Chapter 59.1: Pagtataka

913 32 12
                                    


Eunice's POV

"Ethan gusto mo bang ipasyal kita sa mga magagandang tanawin dito?" Sambit ko kay Ethan na kasalukuyan nakaupo sa sofa habang ako naman ay nakahiga at ginawang unan ang hita niya.

"Wag na. Ikaw lang naman ang maganda sa akin eh. Sapat ka na sa akin." Sambit nito na bumanat pa talaga ang loko.

Napairap na lang ako sa kanya.

"Ang corny mo naman eh." Sambit ko sa kanya.

"Dibale ng corny, atleast happy ka. Yan ang aking happy tooth." Sabi nito Nagpapatawa ba siya.

"HAHAHAHAKDOG! Stress ako sayo." Sambit ko at tumayo sa kakahiga.

"ILoveYou" Sambit nito habang ngumiti sa akin.

Ang gwapo talagang boyfriend ko. Ito ang mukha na gusto kong makikita araw araw. Forever na ba to?

"WALANG FOREVER!" Sigaw naman na kalalabas lang na Nicole. Grabe talaga ang babaeng ito sobrang bitter na siya eh.

"Bakit sobrang bitter mo?" Tanong ko kay Nicole.

"No comment! Uwi muna ako sa bahay! Enjoy, wag lang kayong manglock ng kwarto." Sambit ni Nicole na ikinalaki ng mata ko.

"Ang bad mo!" Sambit ko sa inis.

"BLEEEEHHH!" Sambit naman ito bago umalis ng bahay.

Nakakairita talaga ang babaeng yun. Sobrang maldita na bitter pa.

Nang makalabas na si Nicole tinuon ko na ang pansin ko kay Ethan na panay ngiti at titig pa sa akin.

"Bakit?" Tanong ko sa kanya.

"Mukhang gusto ko yung sinabi ni Nicole na magloc----"

"SUNTOK GUSTO MO!" Singit ko sa kanya.

"Joke lang naman. Ikaw talaga baby ko, ang sarap mong asarin." Sabi nito at kinurot ang magkabilang pisngi ko.

Umirap lang ako sa kanya.

"Pero, seryoso na. Bukas na ako uuwi ha. Sabay na lang tayo uuwi bukas. Okay lang ba yun?" Sambit nito sa akin.

"Hindi." Sambit ko sa kanya.

"Bakit? Ayaw mo ba akong makasama? Di mo na ba ako love? Di mo na ba ako Mahal baby ko?" Tanong nito sa akin na ikinakunot ng noo ko.

"Ang OA mo? Syempre, gusto kitang makasama. Pero, paano si Kuya Axel doon, I mean nagpaalam ka ba sa kanya? Sinabi mo bang pumunta ka dito? Eh, ang tigas pa naman ng ulo mo, mukhang tumakas ka lang eh." Sambit ko sa kanya.

"Hindi ha. Syempre, sasabihin ko sa kanila mamaya. Tatawagan ko si Manang mamaya. Sige na please... Pumayag ka na baby ko.... Please.. Baby ko... Payagan mo na si baby Ethan mo na makasama ka please." Sambit nito at nagmamakaawa pa.

"Oh sige! Basta sabihin mo kay Kuya Axel ha, ayaw ko pa naman mag-alala yung crush ko. Ayaw ko kasing pumangit si Baby Axel ko eh." Sabi ko at kinikilig pa.

"Yan na naman tayo eh. Palagi mo na lang ako pinagseselos kay Kuya." Sambit nito at nagtatampo pa.

"Suss. Nagtampo naman agad. Ang cute mong magselos." Sabi ko sa kanya at kinurot ang pisngi. "Wag kang masyadong seloso ha, ikaw lang Mahal ko eh." Diftong kong sabi sa kanya.

The MADRIGAL SistersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon