Chapter 84: Double Celebration

698 34 6
                                    


Eunice's POV

♡♡♡

Kasalukuyan kaming nasa canteen. Wala kaming ganang pumasok sa classroom eh. Walang gana dahil late na kami at maaga na kami sa second subject.

"Ano bang plano niyo?" Sambit ni Mira sa amin.

By the way kung nagtatanong kayo kung ano ang posisyon namin.

Ako - Chesca - Nicole - Mira

[ TABLE ]

Ethan - Kyler - Steven - Drake - Miko

Ganyan nga. Ganyan ang pwesto namin. Kaharap namin ang mga boys.

"Anong oras na ba? May tatapusin pa kasi akong school works eh." Sambit ni Chesca.

"It's time to love me again." Sagot ni Kyler na nasa harap ni Chesca. Umirap naman si Chesca kay Kyler.

Ewan ko sa kanila. Okay na ba sila?

"Wow! Kayo na? Nagbalikan na kayo?" Tanong ni Mira sa dalawa na si Chesca at Kyler.

Nagkatinginan naman ang dalawa.

"Hindi!" Sabay nilang sambit. Napakunot naman ang mga noo namin.

"Ahmf I mean, we are friends. Friends na kami." Sabi ni Chesca at umiwas ng tingin.

"Pwede ba yun? Maging friends mo ang dati mong nakarelasyon?" Tanong ni Drake.

"Oo nga? Pwede ba yun? Mukhang sobrang awkward naman nun." Sambit naman ni Miko.

"Wala eh. Friends lang kami, and back to the stranger ganun." Sambit ni Kyler. "Ano pangalan mo ulit?" Tanong ni Kyler kay Chesca na ikinairap nito.

"Chesca Madrigal." Sambit ni Chesca at umirap ito.

Napatawa na lang kaming dalawa sa kanilang dalawa.

"Adik lang ha." Sambit ko.

"Kyler." Napatingin kami sa tumawag kay Kyler.

"Couch." Sambit ni Kyler at tumayo ito. Lumapit naman ang Couch nila sa basketball sa table namin.

"Ahmf! Miko nandito ka rin pala." Sambit ng Couch nila na ikinatayo ni Miko.

"Hello po Couch." Sambit ni Miko.

"'Tamang-tama nandito naman pala kayo. Ngayon ko na lang to sasabihin sa inyo." Sambit ni Couch.

"Ano po yun Couch?" Sambit ng dalawa.

"Ahmf. Napagdesisyonan kasi ng teams na si Mr. Alcantara na ang magiging Team Captain. Sorry Kyler pero yun talaga ang desisyon nila eh, kasama ang nagdesisyon ang mga kasamahan niyo." Sambit ni Couch na ikinatahimik naming lahat.

Nakita namin ang gulat sa mukha ni Kyler at ganun rin ang gulat sa mukha ni Miko.

"Couch. Kung nagbibiro ka hindi magandang biro yan." Sambit ni Miko.

The MADRIGAL SistersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon