Chesca's POV
As usual naman nagising ako ng maaga pero hindi dahil sa alarm clock ko kundi nagring ang phone.
Kinuha ko ito at sinagot ang tawag na yun. Kahit nakapikit pa ang mata ko kinapa ko talaga yun para masagot man lang ang tawag na yun. Ganun ko siya kamahal eh. Charoot.
["Hello Babe. Good morning Gising na, susunduin pa kita eh. Babe, bumangon ka na. Diba, ayaw mong mahuli sa klase. Babe, gumising ka na. nasa labas na ako ng condo unit niyo."] Sambit nito sa akin na kinabalikwas ko.
Dali-dali akong tumayo at lumabas ng kwarto at nagpunta sa pinto.
At yun nga. Wala pa pala ang loko.
"Nasaan ka?!" Sambit ko sa phone na to.
["Joke lang. Nasa bahay pa ako. Ikaw talaga? Hindi mo naman sinabing excited ka palang makita ang boyfriend mo."] Sambit nito habang tumawa pa.
"BWIS*T!" Sigaw ko at sabay baba sa tawag niya.
Napabuntong hininga na lang akong bumalik sa kwarto ko at kinuha ang towel ko. Makaligo na nga. Nakakabwisit naman talaga.
Sa totoo lang. Yan kasi ang nakakabwisit sa umaga eh, yung pagtripan ka. Eh, kasalanan ko bang pikon ako sa umagang ito?
Sabi nga ng iba, biruin mo na ang lasing, wag lang ang bagong gising.
After 15 minutes ko sa banyo lumabas na ako na nakatapis.
"Bilisan mong magbihis para makakain na kayo." Sambit ni Ate Anggie na naghahain na ng pagkain.
"Gising na ba ang dalawa ate?" Tanong ko.
"Hindi pa." Sagot nito.
"Eh, anong kayo? Anong sinasabi mong para makakain na kayo?" Takang tanong ko.
"Chesca. Wag ka ng madaming tanong. Magbihis ka na dun." Sambit ni Ate Anggie sa akin.
Kaya ayon pumunta na nga ako sa kwarto ko. At syempre ganun na lang ang gulat ko ng nandito na pala si mokong.
"Hello. Babe Good Morning." Sambit nito sa akin.
"Anong ginagawa mo dito?! Bakit ang aga mo?" Pagtataray ko sa kanya.
"As usual excited akong makita ka. Flowers for you." Sambit nito at may ibinigay na namang bouquet na tulips.
Hindi ko tinanggap ang bouquet niya. "Anong gagawin ko dyan? May plano ka bang gawing garden ang kwarto ko?!" Taray na tanong ko sa kanya.
"Hindi naman sa ganun Babe. Pero, ang bouquet na to kasi. It's symbolize na patuloy kitang minahal." Sambit nito sa akin.
"Araw-araw bibigyan mo ako?" Tanong ko na ikinatango niya. "Paano kong hindi mo ako mabigyan? Dapat na ba akong magtaka?" Tanong ko ulit.
"Oo! dapat ka ng magtaka. Dahil kung hindi kita mabigyan ng bulaklak ibig sabihin baka singsing na ibibigay ko sayo." Sambit nito at kumindat pa na ikinairap ko.
"Edi wow! Lumabas ka nga diyan. Magbibihis na ako." Sambit ko sa kanya. Pero ang loko hindi man lang sumunod kusa siyang humiga sa kama ko.
"Naririnig mo ba ako? I said na lumabas ka na! Magbibihis ako!" Sambit ko sa inis.
"Dito lang ako. Gusto ko kasing makita ang Missis ko eh." Sambit nito.
"Ayaw mong umalis? Edi, walang kiss." Sambit ko.
BINABASA MO ANG
The MADRIGAL Sisters
Genç Kurgu"Once a Madrigal, always palaban." motto ng tatlong babaeng palaban na lumipat ng school (Thomas University) at makakasagupa nila ang tatlong lalaking naghari-harian. Sa school ng Thomas University? Ano ang mangyari? Paano babalik sa dati? Away at b...
