Chapter Thirty-Two

5.7K 118 4
                                    

Chapter Thirty-Two

'Kaye Anne's Point Of View'

"Bakit kasi di ka pa sumabay?Yan ngayon kinakabahan kang pumasok" Sabi ni Clara. Papunta na kami sa School at nakasakay kami ngayon sa sasakyan ni Dave. Nasa likod ako at nasa Passenger seat si Clara.

"Mamaya ko na lang kakausapin. Nawala lang ako sa mood" Pagdadahilan ko na lang.

"Ewan ko sayo" Sabi nito at umayos ng umupo.

Nakatingin lang ako sa bintana habang pinagmamasdan ang mga nadadaanan namin. Kakaalis lang namin dahil may dinaanan pa daw si Dave kaya natagalan siya.

"Hindi ko tapos yung report" Rinig kong sabi ni Clara kay Dave na nagmamaneho.

"Sabi ko sayo tapusin na lang natin kahapon. Tutulungan naman kita" Sagot ni Dave

"Eh kasi naman! Kahapon na lang ulit tayong nag date kaya yun na ang inuna ko" Nailing na lang ako dahil sa pagiging childish ng kaibigan ko. Ganyan talaga kapag in love gagawin ang lahat para lang makasama yung taong mahal mo kahit na pag aaral pa ang kapalit.

Mahal ba talaga ako ni Tyler? Yan agad ang pumasok sa isipan ko. Hindi mo maiiwasan ang magduda sa pagmamahal. Kapag ba sinabihan ka ng i love you mahal ka na agad? Pero sa ipinapakit naman ni Tyler alam ko na ang sagot sa tanong ko. Kung pano siya mag alala sakin, kung pano siya maglambing at sa isang i love you pa lang niya kikiligin ka na wala pa siyang ginagawa nun salita palang yun.

Nawala ang iba kong iniisip ng makitang nasa parking lot na kami at pinaparada na ni Dave ang sasakyan niya. Umayos ako ng upo at binuksan ang pinto tsaka lumabas. Hinintay ko pa si Clara na lumabas at mukhang naglambing muna ito sa Boyfriend.

"Lika na" Sabi ng kaibigan ko at hinila na ako papunta sa Loob ng School.

"Stephanie nandito na si kaye" Napatingin ako sa kaklase ko ng marinig ko ang pangalan ko. Tinignan ko si Stephanie na papalapit sa amin.

"Ano nanaman bang gusto nitong bruhang 'to" Rinig kong sabi ni Clara at umirap pa.

"Nandiyan na pala ang babaeng nagfefeeling maganda" Napa taas ako ng kilay sa sinabi niya. Problema nito.

"Nagsalita ang mukhang unggoy" Sabi ni Clara kaya napangisi ako upang pigilan ang pagtawa ko.

"Nagsalita ang epal" Sabi naman ni Stephanie.

"What do you want?" Nakataas na kilay na tanong ko.

"Hindi ko alam na malandi ka din pala. Tapos fourth year college pa ang nilandi mo? Oh my ghad! Kaye ganyan ka ba kadesperada para lang bumingwit ng mayaman at gwapo?" Biglang nag init ang kalamya ko dahil sa sinabi niya.

"Mas malandi ka!" Sigaw ko at sinugod siya. Hinila ko ang buhok niya.

"Oh m--Ouch!" Tili niya ng malakas ko siyang itinulak sa sahig.

"Kung malandi ako mas malandi ka!" Sigaw ko at tinignan siya ng masama " Kala mo ang linis linis mo! Bitch!" Inis na sigaw ko.

Tumayo siya at tinignan ako ng masama " Mas Bitch ka!" Susugurin na sana niya ako ng marinig ko ang pagpito ng Guard at pagdating ng isang Guidance Teaher. Patay!

"You two! Go to the Guidance office, now!" Sabi nito at nauna nang naglakad. Sumunod naman si Stephanie.

"Halika na,sumunod na tayo" Sabi ni Clara. Napahilamos na lang ako ng mukha. First time ko maguidance!

Naglakad na kami ni Clara. Ng makarating sa Guidance Office pumasok kaming na ako at naiwan si Clara sa Labas.

"Sit Down" Mabilis naman akong umupo ng makitang si Ma'am Quinto ang nagsabi nun. Teacher ko siya sa Values "Hindi niyo ba alam na oras na ng klase?!Bakit nasa labas pa kayo at nag aaway? Ms.Velasquaez at Ms.Zhou!" Napayuko na lang ako. Kaharap ko si Stephanie at umiirap lang siya sa ere habang galit na nagsasalita si Ms.Quinto.

"Whose your first teacher?" Mahinahon na ngayong tanong ni Ma'am at sumadal sa upuan niya.

"Mr.Lee po Ms.Quinto kaso po wala po siya pero po si Tyler po ang nagbabantay samin for the mean time" Sagot ko dahil mukha namang walang planong magsalita itong kaharap ko.

"Tyler?Mr.Villanueva?" Tumango ako kay Ma'am.

"Where's Clara?Said to her to call Mr.Villanueva here" Tumango ako kay Ma'am at mabilis na lumabas para sabihin kay Clara na tawagin si Tyler para pumunta dito sa Guidance Office.

Naghihintay lang kami ng tanungin ulit kami ni Ma'am.

"Sino nag simula?" Tanong ni Ms.Quinto. Magsasalita na sana ako ng unahan ako ni Stephanie.

"Si Kaye po" Sabi nito. Tinignan ko siya.

"Ikaw ang nauna. Nanahimik kami tapos bigla bigla ka na lang lalapit samin" Paglalaban ko.

"Pero ikaw ang unang nanabunot at tinulak mo pa ako sa sahig!"

"Ginawa ko yun kasi nangiinsulto ka na!" Sigaw ko sa kanya.

"Bakit naiinsulto ka!Ibig sabihin totoo talaga na malandi ka!" Sigaw nito. Inis ko siyang tinignan.

"Stop!" Tinignan ko lang siya ng masama at hindi pinakinggan ang sinabi ni Ms.Quinto. Hindi ako pinalaki ng mga magulang ko para lang insultuhin ng kung sino sino.

Binigyan ko siya ng sarap-mong-patayin look ng bumukas ang pinto at pumasok si Tyler tsaka.....

Alyana?

A/N: Uwu🌷Thanks for the support that you are giving for this Story i hope you'll support this until the end.....

My Mafia Boss Husband (Book 1 And 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon