Chapter Nine

4.4K 106 26
                                    

Chapter Nine

'Kaye Anne's Point Of View'

"Kaye!!!Here!!" Narinig ko ang malakas na sigaw ng bestfriend ko sa entrance ng airport, she was smiling at me widely at kumakaway pa para lang makita ko siya. Nakangiting akong naglakad palabas at sinalubong siya.

"Clara!!" Masayang tawag ko sa kanya at niyakap siya ng makalapit kami sa isa't isa.

"Kaye! Namiss kita, tumaba ka ahhh haha" sabi nito at tumawa pa, tinawanan ko na lang din ang sinabi niya.

"Kamusta?" Tanong ko sa kanya ng makabitaw mula sa yakap.

Ngumiti siya at umiling ng walang dahilan, "Well, maganda parin, walang pinagbago" tawang sagot nito. "Ikaw nga dapat ang tinatanong ko niyan, kamusta?" Balik tanong nito sakin.

"Okay naman, masaya" sagot ko.


"Wala ka man lang bang ipapakilala na boyfriend o fiance sakin, Kaye? Jusmiyo! Apat na taon na, sis" nakakalokong sabi nito at tinitigan pa ako. Tinawanan ko siya.


"Kung meron, noon palang sinabi ko na sayo, Clara. Pero wala eh" sabi ko sabahy kibit-balikat, bumagsak ang mga balikat niya at bumuntong hininga.


"Hindi ka pa nga nakakamove on" sabi nito, kumunot ang noo ko noong una pero bigla ko din siyang sinamaan ng tingin.


"Nakamove-on na ako, matagal na. Hindi ba pwedeng focus muna ako sa trabaho kaya wala munang boyfriend, tsaka wala namang nanliligaw" pagtatanggol ko sa sarili ko. Yun naman kasi ang totoo, may mga umamin na gusto nila ako pero wala naman nanligaw.


"Gamitin mo kasi yang kagandahan mo, para saan pa ang pagpunta sa ibang bansa kung wala ka din namang maiuuwi na gwapong binata" sabi nito at sinabayan pa ng tawa, umiiling na tumawa din ako dahil sa mga pinagsasahi niya.


"Pag-aaral at trabaho ang pinunta ko doon" pagpipilit ko.


"Ok, Whatever" sabi nito at nagtaray na siyang tinawanan ko na lang.


Tumingin ako sa paligid ng may maalala, "Nasaan boyfriend mo? Hindi mo kasama?" Tanong ko sa kanya. Umismid naman ito at umirap sa hangin.


"Nasa babae niya, halika na nga" sabi nito at hinila ako sa sakayan ng mga taxi habang hila hila ko ang maleta ko, yung mga iba kong gamit ay ipapadala na sa apartment na para sa aming mga nurses at doctors na pinadala para sa opening ng hospital.


Nakasakay na kami ng taxi papunta sa bahay nila Clara, sahi niya doon padin sila nakatira pero minsan lang siya pumunta doon kapag kailangan, doon na daw kasi siya sa sariling bahay ni Dave natutulog.


Marami kaming napag-usapan habang papunta sa bahay nila, naalala ko tuloy yung bahay namin haist. Naikwento niya oa sakin na uuwi ang mama at papa niya, gusto ko alamin kung kailan baka maabutan ko pa sila dito dahil hindi rin sigurado kung hanggang kailan ba talaga kami dito ng team.


Marami rin kasi akong gustong itanong kay tita at tito kaya gusto ko din silang makita at makausap. Bigla ko naman naalala sila Tyler. Nakauwi na kaya sila? Nauna kasi silang nakalabas, nakita ko lang sila pababa pero hindi ko na alam kung saan sila dumiretsyo kasi kinuha ko pa ang maleta ko.


Nakarating kami kina Clara, maganda parin ang bahay nila, medyo lumaki lang, mukhang pinaayos at mukhang bagong pintura lang, nalipat naman ang tingin ko sa itim na sasakyang nakaparada sa harap ng bahay nila.


Kinuha ko muna ang maleta na dala ko at tinignan si Clara na ngayo'y nakasimangot na naglakad papunta sa bahay nila, sumunod naman ako.


"Bakit nanaman ba nandito yun.." rinig kong bulong ni Clara at tumingin sa itim na sasakyan, mukhang tinutukoy niya yung may ari nung sasakyan. Sino kaya yun?


Nagtatakang tumingin ako kay Clara ng buksan niya ang pinto ng bahay nila ng hindi gumagamit ng susi. Hindi ba siya naglolock ng pinto?!


Handa na akong magtanong kung bakit hindi siya naglolock ng pinto ng mabuksan niya ng tuluyan yun at naabutan namin si Dave na nakaupo sa sofa dito sa sala at nanonood ng T.V ngunit napatigil at tumingin samin, lalo na kay Clara.


"Anong ginagawa mo dito?" Malditang tanong ni Clara ng makapasok na kami sa loob ng bahay nila. Masama namang tinignan ni Dave ang girlfriend niya at hindi ito sinagot.


Naiinis naman na naglakad ng padabog si Clara papunta sa kusina nila, ako naman naiwan na nakatayo at pinapanood ang mga kilos nilang dalawa, mukhang may love quarrels sila.


Umiling na lang ako dahil sa dalawang 'to, hindi pa rin sila nagbabagong dalawa, para parin silang isip bata kung mag-away, hindi magpapansinan tapos kapag nagkatinginan parang papatayin nila ang isa't isa sa tingin.


A/N: Sorry kung late ud, magchrichristmas party na kasi ehh, hinahabol ko pa po mga ibang dapat na ipasa this week😆

My Mafia Boss Husband (Book 1 And 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon