Chesca's POV
♡♡♡
Kasalukuyan akong nandito sa kwarto namin at gumagawa ng assignment namin sa Biology.
Habang si Eunice naman ay nagluluto, at si Nicole nasa sala, nanonood ng movie.
*KNOCK*
*KNOCK*
"SINO YAN?!" Sigaw ko dito mula sa loob.
Ang ayaw ko kasi sa lahat yung iniistorbo ako kapag may ginagawa akong assignment or mga school works.
"Babe. Hindi ka ba lalabas?" Sambit nito napairap na lang ako sa boses na yun.
"Hindi pa!" Sagot ko.
"Galit ka ba?" Tanong nito.
"Kyler pwede ba, wag mo na ngayon! May ginawa pa akong assignment." Sabi ko sa kanya.
"Pwede pumasok? Tulungan na kita." Sambit nito.
"Hindi pwede! Rule #3: Just respect the privacy! Wag kang magulo nag-aaral ako dito, at wag mong SUBUKAN pumasok!" Paalala ko sa kanya.
"Rule #5: Do your assign tasks of this house. Baka nakalimutan mo M-W-F is you'll duty. Kaya naman pagsilbihan niyo kami, pagsilbihan mo ako na asawa mo." Sambit nito na ikinairap ko.
"Lalabas ka ba dyan o papasok na ako?" Tanong ni sa akin.
"ITO NA!" Sambit ko at padabog na pumunta sa pinto at binuksan ito.
"Hello Babe." Sambit nito sa akin na pangiti-ngiti pa.
"Istorbo!" Sambit ko sa kanya at nagpunta sa sala.
At ganun na lang ang gulat ko na nandito pala sila at nag-iinuman. Akala ko nanonuod ito ng movie hindi pala.
"Chez. Umupo ka." Sambit ni Nicole sa akin.
"Ipapaala ko lang sa inyo. Rule #6: Wag masyadong abusado. Kung iinom kayo dapat hindi aabot sa 3 bottles each. Ilan na ba ang nainom niyo?" Sambit ko sa kanila.
"Babe naman. Bakit sobrang strict mo?" Sambit ni Kyler at inakbayan ako.
"Chez. Alam mo, we are celebrating." Sambit ni Nicole na ikinataas ng kilay ko.
Celebrating ano ba ang occassion ngayon?
"Ano ba ang okasyon ngayon? Wala naman akong natandaan na okasyon. Alangan naman na icelebrate natin ang kaganapan kanina." Sambit ko.
"Tompak. Yun nga, we celebrate the Friendship day." Sambit ni Steven.
"Ha? Friendship day? Friendship day niyo ni Nicole? Friends lang kayo diba?! Friends lang kayo." Sambit ko sa kanya.
Napatingin naman ako kay Nicole na nabigla pa ito.
"MyGosh! Bakit mo pinaalala yan Chez. Bumalik na naman sa akin yung nangyari kanina." Sambit nito at umirap.
"Anong bumalik kanina? Yung sinabi ni Max tungkol kay Steve?" Tanong ni Ethan.
"Ewan ko sa inyo!" Sambit ni Nicole at nagwalk out.
Saan pupunta yun?
"Hala kayo. Nagalit si Nicole." Sambit ni Kyler na mukhang nanunukso pa na kasalanan namin.
"Wait! Susundan ko lang siya." Sambit ni Steven at umalis na rin.
"Feeling niyo ano kaya ang mangyayari sa kanila?" Tanong ni Ethan sa amin dalawa ni Kyler.
BINABASA MO ANG
The MADRIGAL Sisters
Novela Juvenil"Once a Madrigal, always palaban." motto ng tatlong babaeng palaban na lumipat ng school (Thomas University) at makakasagupa nila ang tatlong lalaking naghari-harian. Sa school ng Thomas University? Ano ang mangyari? Paano babalik sa dati? Away at b...
