Eunice's POV♡♡♡
NANDITO ako ngayon sa classroom ko. At ito nagfofocus sa pakikinig upang makasagot ng tama. Nakakabwisit nga eh! Dahil hindi ako sure sa mga sagot ko. I don't understand kay Ma'am Braces. Yes! May pre-test kasi siya.
At alam niyo ano pa ang nakakabwisit? Classmate ko si Mr. Manhid. Yung lalaking binangga ako at hindi niya man lang ako tinulungan. At take note... katabi ko pa siya.
"Number 20 the last number." sambit ni Ma'am Debbie na may braces sa ngipin.
My Gosh! hindi ko man lang namalayan na last number na pala 'to. Napatingin ako kay Mr. Manhid ng tumitingin siya sa papel ko.
"Hoy! Nangongopya ka!" sigaw ko sa kanya.
Kaya nakuha ko ang atensyon ng mga kaklase ko at ng teacher namin.
"Tsk! Ako mangongopya?! Bakit tama ba lahat ng sagot mo?" tanong na niya sa akin.
Tinaasan ko siya ng kilay bago nagsalita. "Paano kung oo?! Edi, perfect ka rin! Hindi pwede 'yon!" pasigaw ko.
"ENOUGH!" natahimik kaming dalawa ng sigaw si Maam. Debbie sa amin. "PASS YOUR PAPERS NOW!" galit na sambit nito.
Ay! Galit din si Ma'am.
Sumabay din si Miss Debbie. Mukhang gusto rin niyang dumamay. Pareho ba kami ng feelings ni Maam? Mukha kasing mutual kami. Kung kailan ako galit? Galit din siya.
Dibale na! Wala akong alam sa Maam Debbie na 'yan... kaya bawal husgahan. Ang alam ko kasi ay mahal ko pa siya este mag-momove on na ako sa kanya. Hays!
"Bukas niyo na malalaman ang scores niyo. Kahit pre-test lang 'to. Recorded parin 'to. Class dismiss!" sabi ni Maam bago umalis sa classroom.
Nagsitayuan naman ang mga kaklase ko at kasama na rin ako. Kailangan ko kasing puntahan si Nicole at Chesca sa kabilang classroom.
Alam niyo naman na hindi kami magkaklase, 'di ba? Si Chesca STEM-1 siya, si Nicole naman STEM-2 at ako STEM-3. Di ba! Ang saya.
Ewan ko nga kung bakit STEM-3 ako. Eh, di hamak mas matalino naman ako kay Nicole. Hehe! Joke lang.
Dali dali na akong tumayo at inirapan pa si mokong na manhid. Lalabas na sana ako ng pinto nang biglang binangga na naman ako ni mokong at napasubsob na naman ako sa sahig.
"WAHHHHHHAHHHHHHH!"
"LAMPA! WAAAHHH!"
Tawa ng mga stupident sa labas. At alam ko na karamihan dito ay ang mga kaklase ko. Dali-dali akong tumayo para hindi maging kawawa. Pero napahiya ako dun ha!
Bwisit!
"ANO BANG PROBLEMA MO?!" galit na tanong ko kay mokong pero imbes na sagotin niya ako tinawanan pa niya ako.
"Hehehe!"
"May nakakatawa ba?!" taas kilay kong tanong.
"Hindi ba halata? E, mukhang idol ka kasi ng sahig e." pang-aasar nito sabay tawa na naman. "Hehe!" smirk pa niya.
BINABASA MO ANG
The MADRIGAL Sisters
Teen Fiction"Once a Madrigal, always palaban." motto ng tatlong babaeng palaban na lumipat ng school (Thomas University) at makakasagupa nila ang tatlong lalaking naghari-harian. Sa school ng Thomas University? Ano ang mangyari? Paano babalik sa dati? Away at b...