni Tyler. Lumingon ako sa kanya, tutok ang mga mata sa daanan.

"Yes" sagot ko sa kanya.

Sumulyap siya saglit sa akin bago ulit tumingin sa daanan.

"About work. It will be better if you'll resign first" Dahil sa sinabi niya bigla kong naalala na may trabaho pa pala ako. Pero naguguluhan ako sa sinabi niya, bakit kailangan kong magresign?

"It's about the death treats you've receive. It will be easy for the sender to target you if you'll keep going at work, they can harm you in any way they can if you're alone" Sabi nito na parang nabasa ang nasa isip ko. Napatahimik ako at napaisip. Then i remember what happened in the hospital. Hindi nga possible na may mangyari kong papasok pa ako sa trabaho, pero sayang 'yon. At..... dalawang linggo na lang bago kami makabalik ng New York.....

Pero babalik pa ba ako? Nangako akong babalik ako doon at bibisitahin sila Grandma Daisy at Maxine, namimiss ko na ang kasweetan at kakulitan nilamg dalawa.....

Magulo ang isip ko buong byahe, kapag nagtatanong si Tyler, nakakasagot naman ako pero natatahimik parin ako dahil sa mga iniisip. Okay lang naman kung magsesettle down na ako dito sa pilipinas pero may mga tao akong pinangakuhan na babalikan at bibisitahin ko.....

Tsaka ang mga gamit ko ay nasa condominium ko pa doon sa New york, hindi naman pwedeng hayaan ko na lang 'yon doon at lalong iwan ang condo, pinag ipunan ko ang pambayad ko sa condo na yun kaya sayang naman kung iiwanan ko na lang basta basta. Ang mga damit ko doon ay binigay pa ni Thea at galing sa perang naipon ko noong nagpapart time job ako.

Naramdaman ko ang pagtigil ng sasakyan kung saan man kami naroroon. Tinignan ko ang labas. Napatigil ako at parang daan daang alaala ang nagbalik sa akin ng makita ko ulit ang tahanan na kinalakihan ko.

Nangilid ang luha ko habang nakatingin sa labas, tinatanaw ang bahay namin na pagmamay ari na ng iba dahil sa dalawang batang lalaki na nasa labas at naglalaro ng mga pambatang laruan. Nakabukas ang ilaw sa loob na makikita dahil sa bukas na bintana.

"I want to buy the house for you, pero mahihirapan maghanap ng bahay ang nakatira ngayon diyan. The mother of that two boy is a single mom. Iniwan ng asawa para sa ibang babae." Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Natutuwa ako na may kasamang lungkot dahil nakita ko ulit ang bahay na ito na ganon parin ang itsura pero naiba lang ang kulay ng dingding. Pero naaawa ako sa ina ng dalawang batang masayang naglalaro dahil iniwan ito ng asawa para sa babae.

Nararamdaman ko na mahirap ang buhay lalo na kung mag isa kang nagpapalaki ng anak mo, pero kakayanin ng iba dahil sila na lang ang maasahan ng anak nila.

Mariin akong pumikit para matanggal ang mga luha sa mata ko at pinunasan 'yon. Nakangiti ako dumilat habang tinatanaw ang dalawang batang lalaki na naghahabulan na ngayon dahil sa laruan.

"Hindi mo naman kailangan bilhin 'to para sa akin. At lalong hindi kita hahayaan bilhin yan dahil mawawalan ng tahanan ang dalawang batang yan kasama ang mama nila" Sabi ko at lumingon sa kanya. Nakangiti ito sa akin at inangat ang kamay bago hinaplos ang pisngi ko.

"I don't that being away to your real family is bad at all. Maayos kang napalaki sa mga Velasquez kahit alam nilang hindi ka totoong sa kanila. An maybe i would never ever met you if you're a Saito that time...." His words is like a soft song in my ears. Kahit din ako, hindi ako nag sisi na dito ako lumaki dahil naramdaman ko ang hirap at pagsisikap para sa maayos na kinabukasan. At naramdaman ko ang kapayapaan sa mga panahon na 'yon na paniguradong hindi ko basta basta mararamdaman sa totoong buhay na meron dapat ako.

My real father is a part of mafia, at paniguradong magulo ang buhay na yun pero masaya ako dahil nakilala ko parin ang tunay na pamilya ko.

"Pwedeng punta tayong sementeryo?" Tanong ko sa kanya. Tumango naman siya.

Gusto kong dalawin ang dalawang taong nagmahal sa akin ng buong buo, at magpasalamat sa lahat.....

My Mafia Boss Husband (Book 1 And 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon