Chapter Four

4.4K 116 17
                                    

Chapter Four

'Kaye Anne's Point Of View'


Inilagay ko sa itaas na kabinet ang iba mga papeles na dapat pang asikausin ng mga nasa billing section, ala una na ng hapon at nagpapalitan na ng duty ang mga kasamahan ko, mamayang ala una pa ng madaling araw ang change duty ko kaya puyatan nanaman ito at maglalakad lang ako kasi walang masasakyan ng ganong oras tsaka malapit lang naman ang condo dito sa hospital.


Buti na lang natapos ko na ang iba ko pang gagawin kaya makakakain na din ako, kanina pa ang hapunan pero dahil hga marami akong tinapos ay nagpahuli na lang ako, babalik pa ako ng alas dose kay Maxine para mapainom siya ng gamot. Kinuha ko ang sling bag ko na lagi kong dala kapag kakain ako sa labas, nandoon ang wallet, cellphone, card at iba ko pang mahahalagang gamit.


Napatingin ako sa Drawer ng lamesa ko, hindi ko pa yun binubuksan simula kanina, nandoon parin yung pink na envelope at box ng donuts na ibinigay ni Tyler sakin, napapikit ako, siguro para makatipid magkakape na lang ako tapos yun na ang gawin kong tinapay? Mabilis kong binuksan ang drawer, kinuha ko yung box, hindi naman masama kung kainin ko ito, pagkain din ito.


Naglakad na ako dala-dala yung box ng donuts, pupunta na lang ako malapit sa Coffee shop na nandito para hindi na ako mapalayo, masarap din kasing magkape kasi malamig dito sa hospital para naman kahit kaunti mainitan ang balat ko.


Pagkalabas ko ng hospital may nakita akong lalaking nakaoffice suit at nakasandal sa pulang sasakyan, para akong nalagutan ng hininga ng magtama ang mata namin, napatigil ako sa paglalakad, biglang nanginig ang mga tuhod ko, tae! Anong ginagawa niya dito?!


Calm down, shhh, calm down, kaye, calm down. Baka may pinuntahan lang siya dito kaya narito siya, wag mag-assume.


Nag-iwas ako ng tingin at nagdiretsyo na sa paglalakad, malapit ko ng malagpasan yung kinakatayuan niya ng maramdaman ko ang kamay niyang humawak sa braso dahilan ng pagtaas ng mga balahibo ko, yung simpleng saplos niya lang nakakapanindig na ng balahibo!


Naramdaman ko na parang napatigil siya, shet! Mukang naramdaman niya pagtaas ng balahibo ko, whoa! Hinga ng malalim self, nagexhale-inhale muna ako bago ko hinala ang braso ko palayo sa kanya at hinarap siya, tinaasan ko siya ng kilay para hindi niya mahalata na medyo kinakabahan ako.


"Yes?" Buong boses kong saad at tinitigan ang mga mata niyang nagliliwanag galing sa malakas na sinang ng araw.


Tumikhim muna siya bago bumuntong hininga, "Are you free today?" Tanong nito. Napaawang ang labi ko, wag niyang sasabihin na nagpunta siya dito para sa Friendly Date na sinasabi niya?


"Hindi, maglulunch lang ako" diretsyo kong sabi, bigla namang bumagsak ang mga balikat niya na parang nalugi. He nodded.


"Can i join? I haven't eat Lunch yet too" he said. As in?! What the hell?! Gosh! Akala ko naman nakaligtas na ako.


"Yeah sure" napapikit ako sa inis dahil sa sagot ko, okay what the heck mouth? May sarili ka nang utak ngayon at hindi ka na sumasabay sa gusto ko?! Parang baliw na pagsuway ko sa bibig ko sa isio ko.


"Thanks, where do you want to eat?" Tanong nito, bigla ko naman naalala yung buhat ko, tinignan ko yun at nakita ko ding napatingin siya sa dala ko.


"Ahmm, magcocoffee lang sana ako then this" sabi ko sabay pakita ko sa Box ng donuts na galing sa kanya, ngumiti siya sakin at tumango.


"So? Coffee Shop, then?" He asked. Umiling ako, pano naman siya?


"Pwede naman kahit hindi, your choice" i answer at him, duh! Hapunan tapos makikisabay siya sa trip ko na kape at donut? Tsaka mukhang galing pang opisina 'to dahil sa suot niyang pang office suit na maron, favorite color niya talaga yung pula eh 'no?


"Ok, let's go?" Sabi nito at itinuro niya pa ang sasakyan niyang nasa harap namin, tumango ako, naglakad na ako papalapit sa passenger seat, pinagbuksan niya ako.


"Thanks" sabi ko bago pumasok sa loob, tumango naman siya bago isinara ang pinto, umikot siya at pumasok sa driver seat, ikinabit niya ang seat belt niya, hinanap ko naman yung seat belt ng akin, akmang kukunin ko na sa gilid ko yun ng maunahan niya ako. Napatigil ako sa paghinga ng lumapit siya sakin at ikinabit yun sakin, ang lapit ng mukha niya at naaamoy ko yung pabango niya na pang lalaking lalaki


Napatitig ako sa mga mata niyang nakatingin na din sakin, napalunok ako at napatingin sa labi niyang nakaawang, ang pinkish ng labi niya, napaiwas ako ng tingin. Mabilis naman siyang umayos ng upo, narinig ko ang malalim niyang paghinga bago paandarin ang sasakyan.


Hindi ko alam kung saan kami kakain, hindi na din ako nagtanong at tumingin na lang sa labas ng bintana. Naalala ko nanaman yung labi niya, parang ang lambot at naaakit akong halikan. Napailing ako, control yourself kaye. Nakamove on na ka na kaya tumigil ka na at magfocus sa kung anong meron ka ngayon.


Buti na lang at hindi ganon kalayo ang pinuntahan namin dahil hindi ko kaya ang atmosphere sa loob ng sasakyan na ito.

Nauna na akong bumaba ng nakapagpark na siya, hindi ko na hinintay na pagbuksan niya pa ako ng pinto. Mabilis din naman siyang bumaba, naglakad na kami papasok sa Coffee shop na pinuntahan namin, tinignan ko ang name ng coffee shop 'Wifey's Coffee Shop' yun ang nakalagay, kahit simple lang ang name parang nakakamangha, para kasing galing ito sa asawa ng babae at ipinangalan ito sa babae kahit na Wifey lang ang nakalagay. Wifey? Parang kami lang dati ni Tyl---napatigil ako sa pag-iisip ng maalala ko nanaman yung tawag niya sakin, itinagilid ko ang ulo ko dahilin para mapatingin sakin si Tyler.


"Something wrong?" He asked, umiling lang ako bilang pagsagot. Self dapat matuto kang kontrolin ang mga bagay na nasa sayo ikakapahamak mo talaga yan haist.


"Goodmorning, Mr. Villanueva, and Ma'am?" Bati ng Waitress sa amin.


"Table for Two, Maris" Sabi ni Tyler. Wow! Magkakilala sila, siguro matagal nang pumupunta si Tyler dito.


"This way, Mr.Villanueva" sabi nong waitress at sinamaan kami papunta sa table namin, pinaghila ako ni Tyler ng upuan, umupo na ako doon at inilapag sa table ang Box ng Donut na hawak ko kanina pa, napatingin pa si ateng waitress doon. Binigyan niya ng Menu si Tyler at inabutan niya din ako.


"I didn't see you buy that here, Ma'am" Sabi nung waitress at itinuro pa yung box ng donut. Naguguluhan naman akong tumingin sa kanya.


"Huh?" Naguguluhang tanong ko.


Tinignan ko yung box at may napansin ako, tumingin ako sa paligid ko at doon ko lang napansin a parehong pareho ng design at logo yung nasa box at itong coffee shop na oinuntahan namin. Tumingin ako kay Tyler at binigyan niya lang ako ng 'What' look.


Okay?! What the f?! Bakit hindi ko tinignan yung name ng box eh kanina ko pa hawak hawak ito.


And the heck?! Tyler own this Coffee shop?! He said in the latter that this box came to his own coffee shop but he is the one who bake the donuts. I'm shock, absolutely....


A/N: Update ako mabilisan para naman ndi niyo ako binabash😆at para ndi niyo ako minamadali

My Mafia Boss Husband (Book 1 And 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon