Chapter 49.2: Welcome Party

942 31 3
                                    


Eunice's POV













Kasalukuyan akong nasa table namin ng dumaan ang familiar na mukha sa amin.

"Eunice? Ethan?" Sambit nito sa gulat. Nagkatinginan lang kami ni Ethan at nginitian siya. "Ang ganda mo." Sambit nito na ikinakunot ng noo ni Ethan.

"Babe." Napalingon siya ng dumating ang girlfriend niya. Sino pa ba? Edi, si Mitch. At tama kayo si Dexter ang kausap namin.

"Oh? Nandito pala sila? Anong ginawa niyo dito?!" Taas kilay na tanong ni Mitch sa amin.

"Excuse me Mitch? Tinatarayan mo ang bisita ko?" Tanong ni Maya na kararating lang.

"No?! Pero kailan pa naging bisita ang mga yan?!" Taas kilay na tanong ni Mitch kay Maya.

"Mitch, naririnig mo ba ang sinasabi mo? Sino ka para laitin ang bisita ko? Sino ka para kwestyunin ang magiging bisita ko? Sino ka? Diba bisita ka rin lang naman?" Back to you na tanong ni Maya kay Mitch na ikinairap nito.

"Excuse me. Pasensiya na. Aalis muna kami dito. Mitch tara." Sambit ni Dexter at inilalayan si Mitch para makaalis sila sa amin.

"I'm sorry. PASENSIYAHAN niyo na yung kaibigan ko. Ethan and Eunice Pasensiya ulit." Paghingi ng paumanhin ni Maya sa amin, bago siya umalis.

Wala naman siguro siyang kasalanan diba?

"Baby ko. Okay ka lang?" Tanong ni Ethan sa akin. Tumango lang ako sa kanya.

"Baka bored ka na?" Sambit nito sa akin.

"Hindi naman." Sambit ko sa kanya.

"Ethan, Eunice. Drink?" Sambit ni Dylan na may hawak na wine at wine glass.

"Pass muna ako. Ihahatid ko pa kasi si Eunice eh." Sambit naman ni Ethan.

"Sweet naman ni Ethan, at ang swerte naman ni Eunice." Sambit ni Dylan. Ewan ko sa kanya mukhang lasing na siya bai.

"Ethan?" Sambit ng Daddy ni Maya ng makalapit ito habang nakawheel chair.

"Tito." Sambit ni Ethan at nagmano ito.

"Buti pumunta ka dito. Akala ko talaga hindi na tayo magkikita dahil wala na kayo ni Maya. Pero I'm proud both of you. Dahil kahit hindi na kayo, you're still friends parin." Sambit ni Christopher ba yun. Basta Daddy ni Maya. "By the way. Who is she?" Tanong ng Daddy ni Maya habang nakatingin sa akin.

"Ahmf! Si Eunice po Tito. GIRLFRIEND ko." Pakilala ni Ethan, at ngumiti lang ako.

"Ang galing mo talagang pumili ng maging girlfriend mo Ethan. Sobrang ganda talaga. Walang talo, puro panalo." Sambit ng Daddy ni Maya at tumawa pa.

"Dad." Sambit ni Maya sa Daddy niya.

"Si Eunice pala nak. New girlfriend ni Ethan." Pakilala ng Daddy ni Maya sa kanya.

"Yes, Dad. Kilala ko na si Eunice. Pareho nga kami eh. Sobrang ganda." Sabi ni Maya at tumatawa pa. "Ahmf! Excuse me. Ihahatid ko lang si Dad kina Mommy." Sambit ni Maya at tinulak ang wheelchair ng Daddy niya patungo sa kabilang table.

Maya-maya pa bumalik si Maya sa table namin.

"Anong gusto niyong drinks?" Tanong ni Maya sa amin.

"Ahmf! Hindi na. Ihahatid ko pa kasi si Eunice, so pass muna kami." Sagot ni Ethan.

"Ikaw ba Eunice? May gusto ka bang inumin?" Tanong nito sa akin.

The MADRIGAL SistersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon