Chapter Forty-Six

5.4K 129 13
                                    

Chapter Forty-Six

'Kaye Anne's Point Of View'

Ilang beses kong tinawag si Tyler ng bigla na lang siyang magbato ng vase dito sa sala at siya ding pag alis niya. Wala naman akong magawa ng magsigawan sila ni Alyana kanina, hindi naman ako pwedeng mangielam dahil sa kanilang dalawa yun.

Lininis ko na lang yung nabasag na vase at nasugatan pa yung isa kong daliri dahil sa maling pagkakahawak ko ng vase na nabasag, maliit lang naman kaya ginamot ko na lang.

Hindi ko alam kung nasaan ba ang mga tao dito sa bahay ngayon, yung bagong kasambahay lang ang nakita ko kanina tapos si Alyana at ako na lang ang nandito, gabi na din.

Umakyat na lang ako sa taas at naglinis ng katawan, matutulog na lang ako, pagod na din ako at parang hindi pa nagsisink in sa utak ko lahat ng nangyari ngayon.

****

Napamulat ako ng mata ng makarinig ng kung ano sa baba, tumingin ako sa orasan na nasa gilid ng kama at nakita kong alas nyebe na ng gabi. Napatingin ako sa bintana ng bigla itong tumunog at nakita kong bukas yun, bigla akong binalot ng kaba at takot. Baka hinangin lang...

"Kaye!" Nagulat ako sa biglaang pagpasok ni Alyana sa kwarto namin habang pawisan at parang takot na takot, napatayo na talaga ako ng mabilis niyang inilock ang pinto at lumapit sakin.

"A-nong nangyayari?" Kinakabahang tanong ko. Napayuko ako ng makarinig ng malakas na putok ng baril.

"You need to call, Tyler!" Sigaw sakin ni Alyana habang nakayuko din at tumabi sakin. Mabilis kong hinanap ang cellphone ko na nasa kabinet at hinanap ang numero ni Tyler, Tinawagan ko siya ng tinawagan ngunit nakapatay ang Cellphone niya.

"Ahhhh!" Napatili ako ng todo ng biglang nabasag ang salamin mula sa bintana na nandito sa kwarto at ang paggulong ng bala na siyang dahilan ng pagkabasag nito.

"May alam ka bang pwede nating labasan?!" Rinig kong tanong ni Alyana, napatigil ako ng makita ko siyang naglabas ng baril at kinasa ito.

"Gagamit ka niyan?" Hindi ko alam kung tama bang magtanong pa ako sa sitwasyon naming dalawa.

"We need to use a gun to protect our selves, Kaye. This is only our shield" Sabi nito at may nilabas pang isang baril sa bulsa niya, napalunok ako ng ibigay niya ito sakin. "Kaye, you need this" Hindi ko alam kung bakit ko kinuha yun, nagtaka rin ako kung bakit parang ibang alyana ang kaharap ko ngayon pero wala na kaming panahon para magtanong ng magtanong. "Yumuko ka lang palabas ng pinto" sabi nito at nauna na sakin, sumunod naman ako sa kanya at gumapang na lumabas ng kwarto.

Madilim na kapaligiran ang nadatnan namin sa sala, napatigil kami ng makarinig ng mga boses mula sa kusina.

"Hanapin niyo yung asawa ni Villanueva! Huwag niyong sasaktan, baka malintikan tayo" Nagtago kami sa likod ng kabinet ng maglakad ang mga kalalakihan na narinig namin mula sa kusina na mukhang papunta dito sa sala.

"Doon sa taas tignan niyo" Sigaw ng lalaking nakamaskara. Anong kailangan nila sakin? Tsaka nasaan na ba si Tyler!?

"Did you call Tyler?" Mahinang tanong ni Alyana sakin. Mabilis akong umiling at sinabing nakapatay ang kanyang cellphone "Call Someone, how about Dave or Jake?" Sabi nito.

"Hindi ko alam number nila" bulong ko. Tumingin ako sa cellphone ko at naalala yung lalaking nakahood "Wait" sabi ko at hinanap yung numero ng lalaking nakahood at timawagan siya, wala pang ilang segundo ng sagutin niya ito.

[Hello?] Sambit nito.

"Please, Tulungan niyo kami" walang pag-aalinlangang sabi ko. Kailangan namin ng tulong kaya hindi na ako magiinarte pa.

[Just wait] sabi nito bago pinatay ang tawag.

Napatingin ako sa cellphone ko ng may messages na dumating at galung yun kay kuyang nakahood.

To: Kuyang Nakahood

Pumunta kayo sa garden kung saan mo ako nakita nung gabing yun.

Pagkabasa ko ng text niya ay mabilis ko namang sinabi kay Alyana.

"Papaunahin kita, just focus on your way, wag kang titingin kung saan, akong bahala sa mga lalaking haharang" Sabi niya, mabilis akong sumang-ayon sa kanya at nagpalit kami ng pwesto, nasa harao na niya ako. "Kapag sinabi kong lakad, lakad" sabi nito, tango lang ang sagot ko sa kanya at tumingin sa harap ko.

May mga kalalakihan doon na may dalang malalaking baril, yung isa may pulang buhok at parang nakakaramdam na nandito lang kami sa sala at nagtatago. Tumingin ako kay Alyana at sinenyasan niya akong sandali lang dahil sa mga tauhang nakakalat lang dito sa sala.

"Lakad" narinig kong sabi niya kaya dahan dahan akong naglakad. Nakasunod sakin si Alyana, napatigil ako ng biglang may humarang sa harap ko. Bigla akong kinabahan ng hilain ako nito patayo at kasunod nun ang pagtawag ni Alyana sakin.

Holy shit!Si Alyana!

My Mafia Boss Husband (Book 1 And 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon