Chesca's POV
*KRINGGGGGGG*
"Class Dismissed!" Sambit ng teacher namin.
Nagsitayuan naman ang mga kaklase ko kaya inayos ko na rin ang mga gamit ko.
"Chesca." Sambit ni Mira sa akin.
"Bakit." Sagot ko sa kanya.
"Ahmf! Ihahatid ka ba ni Kyler ngayon?" Tanong nito sa akin.
"Oo! Sabi niya kanina sa akin na susunduin niya ako." Sagot ko naman.
"Ahh. Okay. Sige mauna na ako sa inyo." Sabi ni Mira at umalis na ito.
Bakit ba interisado si Mira kay sa buhay namin ni Kyler? Kailan pa siya naging paki-alamera sa buhay ng may buhay?
Lumabas na ako sa classroom pero wala pa pala si Kyler dito. Saan na ba yung lalaking yun. Sabi niya kasi dito ko lang siya hintayin kaya bawal akong lumayas dito.
Makagrestroom na nga muna.
Nagtungo ako sa restroom ng girls. Sa restroom pa lang rinig ko na ang nag-uusap na tao. And yes, hindi ito na ilock kaya rining ko ang pinag-uusapan nila.
"Please lang. Bigyan mo ako ng time para sabihin kay Chesca ang lahat. Please lang." Sambit ng lalaki sa kausap niya.
Wait? Familiar ang boses niya? Teka, Chesca? ako ba ang tinutukoy nila? Ako ba ang pinag-uusapan nila? Kung ako, among dapat kong malaman?
"Kyler. Sabihin muna kay Chesca ang totoo. Please! Wag mo ng patagalan pa." Sambit naman sa familiar na boses na ito.
"Mira! Hindi mo ako naintindihan eh. Hindi pa ako handa, hindi ko kayang sabihin kay Chesca ang totoo kapag hindi ko napapatunayan na akin akin yang bata na dinadala mo. Mira, Mahal ko si Chesca. Mahal na Mahal ko siya. Ayaw Kong masaktan siya." Sambit ni Kyler na ikinasikip mg dibdib ko.
Ano? Buntis si Mira kay Kyler? Si Kyler na boyfriend ko ang ama? Binuntis si Mira sa boyfriend ko? Tapos sasabihin niyang Mahal niya ako?
Dahil hindi ko na kaya na hindi malaman ako ang katotohanan. Pumasok ako na ikinagulat nila.
"Chesca?!" Gulat na tanong nilang dalawa.
At mas nagulat ako sa posisyon nila. Nagyakap ang dalawa na para bang dinurog durog ang puso ko. Kaya ang luhang pinipigilan ko hindi ko na mapigilan at bumagsak na lang ito sa pisngi ko at kasabay ng pagbagsak ng mga libro kong dala.
"Chesca. Babe." Sambit ni Kyler na natatakot ito.
"Totoo ba? Lahat na naririnig ko?" Malumanay na tanong ko dahil sa sakit ng nararamdaman ko, sinabi ko parin yun na kalmado.
"Chesca. Babe. Hindi ko pa---"
*PAK*
Isang sampal ang binigay ko sa kanya.
"Kyler?! Please. Totoo ba na nabuntis siya. TOTOO BA?!" Sabi ko na inis na sa pagmumukha nila.
BINABASA MO ANG
The MADRIGAL Sisters
Teen Fiction"Once a Madrigal, always palaban." motto ng tatlong babaeng palaban na lumipat ng school (Thomas University) at makakasagupa nila ang tatlong lalaking naghari-harian. Sa school ng Thomas University? Ano ang mangyari? Paano babalik sa dati? Away at b...
