Chesca's POV
♡♡♡
Kasalukuyan akong nandito na sa classroom ko. MidTerm week na namin ngayon.
Kaya nagrereview ako sa mga formula sa Gen Math subject namin ngayon. Ito na kasi ngayon, aaminin ko hindi ko masyadong nacatch ang ibang formula dahil sa dami ng mga ito. Pero pilit ko rin naman itong tinatak sa utak ko.
Pero ang laki rin kasi ng tulong ni Miko sa aki eh. Dahil tinuruan niya ako ng mga techniques for computation.
Ang swerte siguro kung sino ang magiging asawa ni Miko? Sana ako na lang. Awww! Joke lang. Ayaw ko naman ipagpalit ang Kyler ko kay Miko.
Alam niyo naman. Hindi ako crush ni crush ko.
"Good morning class." Sambit ng teacher namin sa Gen Math.
"Good morning Sir." Sagot namin.
"Ready na kayo?" Tanong nito.
"Ready na po." Sambit naman namin.
"Okay. Pero before that. Kung sin yung gustong magrestroom? Magrestroom na kayo para hindi kayo maistorbo mamaya. Now na." Sabi nito sa amin.
Nagsitayuan naman ang iba kong mga kaklase ko at syempre ako tumayo na rin para magrestroom.
Dumiretso ako sa cubicle.
*KNOCK*
*KNOCK*
"May tao." Sambit ko ng may kumatok sa cubicle n pinasukan ko.
"Ikaw ba yan Chez?" Tanong nito sa akin.
"Yes po Mira." Sagot ko. Kilala ko kasi ang boses ni Mira eh.
Nang matapos na ako lumabas na ako.
"Hintayin mo ako Chez. Sabay na tayong bumalik sa classroom." Sabi nito at pumasok sa pinasukan kung cubicle.
"Sige. Bilisan mo lang." Sabi ko at nagpasya na maghugas ng kamay sa may gripo dito.
Sana naman makapasa ako, sana makasagot ako sa exam namin. God help me, bigyan mo po ako ng peace of mind mamaya.
"Tara na." Sambit ni Mira ng makalabas at naghugas ng kamay ng mabilis.
"Tara." Sagot ko sa kanya.
Lumabas kami sa Girls Restroom at nagpunta na sa classroom.
Sa totoo lang. Hindi kami masyadong nag-uusap ni Mira sa classroom. Kasi naman nasa unahan ako umupo while siya naman nasa pinakadulo.
"Wala na ba ang nasa labas?" Tanong ni teacher namin.
"Wala na po." Sagot ng iba.
"Okay. Before I distribute the test questioners, ang gusto ko lang makita ang ballpen at bondpaper niyo lang in your armchair." Sabi nito.
Kaya okay Okay ako eh. Ballpen at bondpaper lang ang nasa table ko para gawin itong scratch para sa computation.
Inayos na rin naman ng mga kaklase ko ang mga armchair nila at ang nakikita lang ang ballpen at bondpaper.
"Get one and pass." Sambit ni Sir.
Kumuha ako ng isang test paper at pinasa sa likod ko.
100 items? Ang dami naman nito. May multiple choice siya pero need niya pa rin ng computation. Hala ka baya!
I mean. Juice colored. Help me.
BINABASA MO ANG
The MADRIGAL Sisters
Teen Fiction"Once a Madrigal, always palaban." motto ng tatlong babaeng palaban na lumipat ng school (Thomas University) at makakasagupa nila ang tatlong lalaking naghari-harian. Sa school ng Thomas University? Ano ang mangyari? Paano babalik sa dati? Away at b...
