Steven's POV
♡♡♡
First time kong magkaPOV. Hehehe.
Hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang lahat ng ito. Pero sige, sisimulan ko sa panahon na nagmahal ako, ngunit nasaktan ako.
Oo! Dulot sa sakit na ginawa ni Max sa akin, sobrang nadurog ang puso ko. Sobrang nawala ako, nagbago bigla ang sarili ko.
Hooh! Mahirap siya kasi, siya ang nagiging first love ko. Siya ang first love na sinaktan ako. Pero, sa tulong ng mga kabandmates ko na sina Hunter, Ryan, at Josh na naging kasangga ko sa pagtugtog, at ang barkada ko na sina Kyler at Ethan ay naging matatag ako.
Sinabi ko sa sarili ko na sa susunod na magmahal ako, yung tipong siya na talaga. Siya na talaga hanggang dulo.
Yan naman talaga ang nagiging motto naming tatlo e. Dati pa, I mean simula noong nasaktan kami.
"Kapag magmahal ulit ako, siya na ang huli. Siya na hanggang dulo."
Pero tila ba nagbago ang tadhana.
First semester ng Senior High School, pinilit ko lang maging masaya. Siguro, hindi pa ako masyadong nakarecover nun. Kaya todo aral, todo tugtog, at todo suporta na lang sa mga kalokuhan na ginagawa ng mga kaibigan ko.
Ang sarap din kasing makita na binubully ni Ethan dati ang mga nerd lalo na kapag babae. E, masisisi mo ba ako? Nasaktan ako e, dahil sa babae.
Ang saya rin makitang pinaglalaruan ni Kyler ang mga babae. Yung tipong pang isang araw ka lang, yung tipong pang one night stand ka lang.
At ako naman, seryoso sa ginagawa kung pag-aaral dahil gusto kung ipakita sa mga magulang ko na kaya kong buhayin ang sarili. Kaya nga ako nagcondo e, yung kinita ko lang sa PPBar ang ginamit ko.
Hindi sa pagiging ayaw ko sa bahay kasama ang pamilya ko kaya ko pinili na magcondo. Ang totoo kasi, may hindi ako nagustuhan sa desisyon ni Dad. Ayaw ko maging kontrolado niya, ayaw ko na siya ang magdedesisyon sa future ko.
At yun ang dahilan kung bakit ako umalis sa bahay.
Second semester sa Senior High school ay nag-iba ang takbo ng mga mundo namin. Nang magtransfer ang tatlong Madrigal Sisters nang dahilan ng pagkalugmok namin.
Dapat kasi kami yung hari dito e. Dapat kami ang batas sa Thomas University, pero umeksina ang tatlong bwis*t na yun lalo na yung malditang fashionista na Nicole na yun.
Kinalaban ba naman ako? Dinamay pa ako sa pagiging irresponsible niya. Binibwisit niya palagi ang araw ko. At pinagtripan pa ako sa babaeng iyon.
Pero, sino ba ang mag-aakala na ang babaeng maldita pala ang nagpapabago sa akin. Siya pala yung babaeng hinahanap ko. Siya pala yung babaeng tutulong sa akin sa magandang future ko. At siya pala ang babaeng hinihintay ko.
Oo! Hinintay ko ang babaeng nangangalang Nikki dahil iyon ang nakaburda sa panyo ko.
Pero maniwala kayo. Natamaan ako ng husto, siguro siya yung babaeng nagpapatibok mg puso ko. Kahit maldita yun, mabait naman pala marunong pala siya magthank you ng naospital siya dahil sa ginawa ni Max.
Naging partner in crime ko siya. Dahil ayaw ko na bumalik sa ex ko, dahil sapat na sa akin na magpakatanga sa isang beses, at ayaw ko namang dumalawa pa.
BINABASA MO ANG
The MADRIGAL Sisters
Novela Juvenil"Once a Madrigal, always palaban." motto ng tatlong babaeng palaban na lumipat ng school (Thomas University) at makakasagupa nila ang tatlong lalaking naghari-harian. Sa school ng Thomas University? Ano ang mangyari? Paano babalik sa dati? Away at b...
