Chapter Twenty-Three
'Kaye Anne's Point Of View'
"Yohoo!Earth to Kaye Gosh! Sis ano bang nangyayari sayo?Kanina ka pa tulala" Umiling lang ako kay Clara.Hindi nagproprocess sa utak ko ang lahat ng nangyari ngayong araw.
Nasa Canteen kami at Nadismiss lahat ng susunod na Klase dahil may meeting ang mga Teacher.Para siguro sa nalalapit na Foundation Day.
"Wala daw!Kanina ka pa lutang,So now tell may nangyari ba sa inyo ni Fafa Tyler at nagkakaganyan ka" Nanlaki ang mga mata ko at Hinampas ko sa braso si Clara. Ang Ingay niya!
"Ang ingay mo.Hinaan mo nga yang boses mo" May diing bulong ko sa kanya at kumain ng french fries.Wala akong ganang kumain ng marami ngayon kaya Fries muna.
"I just want to know,Sis" Sabi nito kaya napabuntong hininga na lang ako.Akmang magsasalita na ako ng biglang may lumapit sa table namin.
"Ahmm.Hello Kaye at Clara.P-pwede bang makijoin sa inyo?Wala na kasing Table at upuan" Tanong ni Kaizer at nagkamot ng batok.
"Sure!" Sagot agad ni Clara.Tumingin namin si Kaizer sakin at parang nagpapaalam.
"Oo naman" Sabi ko sabay ngiti sa kanya.Nginitian muna niya ako bago umupo sa harap namin.
"Oo nga pala.Kailan ba yung Foundation Day?" Tanong ni Kaizer samin at Nagsimula nang kumain.
"Alam ko 1 month for now pa naman pero maaga siyang inaayos para maging maganda yung kakalabas" Sabi ni Clara at nilabas ang cellphone niya.
"Dapat Section ba gagawa ng Booth?Like Photo Booth and Many more?" At dahil busy si Clara ako na ang sumagot.
"Oo.Pero hindi pa ata sigurado ngayon,baka kasi may baguhin ang mga Teacher at Principal para sa Program" Sagot ko at kain ulit ng Fries.
"Diet ka Kaye?" Tanong ni Kaizer sabay tingin sa kinakain ko.Si Clara naman binitawan ang Cellphone niya at tumatawang Humarap samin.
"Yan Magdidiet?Haha Nagbibiro ka ba Kaizer?Si Kaye Magdidiet pa sa Lagay na yan?Para ngang isang lamakas lang na hangin ang dumaan baka liparin na siya" Sabay tawa niya na sinabayan pa ni Kaizer. pout.
"Kaibigan ba kita?Laglagan talaga?" Nakangusong sabi ko kay Clara.At ang bwisit tinawanan lang ako.
Nakitang kong magsasalita na si Kaizer ng may taong nakatayo sa harap namin at may hawak na tray.Halos maluwa ko ang kinakain ko nang malaman kung sino yun. Paktay kang bata ka!
"Can I join here?There's no more Vacant Seat and Table,and i think you have one more vacant chair here" Tanong niya na bigla namang sinagot ng kaibigan ko kaya kinurot ko siya sa tagiliran.
"Sure Mr.Tyler" Pinandilatan ko si Clara ng ngumiti siya sakin ng nakakaloko.Putspa naman talaga 'tong babaeng 'to.
Umurong naman ng unti si Kaizer para tapatan ako at si Tyler naman ay umupo sa tapat ni Clara at nagsimula nang kumain.
"So?Nasan na ba tayo?" Simula nanaman ni Clara. Pahamak talaga 'tong babaeng 'to di ko alam kung kaibigan ko ba talaga siya Grr.
"Hindi naman ganon kapayat si Kaye.Sexy naman siya" Halos lumuwa ang mga mata ko at gusto ko na magpakain sa Upuan dahil sa dalawang 'tong.Hindi ba sila nahihiya sa pinagsasabi nila at may kasama pa kami!Asawa ko lang naman po.
Napayuko na lang ako ng makita kong ang sama ng tingin sakin ni Tyler.Gusto ko na talagang umalis dito.
Tumayo ako para tingnan nila ako "Washroom lang ako" Sabi ko at hindi na hinintay ang sagot nila at umalis na doon at dumiretsyo sa first Building para mag-CR.
Umistambay lang ako sa CR nagbabasakaling wala na si Tyler kapag bumalik kung magtatagal ako dito.Ilang minuto ang lumipas ng mapagdesisyunan ko na lumabas na ng mapadaan ako sa madilim na lugar may biglang humila sakin at tinakpan ang bibig ko ng kamay niya para pigilin ang pagsigaw ko at dinala ako sa mas nadilim na parte ng building at hinarap ako sa kanya.
"Sexy?Mukha ka ngang walis tingting tapos nagdidiet ka pa?Seriously Wife." Tinignan ko siya ng masama kahit madilim pero kita pa naman namin ang isa't isa. Pero nginisian niya lang ako.
"Di ba pwedeng di lang talaga ako gutom kaya kumain na lang ako ng Fries?" Sabi ko at pinaikutan siya ng mata.
Hinawakan niya ang dalawa kong beywang at parang may kuryente na dumaan sa haplos niya. Napapikit ako sandali at munting na akong matumba ng sobramg lapit ng mukha niya pagdilat ko.Naamoy ko na yung pabango niya at tumatama na ang hininga niya sa Pisnge ko.
"T-Tyler" Sinubukan kong itulak siya pero mas lalo niya lang akong hinapit palapit sa kanya. Geez.
"Sexy ka sakin kung kakain ka nang maraming gulay" Sabi nito at Hinalikan ang gilid ng labi ko ng may marinig kaming nalaglag na kung ano kaya naitulak ko siya at napatingin ako sa gilid ko.Napakunot ang noo ko ng makita ko ang nalaglag na bakal na parang naitulak ng kung sino.
"Let's Go.Uwi na tayo nagdidilim na din" Sabi nito at hinila na ako palabas.
"Yung bag ko tsaka sila Clara" Sabi ko at tumingin sa Canteen "Tsaka di pa ako nagpapaalam" Dugtong ko.
"Naiwan kami ni Clara doon kanina kaya kinuha ko ang bag mo at sinabi kong uuwi na tayo.May kasama rin siyang lalaki,boyfriend niya ata" Paliwanag niya at hinila lang ako ng hinila kaya wala na akong nagawa kundi ang manahimik na lang.
Ng marating namin ang parking lot at sasakyan niya sumakay agad ako sa passenger seat at hinintay siyang pumasok sa driver seat.
Pinaandar na niya yung makina ng sasakyan at nagsalita ulit
"Uuwi na tayo.Ipagluluto kita para naman magmukha kang sexy sakin"
BINABASA MO ANG
My Mafia Boss Husband (Book 1 And 2)
RandomKaye Anne Velasquez, ang babaeng hindi man kagandahan, hindi man kasing talino ng iba, marunong namang lumaban. Hindi man siya ang tipo ng mga lalaki, hindi man siya mayaman pero may pusong-mamon naman siya para sa mga taong nasa paligid niya.... Pe...