Chesca's POV♡♡♡
*KRINGGGGGGG*
"Class Dismissed!" Sambit ng teacher na namin at nagsitayuan naman ang mga kaklase ko.
Inayos ko na rin ang mga gamit ko dahil pupunta na kami ngayon sa canteen upang magbreak.
"Ahmf! Chesca." Sambit ni Mira ng lumapit ito sa akin.
"Bakit?" Tanong ko sa kanya.
"Pupunta ka sa canteen?" Tanong nito sa akin.
"Oo." Sagot ko.
"Sinong kasama mo? Sasama sana ako sayo eh. Wala kasi akong kasama papuntang canteen." Sambit nito.
"Ahmf! Sina Kyler kasama ko." Sagot ko.
"Ay, pwede bang sumama sa inyo?" Tanong ulit sa akin.
"Oo naman. Friends naman tayo diba. At syaka wag mong pansinin yung Kyler na yun, nag-iinarta lang yun. Todo selos, todo selos akala naman may ginagawa akong masama." Sambit ko na ikinalaki ng mata ni Mira na nakatingin sa pinto.
"Talaga ba Babe?" Sambit ng lalaki sa likuran ko.
MyGosh! Nandito na pala siya.
Tiningnan ko siya na pangiti-ngiti pa ang lalaking ito sa akin.
"Nagseselos lang naman ako dahil gusto ko ng magpalambing eh." Sambit nito na nag pout pa ang loka, napairap na lang ako.
"Ganyan na ganyan nga. Hindi ka pa rin nagbabago Kyler." Sambit ni Mira at tumawa pa.
Ha? Anong hindi nagbabago? Anong alam ni Mira kay Kyler.
"By the way. Punta na tayo sa canteen mukhang nagutom ako na tiningnan kayo eh." Sambit ni Mira at naunang lumabas.
Lumapit naman si Kyler sa akin at kinuha ang libro kung dala at hinawakan nag kamay ko.
"Namiss kita." Sambit nito sa akin na ikinairap ko.
Almost 2 hour lang naman kami hindi magkasama at nagkita. Miss agad ang lokong ito, baliw talaga. Baliw sa akin.
***
Nang makarating kami sa canteen dito agad kaming naghanap ng vacant seat yung kasya kaming lahat.
"Kyler! Chesca!" Tawag sa amin ni Mira kaya nagtungo na kami sa kinaroroonan niya. "Dito na kayo umupo." Sambit nito sa amin.
"Sige! Order muna kami." Sambit ko sa kanya.
"No babe. Dito ka na lang samahan muna si Mira ako na ang mag-order para sayo." Sambit ni Kyler na ikinatango ko.
Kaya umupo na ako sa tapat ni Mira.
"Ang swerte ni Kyler sayo Chesca." Sambit ni Mira.
"Bakit naman?" Tanong ko na pinagtataka ko.
"Syempre, ang bumihag ng puso niya ay isang Chesca Madrigal na ubod ng ganda, talino, bait at sipag." Sambit nito sa akin bago sumubo ng spaghetti.
Maswerte ba talaga si Kyler sa akin?
"Pero sa totoo lang. Nakita ko na rin ang dating Kyler na nakilala ko noon." Sambit ni Mira sa akin.
Ha?
"Ano bang bumalik sa kanya?" Tanong ko kay Mira.
"Syempre nakita ko na ang kasiyahan niya, yung mukhang masaya lang siya. Pero isa lang ang hindi nagbago?" Sambit nito sa akin.
BINABASA MO ANG
The MADRIGAL Sisters
Teen Fiction"Once a Madrigal, always palaban." motto ng tatlong babaeng palaban na lumipat ng school (Thomas University) at makakasagupa nila ang tatlong lalaking naghari-harian. Sa school ng Thomas University? Ano ang mangyari? Paano babalik sa dati? Away at b...