Chapter 119.1: Last Day

820 34 79
                                        


Chesca's POV

♡♡♡

Ito na nga.

Ito na ang hinihintay ng lahat ang last day of school year sa taong ito. Last day na rin namin dito dahil babalik na kami ng probinsya namin bukas.

Nakakaexcited na nakakalungkot lang. Sobrang lungkot dahil hindi mo muna makakasama ang mga kaibigan mo. At excited naman dahil naghihintay ang pamilya namin sa probinsya sa pagbalik namin.

Kaya ito kami ngayon sa tambayan namin dito sa canteen. Kumpleto kaming lahat, magcecelebrate sa success dahil walang bumagsak sa amin.

Yung about sa 60 grades ko? Nahila naman siya sa grades ko sa final. Buti na lang talaga na malaki ang marka ko na nakuha.

"Congrats pala Chez." Sambit ni Miko sa akin.

"Ha?" Tanong ko sa kanya.

"Top 9 ka pala sa ngayon e." Sambit ni Miko sa akin.

"Ha?" Sambit ko ulit na nakakunot ang noo.

"Oo nga. Ito Oh." Sambit niya at pinakita ang phone niya at nakapost pala sa pages Thomas University ang Top 10 sa school year na ito.

"Okay." Sagot ko sa kanya.

"Bakit parang hindi ka masaya?" Tanong ni Drake sa akin.

"Sakto lang." Sagot ko. "Alam niyo kasi, ang goal ko lang naman talaga dito ay makapagtapos at maipasa ko ang lahat ng subject st bonus na lang ang pagiging top achievers ko." Sambit ko sa kanila na ikinatango nila.

"Tama. Ako nga rin e. Hindi ko naman goal na maging Top 1." Sambit naman ni Steven.

"Congratulation!" Sambit namin kay Steven.

"Thank you." Sagot nito at napatingin kay Nicole.

"Congratulation." Sambit ni Nicole at ngumiti pa ito.

"I love you." Sagot ni Steven habang nakatitig kay Nicole.

"Ahermmm." Sambit ni Kyler. "Hindi sa pagiging istorbo huh. Pero ang laswa kasi tingnan." Dugtong pa nito.

"Wow! Sobrang hiya naman ako sa kapervertan mo!" Sambit ni Nicole na ikinatawa namin.

"Kay Chesca lang naman ako nagiging pervert e. Sobrang ganda niya kasi." Sambit nito sa akin na tinitigan pa ako na ikinairap ko.

"Gusto ko na sanang maniwala kaya lang! Walang forever!" Biglang sambit ni Miko na nakasubo na naman ng lollipop.

Mukhang kinareer na niya ang pagsubo ng lollipop e.

"BITTER!" Sigaw ni Eunice kay Miko.

"Akala ko ba kakampi kita? Bakit parang nagbago ang ihip ng hangin?" Sambit ni Miko na nag-pout pa siya.

"Alam mo Miko. Kahit wala na si Ethan. Nandito pa rin siya sa puso ko. Forever siyang nakatatak dito." Sambit ni Eunice at tinuro ang puso niya.

"Mamimiss ko 'to!" Biglang sambit ni Nicole na mukhang mangiyak ngiyak pa. "Pero mamimiss kita." Dugtong ni Nicole st niyakap si Steven.

Oh no! Ngayon na pala ang last day ng contract nila sa isa't-isa. Kaya pala sobrang clingy nilang dalawa. Hooh!

"Mamimiss din kita Nikki." Sambit ni Steven at niyakap ng mahigpit si Nicole.

"Mamimiss ko ang Squad na ito." Sambit naman ni Drake.

The MADRIGAL SistersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon