Chapter 26: Agawan

1K 31 0
                                        


Eunice's POV

♡♡♡

SUNDAY ngayon at nagpasya kaming magshoshopping kasama ang mga Sissy ko. Alam niyo naman diba, kailangan rin naming tumawa, maging masaya kahit this day lang.

Dahil bukas, monday na naman uusok at mastress na naman kami sa mga mokong na 'yun.

"Let's go!" Sambit ni Nicole.

Basta shopping na talaga ang pag-uusapan, kakabugin ka talaga and take note hindi siya late at nauna pa talagang lumabas sa amin. Pero kapag pasukan sa school. Ayon always late.

Sumakay agad kami ng taxi at dumiretso na sa mall. Napagpasyahan naman ngayon na maghihiwalay muna kami kami.

Ako pupunta sa Grocery store para magrocery alam niyo wala na kaming food grocery sa condo namin. Alam niyo kasi good for one week lang kasi ang ginogrocery namin. Dahil kulang sa budget at allowance, buti nga ang mga parents namin supportado kami lahat every week sila nagpapadala sa amin gamit ang mga cards namin.

Si Chesca naman sinamahan na si Nicole dahil alam mo naman ang babaeng 'yun ang tagal mamili ng mga gusto niya at need niya ng approval kay Chesca. Buti na lang 'yun na kasama niya si Chesca para may pipigil sa kanya.

Nagpasya na kaming maghiwalay at kumuha na ako ng grocery cart. At nagsimula na nga akong mamili ng mga dapat ulamin namin. Kumuha ako ng mga ready to eat na pagkain, like beef loaf, spam, corned beef. Pero sa totoo lang even though na it's already or easy to eat niluluto parin ito ayaw kasi ng dalawang 'yun na kumakain ng hilaw. Kumuha na rin ako ng mga chocolate, malalaking chichirya para kung may movie marathon kami may kakainin kami at nagpasya na rin akong pumunta sa mga drink at beverage area at dahil gusto kung maglasing kukuha ako ng beer in canned at syempre ang paborito kong inumin ang Korean drink ang sujo ng makita kong isa na lang kukunin ko na sana ito ng may kumuha nito.

 Kumuha na rin ako ng mga chocolate, malalaking chichirya para kung may movie marathon kami may kakainin kami at nagpasya na rin akong pumunta sa mga drink at beverage area at dahil gusto kung maglasing kukuha ako ng beer in canned at syempre ang ...

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"This is mine!" Sambit nito na ngumiti pa. Guess who? Ang dakilang Manhid na naman at sinundan pa talaga ako dito.

"Akin yan. IBIGAY MO SA AKIN YAN!" Sambit ko.

"Sorry pero ako kasi ang nakakuha eh." Sambit niya na ngumiti pang nakakaasar.

"AKIN NA SABI TO E!" Sambit ko at inagaw sa kanya. Effective naman dahil nakuha ko ito, pagkatapos kung kinuha inilagay ko sa cart ko.

"Ako ang nakakakuha diba! Kaya akin 'to!" Sambit niya at kinuha na naman ang sujo sa cart ko at inilagay sa cart niya. Syempre may cart din siya at nakakaloka puro chichirya lang ang laman at 'yung sujo.

*BOOGSH*

"OUCH!" Sigaw niya ng ibato ko sa kanya ang isang chocolate na kinuha ko kaya ito siya ang sama ng tingin.

"SIGE SAYO NA 'YAN! ISAKSAK MO SA BAGA MO PATI NA SA BITUKA MO!" Sigaw ko sa kanya.

"ITO PA OH! ITO SAYO NA RIN 'TO!" dugtong ko pa at inilagay ang mga beverage at drinks na nakadisplay dito at inilagay sa cart niya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"ITO PA OH! ITO SAYO NA RIN 'TO!" dugtong ko pa at inilagay ang mga beverage at drinks na nakadisplay dito at inilagay sa cart niya. "AT BILHIN MO NA RIN ANG BUONG MALL NA ITO! TUTAL GUSTO MO NAMANG MANG-AGAW! AT GUSTO MONG IKAW ANG MASUSUNOD! BILHIN MO NA!"  Sambit ko sa inis, bahala ka d'yan.

Nakakabwisit talaga. Pati ba naman kasi dito sa mall sinusundan ako sa mokong na 'to.

*****

Chesca's POV

♡♡♡

Sinamahan ko si Nicole sa Botique kung saa namimili siya ng mga damit niya. Nakakairita nga e. Ako pa ang ginawa niyang tagabuhat o ginawang yaya. Sa dami niya kasing pinili pero isusukat pa lang ito kung kasya ba.

"Chez. Sa tingin mo bagay ba sa akin." Pakita niya sa dress na hawak niya.

"I don't know." Sagot ko.

"What? Anong I don't know?" Tanong niya sa akin.

"Hindi ko alam. Pwede bang isukat no muna ito sa fitting room, ang dami na nito at hindi ka ba nahihiya sa akin ginawa mo akong yaya." Sabi ko sa kanya.

"Bakit naman ako mahihiya sayo? Yaya I mean cousin naman kita," Sambit nito na ikinairap ko. My gosh. Sobrang kapal talaga ng face niya. "Pero joke lang. Sige isukat ko muna 'to. Tyaka samahan mo na ako." Sabi niya at naunang pumunta naglakad. Nakakaloka hindi man lang akong tinulungan na magbuhat.

Pumasok kami sa fitting room at pumasok ako na siya sa isang cubicle sa fitting room dito.

Napatingin naman ako sa isang cubicle na tapat ng pinasukan ni Nicole na nakabukas ito.

Tiningnan ko at-------

"MY GOSH!" Sigaw ko sa nakita ko isang babae at lalaki ang naghahalikan.

"Babe." Sambit ni mokong, alam niyo na kung sino diba?

"DITO PA TALAGA KAYO NAGHAHALIKAN! AT NAKAKAHIYA KA! KAHIT SA SCHOOL, SA FITTING ROOM GINAGAWA MONG MOTEL! MY GOSH!" Sigaw ko sa dire.

"Babe. Who is she?" Tanong ng babae sa Kyler na manyak.

"Ahmf! Babe, si Chesca girl---"

"WAG MO AKONG AANGKININ! HINDI KITA BOYFRIEND! I'M NOT YOURS! AND I'M NOT TO BE YOURS!" Sigaw ko sa kanya na parang nandidire.

Bumukas naman ang pinto at lumabas si Nicole.

"Oh my Gosh. Kaya pala nagsisigaw ka! May manyak palang kaharap mo!" Sabi ni Nicole.

"WAG MONG PAGSASABIHAN NA MANYAK ANG BOYFRIEND KO HA!" Sigaw naman ng babae na kahalikan ni Kyler na manyak na 'to.

"At sino ka naman?!" Taas kilay na tanong ni Nicole.

"I'm Cindy. Kyler's girlfriend." Proud niyang sabi sa amin.

"Sa tingin mo ba ikaw lang ang GIRLFRIEND niya?!" Sambit naman ni Nicole.

"YES!" Sagot niya.

"D'YAN KA NAGKAKAMALI! MARAMI NG BIKTIMA ANG BOYFRIEND MO! KILALA NGA SIYA BILANG CERTIFIED PLAYBOY SA SCHOOL NAMIN E!" Sabi ko naman na sisigawan siya, para narinig niya at matauhan siya.

"What ever." Sabi ni girl na si Cindymonyo.

Cindy na nga demonyo pa.

"Chesca naman, wag mo namang ganyanin si Cinthia---"

"Anong Cinthia. Si Cindy ako?" Sabi ni girl.

"Oo nga. Si Cindy." Sabi ni Kyler.

Nakakatawa, kakasabi pa nga lang na Cindy ang pangalan, naging Cinthia na lang bigla.

Pervert talaga.

"Tara na nga Nicole. Ayaw kung mahawaan ng sakit na kalandian. Baka kasi hindi lang sa fitting room, sa school campus, baka pati na sa kalsada o kaya sa gitna ng Edsa maghahalikan." Sabi ko at naunang umalis.







To be continued...

A/N:

Kung sensitive ka bumasa ka na lang ng ibang story. Open minded kasi ang hanap ko. Hindi perpekto at sensitibo.

JC Cajoles

The MADRIGAL SistersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon