Chapter Thirty-Four
'Kaye Anne's Point Of View'
"Makakauwi ka na daw bukas, iha" Sabi ni Mama. Tumango ako at liningon sila Drake, Jake at Emily na dumating kanina kanina lang.
Lumapit si Emily sa akin at parang hindi makapaniwalang nakatingin sa akin.
"Em..." Mahina kong sambit.
"K-Kaye long time no see" Sabi nito at sinamaan pa ng tawa, mahina din akong natawa. Inabot niya ang kamay ko at mas lumapit pa sa akin para yakapin ako, maingat niya akong niyakap, ganon din ang ginawa ko.
Nakatingin naman sa amin sila Jake at Drake kaya kinawayan ko sila mula sa likod ni Emily, kumaway sila pabalik at ngumiti.
I feel relieved. Maayos naman ako sa New York pero mas naging maayos ulit ako ng makita silang lahat. Parang apat na taon akong nangulila ng makita ko sila dito sa harapan ko.
Humiwalay ng yakap si Emily sa akin.
"Bakit ngayon ka lang. Sayang, ikaw sana ang brides maid ko noong kasal namin ni Jake" Nagulat ako at tinignan siyang mabuti. Wow! Kasal na sila?!
"Kailan pa? I mean kailan kayo kinasal? Sayang nga wala ako" Tanong ko na may paghihinayang, pero gulat pa din sa nalaman.
Noong mga panahong nasa New York ako hindi ko naisip na sila pa at kasal na sila. Naalala ko pa na kinikilig ako sa kwento ni Emily tungkol sa kanilang dalawa ni Jake.
"Sa kasal niyo na lang ni Mr.Villanueva kami pupunta" Sabi ni Emily na ikinatahimik ko. Kasal? Namin?
"Babe" Mahinang tawag ni Jake kay Emily.
Ngumiti lang ako at nilipat ang tingin kay Drake.
"Ikaw Drake? Kailan ka ikakasal?" Tanong ko para maiba ang topic. Kinamot niya ang batok niya bago ako sagutin.
"Kailangan ba 'yon? Wala pa kaming label, Kaye" Sabi nito. Wala pang label? "Tsaka komplikado pa ang sitwasyon.. "
Tumawa si Mama dahil sa sinabi ni Drake, binatukan siya ni Jake.
"Ang hina mo kasi dre! Torpe!" Natawa ako sa pang aasar ni Jake.
"Kala mo kung sinong hindi torpe, mas torpe ka pa kaysa kay Drake" Sabat ni Emily.
"Naalala ko pa hiyang hiya ka lumapit sa akin tuwing pumupunta kayo sa bahay ni Mr.Villanueva sa laguna!"Namula ang pisngi ni Jake dahil sa sinabi ng asawa. Aww ang cute nila
"Natatakot lang ako sayo kasi sadista ka" Asik ni Jake. Binato naman siya ni Emily ng sapatos niya.
Nag-asaran pa sila ng lumapit sa akin si Mama.
"Uuwi ulit ako mamaya, Kaye. Si Tyler muna ang magbabantay sayo, ok lang ba?" Tanong ni mama. Tumango ako at ngumiti, kailangan din nilang magpahinga, kahit nga ako na lang mag-isa dito, kaya ko naman.
"Babalik kami dito bukas, tapos aasikasuhin ni Tyler ang leave mo sa hospital na pinapasukan mo""Sige po, tatawag na lang din po ako sa kaibigan kong Doctor sa New York."
Tumigil sa pag-aasaran sila Emily, Jake at Drake ng pumasok si Tyler habang tulak tulak ang wheelchair na inuupuan ni Kelly, kasunod niya si Klare.
"Mommy Kaye!" Tawag ni Kelly at kumaway kaway pa sa akin. Tumingin ako kay Tyler at tumango lang ito sa akin. Sinabi na nila?
Nilapit nila sa gilid ko si Kelly.
"Hello, Okay ka na?" Tanong ko at tinignan ang sugat niya sa braso. Masayang siyang tumango at ngumiti sa akin.
"How about you,Mommy Kaye?" Tanong nito pabalik.
"Okay na ako, Little Angel"
"Yehey!"
Lumingon ako kay Klare at Mama na nag-uusap na ngayon. I can sense the akwardness for the both of them but they're still trying to make the situation good.
Tumunog ang cellphone ni Tyler, tumingin muna ito sa akin bago niya 'yon sagutin. Nilalaro naman nila Emily si Kelly.
Tutok lang ang mga mata ko kay Tyler, gulat ang ekspresyon niya habang may kausap sa kabilang linya, hinilot nito ang sentido niya.
"Mommy kapag nakalabas ka na pwede po tayong mag play?" Tumingin ako kay Kelly.
Sumulyap ulit ako kay Tyler bago sinagot si Kelly. "Sure" I answered.
"Ano bang nangyayari, Tyler?" Narinig kong tanong ni Mama kay Tyler na kabababa lang ng tawag.
Huminga ito ng malalim habang hinihintay ang sagot niya.
"Inatake nanaman ng sakit si Alyana...." Sagot nito.
"Huh? Kamusta na daw?" Napalingon ako sa tarantang si Drake.
Pumikit ng mariin si Tyler. "Dead on Arrival"
Natulala at namutla ako sa narinig. Hindi impossible 'yon dahil malala talaga ang sakit niya at ayaw niyang magpagamot, but hearing those words, it's hurts.
Marami kaming hindi maayos na pagsasama pero kahit kailan hindi ako natuwa ng malaman na ganon ang kalagayan niya at ngayon.....she's gone.
Tahimik ang lahat, kahit si Drake ay tulala dahil sa nalaman, pumatak ang luha niya na nagpabalisa sa akin.
I remember what he said kanina. About the girl he's talking about..... It's Alyana......
"Tsaka komplikado pa ang sitwasyon"
Si Alyana 'yong sinasabi niya. Komplikado pa dahil sa sitwasyon niya.....
"S-Saang hospital?" Tanong ni Drake. Tahimik ang lahat at walang nagsasalita.
Lumabas sila ni Tyler kasama si Jake at doon sila nag-usap usap.
"Oh god!" Asik ni Emily.
Nagtatanong naman si Kelly kung sino ang Dead on Arrival, kausap niya ngayon si Klare.
"Ayw niyang magpagamot, kasi alam niyang wala ding mangyayari dahil malala ang sitwasyon niya." Sabi ni Mama.
Nag-uusap usap sila ngayon tungkol kay Alyana. Hindi parin ako makapaniwala, alam kong darating 'to pero hindi ko inaasahang ngayon....
BINABASA MO ANG
My Mafia Boss Husband (Book 1 And 2)
RandomKaye Anne Velasquez, ang babaeng hindi man kagandahan, hindi man kasing talino ng iba, marunong namang lumaban. Hindi man siya ang tipo ng mga lalaki, hindi man siya mayaman pero may pusong-mamon naman siya para sa mga taong nasa paligid niya.... Pe...