Chapter Thirty-Four

5.8K 114 9
                                    

Chapter Thirty-Four

'Tyler's Point Of View'

"Tyler! Oh my god! Slow down" shit! We are on our way to go home. I can't help thinking about kaye.

I know i should have protect kaye and i should be always at her side because she's my wife but the hell dapat di na lang niya pinatulan si Stephanie.

Wala akong pakielam sa mga sasakyan na dumadaan basta mabilis pa rin ang patakbo ko ng sasakyan kahit na kanina ko pa gustong tumigil at ibaba sa gilid ng kalsada itong babaeng kasabay ko. Simula talaga nang dumating 'to doble na ang away na nangyayari samin ng asawa ko.

Maaga ang uwian nila kaya siguro naman hindi na gagala yun at didiretsyo na ng bahay ng makita ko siyang wala na sa loob ng school at sinabi rin ni Clara ng magkita kami na nauna na itong umuwi. Nagkaroon pa kasi ng meeting kaya ako ang umattend dahil wala pa si Mr.Lee nagkasakit kaya baka matagalan talaga ang uwi niya.

Tapos kung mamalasin ka nga naman talaga ulit ang gusto ng ibang Teacher's sa TLE na magkaroon daw ako ng kasama sa pagtuturo at ang kinuha nila ay si Alyana kahit na kakalipat palang nito pero kilala kasi ang pamilya nila kaya mabilis itong nakilala.

Money is really powerful

Mabilis kaming nakadating sa bahay kaya hindi ko na inayos ang parada ko at nauna ng bumaba at diretsyo agad sa loob. Nakita ko pa sila Tita Vivian at Ate Trisha na nag-uusap pero hindi ko na lang sila pinansin at dumiretsyo na lang sa taas kahit na tinatawag pa nila ako ng paulit ulit.

Pagkabukas ko ng pinto ng kwarto walang tao. Napamura na lang talaga ako ng malakas dahil wala pa si Kaye dito. Wag niyang sabihin na doon nanaman siya sa kaibigan niya matutulog at hindi magsasabi sakin. Pinalagpas ko lang yung kahapon ng malaman ko ang dahilan kung bakit talaga siya unalis at doon natulog kay Clara pero ngayon oras talaga na makita ko siya itatali ko na siya dito sa kama.

Bwisit na bwisit talaga akong umupo sa kama at tinignan ang cellphone ko pero wala man lang siyang text o kaya tawag.

Napailing na lang ako sa inis

Hindi ako tatawagan nun dahil sa nangyari kanina. Paramg imbes na ako pa ang makatulong sa kanya ako pa ata ang may kasalanan kung bakit nangyari ang hindi dapat nangyari! Damn my life!

'Kaye Anne's Point Of View'

"Busog ka na?" Nakangiting akong tumango kay Kaizer at uminom ng tubig nandito kami sa bulaluhan malapit sa sementeryo dahil malakas ang ulan kanina sa labas at nabasa kami ng unti kaya kumain muna kami habang nagpapatuyo.

Tinawag niya ako kanina at nagulat ako nang makita siya sa likod ko na nakatayo at pinagmamasdan ako. Mabilis ko pa ngang pinunasan ang mga luha ko ngunit hinila niya agad ako para pumunta dito dahil biglang bumagsak ang malakas na ulan kaya kumain na lang kami habang hinihintay na tumigil ang ulan at nagkwentuhan. Tinanong ko din kung bakit siya nandoon sa sementeryo at ang sabi niya may dinalaw lang daw siyang mahalagang tao sa buhay niya. Nang tinanong niya din ako ay sinagot ko naman ito.

"Hindi ka pa ba uuwi,kaye? Oo nga pala sino kasama mo sa bahay niyo?" Tanong nito na nagpatigil sakin. Hindi ako handa sa tanong niyang 'to

"Ahmm a-ako lang mag isa" pagsisinungaling ko at pinagdikit ang mga palad ko. Pasensya na sa pagsisinungaling papa god.

"Hindi ba delikado? I mean kahit na village yun hindi pa din maiiwasan na may pumasok sa bahay niyo" Naintindihan ko naman ang tanong ni Kaizer. Ang bait niya talaga hindi mo talaga makakaila na maraming nagkakagusto sa kanya niya dahil sa pagiging mabait at palakaibigan niya.

"Wag naman sana" sagot ko na lang at tinignan ang cellphone kong lowbat na lowbat. Hindi kasi ako nakapag charge bago pumasok. Hindi ko tuloy ma-te-text si Tyler para sabihin na may pinuntahan lang ako. Pero parang ayaw ko naman siyang i-text o tawagan dahil kanina kahit na hindi ako lowbat.

"So?Hindi ka patalaga uuwi? Ala sais na mahigit dalawang oras na din tayo dito" Tanong at sabi nito sakin.

Napaisip ako, siguro maglilibot libot muna ako bago umuwi may pamasahe naman ako dito pero sa school ang baba ko at lalakarin ko parin ang papunta sa village nila Tyler dahil nabawasan ko na ang pera na dala ko dahil kumain kami. Nagpresenta naman si Kaizer na siya na ang mag babayad kaso nakakahiya kaya ako na talaga ang nagbayad ng kinain ko.

"Mamaya na siguro. Pwede ka na naman nang mauna,Kaizer. Maglilibot-libot lang muna ako" sabi ko at binalik ang cellphone kong lowbat sa aking bag at inubos ang tubig sa baso ko.

Uminom muna ito ng tubig bago nagsalita.

"Well, mamaya pa naman din ako uuwi pwede bang sumama sa paglilibot mo?"

My Mafia Boss Husband (Book 1 And 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon