TMS 5: Stalker

1.8K 40 2
                                        


Nicole's POV

♡♡♡

"Class Dismiss!" sambit ni Ms. History sa amin.

Naghiyawan ang mga kaklase ko dahil nga tapos na ang klase. Kinuha ko ang bag ko at agad umalis sa classroom at napatingin ako sa langit. And yes, madilim dilim na. Nagmadali akong lumabas ng campus at naghintay ng taxi para umuwi sa condo.

"Manong driver sa M.M Condominium. Nagmamadali ako kaya magstart ka nang magmaneho." ”sabi ko ng nakasakay ako sa likod.

Akala ko magstart na siya ngunit bumukas ang pinto ng taxi.

"Opps! Don't you dare na pumasok dito sa loob! Ako ang nauna maghanap ka ng ibang taxi. Ayaw ko na may kasabay." pagtataray ko sa lalaki.

Guess who? Si Mr. Headset.

"Hindi mo ito pagmamay-ari at wag kang umasta na inarkela mo ang taxi na 'to." sabi niya at pumasok at umupo sa tabi ko.

"Saan ka hihinto Sir. Steven?" tanong ni Manong Driver.

"Sa Condominium po Manong." sagot nito napataas na lang ang kilay ko sa conversation na 'yon.

Close pala sila! Nakita ko si Mr. Headset sinuot na naman niya ang headset niya at alam kung nakikinig lang siya ng music.

At ako naman... Bwisit na bwisit dahil nga kay Mr. Headset. Akala niya siguro na nakakalimutan ko na ang ginawa niya kanina. Sobrang sipsip talaga!

Binabaktas namin ang condominium ko na walang imik at nakabusangot ang mukha ko.

"Nandito na po tayo." sabi ni Manong Driver.

Dumukot ako ng 200 pesos sa wallet ko at ibinigay ito. "Keep the change." sabi ko sabay baba.

"Thank you maam."

Hindi ko na sinagot ang thank you ni Manong Driver dahil gusto ko na talagang magpahinga.

Nagsimula na akong pumasok sa loob. And yes! Sumakay agad ako ng elevator at pinindot ang floor #6. Dahil nga nasa 6 floor ang condominium room namin.

Sasara na sana ang pinto ng elevator ng may humabol at laking gulat ko na lang na si Mr. Headset na naman ito. Hindi niya ako tiningnan kundi tumabi siya sa akin after niyang pinindot ang floor 6 dahil kami lang dalawa dito naglalakas loob na akong tinanong siya.

"Excuse me. Stalker ba kita?!" tanong ko na may pagtataray.

Hindi niya ako sinagot kahit nasa leeg na niya inilagay ang headset niya.

"So... bingi-bingihan o sadyang bingi na talaga dahil sa headset na palagi mong suot?!" pagtataray ko na hindi siya tiningnan.

By the way! Kaming dalawa lang pala nandito sa elevator.

"So bingi nga!" sabi ko sabay roll eye.

"Wag kang masyadong assuming." mahinang sagot nito sa akin.

"HOY! AKO ASSUMING?! AKO PA TALAGA?" sabi ko na sinisigawan siya.

"Hindi ba halata." ani niya.

Sasagot na sana ako ng tumunog.

*Ting*

Bumukas ang elevator at nakita ko ang mga tao na naghihintay dito napayuko na lang ako bago lumabas ng elevator at lumabas na rin siya.

Naglakad na ako sa pupuntahan ko kung saan ang condo unit namin. MyGosh! Nakasunod parin siya. Ramdam ko ang mga apak niya!

"ANO BA TALAGA ANG PAKAY MO STALKER?! KANINA MO PA AKO SINUSUNDAN? ANO NANAKAWAN MO AKO? PAPATAYIN MO AKO!? ANO?" sigaw ko sa kanya.

"WAG KA NGANG ASSUMING... Akala mo naman kung sinong maganda. Tabi nga!" sabi niya sa akin at tinalikuran ako.

Dahil sa bwisit ko binato ko sa kanya ang shoulder bag ko.

*BOOGSH*

"OUCH!" sambit nito sa akin na nagpahinto sa kanya. "ANO BA ANG PROBLEMA MO?!" tanong niya sa akin na galit na galit pa ito.

Paano ba kasi hindi man lang umilag 'yon tuloy. Headshoot ang ulo niya sa shoulder bag ko.

"HINDI AKO SANAY NA TATALIKURAN! AKO ANG MAUNA BAGO IKAW! STALKER!" sabi ko sa kanya at pinulot ang shoulder bag ko sa sahig at nagpatuloy sa paglalakad.

Bahala siya diyan!

Ako dapat ang mauna hindi siya. Ako dapat hindi siya.

Nang nasa tapat na ako ng condo unit ko pumasok agad ako sa loob.

"Ba't ganyan ang mukha mo?" tanong ni Eunice.

"Masaya ka ba? Or badmood?" tanong naman ni Chesca sa akin.

"In my whole day. Bwisit na bwisit ang buhay ko dahil sa lalaking iyon! Kahit sa pag-uwi sinusundan ako, nasstress na talaga ako. I feel haggard na ang beauty ko! Pero nakaganti na rin ako." sabi ko na hindi rin maintindihan ang emosyon.

"You mean ba na si Mr. Headset ang tinutukoy mo?" tanong ni Eunice.

"Yes!" sagot ko bago ako umalis sa harapan nila at pumasok sa bedroom ko.

To be continued...

The MADRIGAL SistersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon