Simula
'Kaye Anne's Point of View'
"How are you, grandma?" Tanong ko kay lola Daisy, she is my patient for almost one year, she have a heart disease. Grabe ang paghihirap ni lola para lang humaba pa ang buhay niya, she's already 93 years old at ipinagdadasal ko pa na humaba pa ang huhay niya dahil deserve niya yun, napakabait niyang lola, imbes na siya ang alagaan ko ako pa ang inaalagaan, kapag kakain siya susubuan ako, naiiyak nga ako kasi parang naaalala ko si Mama sa kanya, yung mga panahong buhay pa si Mama.
"I'm feeling well, darling, Did you ate your lunch?" She asked, i smiled at her and nod, kahit na may sakit siya hindi niya iniinda lahat ng yun, lagi siyang nakangiti, nakakatuwa nga kasi para niya akong totoong apo at siya ang lola ko, darling ang tawag niya sakin, tapos alagang alaga pa ako ni lola daisy. Gusto ko na siyang gumaling para makalabas na siya dito sa hospital, gusto ko kasing mapasyalan niya ang bawat sulok ng New York habang nasa mundong ibabaw pa si Lola, gusto ko maranasan niya yung masasayang bagay na hindi niya pa bararanasan.
"Grandma take care of your self ok? Don't worry i will help you to get well, and we will travel the world" I said that make her smile. Napamahal na sakin lahat ng mga naalagaan ko dito sa hospital, and one of them is Lola Daisy and Maxine. Maxine is just 8 years old, she got an head injury at pagkakaroon ng bali niya sa buto dahil sa pagkakalaglag sa hagdan, noong dinala siya dito grabe yung pagpapanik ko para lang malunasan agad yung ulo niyang nagcrack ng maliit ang dugo ng dugo, thanks god at ligtas naman siya at ngayon onti onti na siyang nakakarecover, malapit na nga ang kaarawan niya at nagplaplano ang ibang nurse na supresahin siya dahil sobrang bait niyang bata.
Dahil din sa batang yun gumagaan ang pakiramdam ko kasi lagi siyang nandiyan at pinapatawa ako.
Apat na taon na ang lumipas, naging maayos at tahimik ang buhay ko, nagtagumpay ako na maging isang license nurse dito sa New York, buti na lang may skype kaya nagkakausap kami ni Clara at Thea, pagkarating kasi namin dito mula sa pilipinas tinulungan ako ni Thea na maghanap ng school for nursing, sabi niya doon na lang ako sa university niya dati kaso mahal kaya naghanap na lang ako ng mas mura lang ang tuition fee lalo't nagsisimula palang at sarili ko lang ang kayang sumuporta sa gastusin ko may condo na din ako sa Demesta Condominium malapit lang siya dito sa hospital kaya pwedeng pwedeng lakarin. Si Thea naman umalis, sabi niya may mga aayusin lang daw siya sa ibang lugar kaya skype-skype na lang kami nag-uusap.
"Kaye, Doctor Manuel said, go to his office he will discuss something" Sabi ni Bea sakin pagkarating ko sa Nurse Station, tumango ako at naglakad na papunta sa opisina ni Doc Manuel, isa siyang filipino, nagtapos siya sa France at mapadpad naman siya dito para sa panibagong Environment.
Nang marating ko ang harap ng opisina ni Doc ay kumatok muna ako bago ito buksan.
Nakaupo si Doc sa kayang swivel chair habang may isang lalaki namang nakaupo sa sofa, hindi ko pinansin ang lalaki dahil nakaharap naman ito sa cellphone niya kaya pumasok na ako.
"Good Afternoon, Doc" pagbati ko.
"Good afternoon too , take a sit, Kaye" Sabi ni Doc kaya umupo ako sa upuang nasa harap ng lamesa ni Doc. "This is just a fast disscussion, atleast you are one of the trusted nurse here in this hospital, I just want to ask a favor if you'd like to be part of the team that will go to the Philippines for the opening of Mandary Center, that Center is own by the owner of this hospital that's why they need to sent some nurse to be there and i suggest you to be one of them cause i know you will do well there and also you are a pilipina" Para akong kinapos ng hininga, ako? Babalik sa Pilipinas? Masasakit pa ang nangyari sa akin doon noon, ngunit hindi ko maaaring tanggihan ito dahil malaki ang tiwala sakin ni Doc, ngunit paano sila Grandma at Maxine? Nangako ako na bago sila makalabas ipapasyal ko muna sila.
"But, Doc, Is there no any other nurse? I mean. It's just about Grandma Daisy and Maxine, you know Doc that they become my family and also i have a promises to them" I said. Doc Manuel is one of the Doctor of Maxine and he is also the regular doctor of grandma.
Bago pa man makapagsalita si Doc may kumatok sa pinto, mabilis naman na tumayo ang lalaking nakaupo, napakunot ang noo ko habang nakatingin sa likod niyang papalapit sa pinto para buksan ito, parang kilala ko kasi siya.
Bumukas ang pinto isang nakaitim na sumbrero at jacket ang bumungad sa amin, at hindi lang yun, diretsyo ang tingin sa akin ng mga mata niya, ng makilala ko kung sino yun, para akong tinakasan ng kaluluwa at gusto ko na lang magpakain sa lupa.
Putek! Bakit ngayon pa! Hindi pa ako handang harapin siya.
Pumasok siya, ngunit bago pa man magsara ang pinto isang batang babae ang pumasok pa at humawak sa kamay niya.
"Daddy, Where's Mommy?" sabi ng batang babae, what the heck is this?! Nanlalaki ang mga mata kong nakatingin sa batang babae, tinignan niya ako pabalik at masayang ngumiti sakin, nanlalaki ang mga mata ko at hindi nagsisink in sakin lahat ng mga taong nasa harap ko lalo na ang batang ito. She have a beautiful dark eyes, curly hair that make her more pretty with her pinkish thin lips and rosie cheeks. Parehong pareho kami ng mukha noong bata palang ako, pero kulot lang ang buhok niya ang cute ang mga pisnge nito.
"Mommy!!!" She scream happily at mabilis na tumakbo papunta sakin. Shocked, yan ang nangungunang reaksyon ko, she called me mommy? "Omyghad! Mommy! I miss you so much" she said and hug me, nakaramdam ako ng pagkasaya, dahil may batang niyayakap ako at anak ko yun ngunit nawala lahat yun ng maalala ang anak kong nawala ng hindi man lang nasisilang.
I feel a hot tears in my hand. The girl who are hugging me right now is crying like she was lost for a years at ngayon niya lang nakita ang mga magulang niya. Nakaawang ang bibig ko at hindi ko malaman kung ano ang gagawin ko, tinignan ko ang lalaking una kong minahal at ang lalaking kauna unahang sinaktan ako. He was looking at me too with a shock expression ngunit napalitan din yun ng iba't ibang emosyon, nangunguna doon ang galit at inis.
Iniwas ko ang tingin ko at hinarap ang batang nakayakap sakin, hinawakan ko ang braso nito ng marahan at pinunasan ang basa nitong pisnge dahil sa pag-iyak.
"Mommy..." Sambit niya, i smiled at her.
"I am not your mommy, baby girl, nagkakamali ka lang" I clearly said habang siya ay nagtataka sa sinabi ko...
A/N: Don't forget to Like, Share and Subscribe😂Charr. Feel free to comment, and i will appreciate it if you vote too....💋
BINABASA MO ANG
My Mafia Boss Husband (Book 1 And 2)
RandomKaye Anne Velasquez, ang babaeng hindi man kagandahan, hindi man kasing talino ng iba, marunong namang lumaban. Hindi man siya ang tipo ng mga lalaki, hindi man siya mayaman pero may pusong-mamon naman siya para sa mga taong nasa paligid niya.... Pe...