Eunice's POV♡♡♡
Mga latest week and days nagiging busy kami. Gusto kasi namin walang problema kapag end of school year na.
Isang linggo na lang kami magsama-sama dahil mag-eend na ang school year. At kaming Madrigal Sisters naman ay babalik na sa probinsya namin.
Siguro mas mabuti na rin yun. Mas mabuting doon muna kami dahil doon naman talaga kami nanggaling eh.
Yung mga latest weeks pala. Todo bondings ang dalawa. Nakakatuwa lang dahil nakikita ko si Nicole na sumasaya sa piling ni Steven. Ang laki rin kasi ng pinagbago nilang dalawa na sila lang dalawa na nagkakaintindihan. Sana tuloy-tuloy na sila na ganun.
Si Chesca naman todo aral, focus na focus siya sa study niya lalo na't may 60 grades siya sa isang subject. Pero, infairness huh. Hindi nagpatinag sa temptation na gawa ng suitor niya na si Kyler.
At ako naman? Ito, tuloy ang laban kahit wala na si Ethan. Pero, sa totoo lang every weekend ako pumupunta sa puntod ni Ethan at didiretso naman sa Obra Gallery ni Ate Jewel dahil gusto niya akong tulungan to capture a photos para maging professional photographer like her.
Pero ngayon?
"Sinong tinetext mo?" Tanong ni Nicole sa akin.
"Si Ate Jewel. Sinabi ko lang na hindi ako makakapunta sa Obra Gallery dahil may bondings tayo na magkakabarkada." Sagot ko nito.
"Ahh. Okay." Sagot ni Nicole.
Oo! Tama kayo. Saturday ngayon, kaya nagkasunduan naming magkakabarkada na magbondings dito sa condo. Susulitin lang din namin na magkakabarkada na magkasama kami.
*Knock*
*Knock*
"Ako na ang bubukas! Baka si Steven na yun." Sambit ni Nicole kaya naman kaming dalawa ni Chesca dito hindi na gumalaw sa kinauupan naming sofa. Ako dito pa phone lang, habang si Chesca nagbabasa mg libro.
"Ay! Akala si Steven." Sambit ni Nicole at bumalik dito na dismayado pa.
E, ano kasi si Kyler kasi ang nakita niya at ito na naman siya may walang flowers si loko.
"Hello." Sambit nito at ngumiti pa. "Chez. Flowers for you." Sambit nito st binigay ang bouquet of tulips kay Chesca.
"Thank you." Sambit ni Chesca na mukhang nalulungkot pa.
"Hindi ka ba masaya?" Tanong nito kay Chesca.
"Paano ako magiging masaya, e sobrang dami ng bouquet sa kwarto ko. Kulang na lang maglagay ako ng karatula sa pinto ko na Flower Shop ni Chesca." Sambit ni Chesca na mukhang inis pa ito.
Napatawa na lang kaming tatlo sa kanya. Kaya si Chesca tinuloy na lang ang pagbabasa sa book niya.
"Sorry na po." Sambit ni Kyler at umupo sa tabi ni Chesca. "Sorry na po please." Sambit ni Kyler na naglalambing pa kay Chesca.
"Kyler. Wag kang magulo may binabasa ako." Sambit ni Chesca habang tinutuon ang pansin sa binabasa pero pilit itong ginigulo.
"Sorry na nga." Sambit nito kay Chesca.
"Kung hindi ka titigil. Babustedin talaga kita." Pananakot ni Chesca na ikinalayo ni Kyler na mukhang natakot pa si loko.
*Knock*
*Knock*
"Ako na!" Sambit ulit ni Nicole at nagpunta sa pinto.
BINABASA MO ANG
The MADRIGAL Sisters
Teen Fiction"Once a Madrigal, always palaban." motto ng tatlong babaeng palaban na lumipat ng school (Thomas University) at makakasagupa nila ang tatlong lalaking naghari-harian. Sa school ng Thomas University? Ano ang mangyari? Paano babalik sa dati? Away at b...