Chapter 64: Supportive

768 30 0
                                        


Chesca's POV




Kasalukuyan akong nasa Multi Purpose Court at hinihintay si Kyler habang nagprapractice pa sila ng basketball.

"Chesca, babe. Para sayo to." Sambit ni Kyler at agad nito shinoot ang bola sa ring.

"OHHH! 3 POINTS!" Sigaw ng mga kateam niya ng pumasok ito na walang kahirap-hirap man lang.

Napayuko na lang ako dahil sa hiya at kilig. Joke.

"Sobrang swerte mo naman sa lucky charm mo Captain."

"Hindi lang maganda, supportive pa."

"Maghihiwalay rin kayo!"

Kansyaw ng mga kasamahan ni Kyler dito.

Ano ba yan. Ayaw ko ng ganito. Nahihiya ako, sana pala hindi na ako sumama dito eh. Nakakainis. Mukha na akong timang at hindi na ako mapalagay. Ano bang gagawin ko?

🎶Alam ko wala namang perpektong relasyon🎵

Napatingin sa bag ni Kyler na nasa tabi ko. May tumawag na naman sa phone niya.

🎵Kahit na minsa’y baliw ka🎵 🎶ayos lang yon!🎶

Kukunin ko ba? Dudukutin ko ba ang phone niya sa bag? Sasagutin ko ba? Pero ayaw ko naman paki-alam ang privacy niya.

🎵Sana pag-ibig natin habang buhay🎵🎶

Bahala na nga. Baka importante ang tumawag. Baka, Mommy niya kaya Kukunin ko na toh.

🎵Kailan man hindi na magbabago
Ikaw lang ang mahal ko🎵

"BABE!" Sigaw ni Kyler na nagpalingon sa kanya.

Sobrang hot niya, sobrang Pogi niya kahit pawisan siya sa itsura niya. Ang init na para bang nagsslow mo ang pagtakbo niya papunta sa akin.

"HOY!"

"Ay, ang hot mo!" Sambit ko sa gulat napalaki naman ang mata ng tumawa bilang ito. MyGosh nasa harapan ko na pala siya.

"Babe. Alam ko naman na hot ako." Sabi nito at kumindat pa kaya umiwas ako ng tingin sa kanya.

"Tapos na ba kayo. Uuwi na ako eh." Sambit ko na wala sa kanya nakatingin.

"Bakit hindi ka makatingin sa akin?" Bulong niya sa akin sa tenga ko. Bakit ang bilis niya.

"TUMIGIL KA NGA!" Sigaw ko sa inis sa kanya na ikinatingin ng mga kasamahan niya.

Hala! Nakuha ko ang atensyon nila? Ganun na ba ka megaphone ang boses ko?

"LQ agad." Sambit ng Couch nila na ikinatawa ng mga kateam nila.

"Hindi naman po Couch. Mukhang mainit ang ulo ng GIRLFRIEND ko ngayon eh." Sambit ni Kyler na ikinairap ko.

"WEEEEEEH!" Sambit nila.

The MADRIGAL SistersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon