Chesca's POV♡♡♡
7:00 PM na akong nagising. Alam niyo naman siguro ang nangyari kagabi diba? Wala masyado akong tulog dahil kay Eunice, kaya buti na lang may nakakita sa kanya.
Ang kaibigan ni Steven, pasalamat nga ako dahil tinulungan kami ni Steven. May mabuti rin pala siyang puso.
"Anong ulam?" Bungad na tanong ni Nicole sa akin na nasa kusina ako ngayon.
"Walang ulam. May sobra pa naman siguro diyan yung inorder mo kagabi diba." Sagot ko.
"Chesca. Ayaw ko ng paulit-ulit ang kinakain ko. Dibale, d'un na lang ako sa labas kakain." Sabi niya sa akin.
"Saan ba punta mo?" Tanong ko sa kanya.
"Sa school ng Thomas University. Remember it's Saturday mag co-community service kami." Sabi niya at nagroll eye.
"Yan kasi, super irresponsible mong estudyante." Sabi ko sa kanya.
"Duh! Ayaw ko naman na maging talunan 'no. Kahit guro ko pa siya, kakalabanin ko talaga! Alam mo naman siguro.... Once a Madrigal always Palaban." Sabi niya.
"Sige na, umalis ka na." Sabi ko dahil naiirita ako sa kaartehan nito.
"Paki sabi na lang kay Eunice na nasa school ako, kung uuwi na siya." Sabi niya at tumalikod na sa akin.
Infairness 'ha, ang punctual niya ngayon. Kahit kailan kasi late 'yun palagi kahit sa mga school days.
Maya-maya pa may kumatok sa pinto, kaya binuksan ko 'to. Baka si Eunice na 'to.
"ANONG GINAGAWA MO DITO?!" Bungad na sigaw ko, alam niyo na kung sino ang nandito. Walang iba kun'di si Kyler the pervert.
"Siguro, dapat papasukin mo muna ako dito 'no." Sabi niya at kumindat at akmang papasok.
Pero bago pa siya makapasok.
*BOOGSH*
"OUCH!" Sigaw niya ng isinarado ko agad ang pinto. Buti nga sa kanya. 'Yan tuloy humalik siya sa pinto.
"Chesca, Babe papasukin mo nga ako!" Sigaw niya sa akin.
"Bahala ka diyan!" Sigaw ko naman sa kanya.
"KUNG BUBUKSAN MO ANG PINTO, IBIBIGAY KO NA 'TO ANG I.D MO." Sabi nito sa kabali. "Diba gusto mong makapasok next week sa school." Sambit niya na naman.
Sana nga... Kaya wala akong nagawa kun'di binuksan ang pinto.
"Gusto kung matulog. Samahan mo nga ako babe." Sambit niya at hinila ang kamay ko at ako naman pilit na kinuha ito.
"Bitawan mo nga ako!" Sambit ko at inagaw ang kamay.
"Gusto kong matulog kasama ka." Sabi niya at niyakap ako sa bastos na 'to at dinaganan ako sa sofa.
"HOY!"
Natulak ko ang mokong na Kyler na 'to dahil sa boses na 'yun. Bwis*t nakita pa kami ni Eunice na nagyakapan.
Paano nakapasok si Eunice. OMG, hindi pala ito nasara dahil hinila ako ni mokong.
"Anong ginawa mo kay Chesca?!" Gigil na tanong ni Eunice kay Kyler at si manyak naman ngumiti pa.
BINABASA MO ANG
The MADRIGAL Sisters
Teen Fiction"Once a Madrigal, always palaban." motto ng tatlong babaeng palaban na lumipat ng school (Thomas University) at makakasagupa nila ang tatlong lalaking naghari-harian. Sa school ng Thomas University? Ano ang mangyari? Paano babalik sa dati? Away at b...