Chapter 82: Spoken Poetry

769 29 15
                                        


Eunice's POV

♡♡♡

Kasalukuyan kaming nag-aalmusal. At take note, Sunday ngayon. So, walang silbihan ang mangyayari. Walang nakaduty na gumawa ng mga household choirs dito.

Kaya free lahat. Bonding time ngayon dapat eh.

"Ahmf. Wala na tayong stock of groceries para bukas." Sambit ko sa kanila.

"Mamayang hapon na lang tayo maggrocery." Sagot ni Ethan.

"Pero, alam niyo naman diba? Mainit ang mga mata ng mga tao sa amin ngayon. So, I think mas mabuti kung hindi na lang kami kasama." Sagot ko sa kanila.

"Okay lang naman. Sige, kami na lang pupunta sa Supermarket." Sabi ni Steven.

Tinapos na namin ang pagkain namin.

*DING*

*DONG*

Nagkatinginan kaming anim dito sa dining area.

"May bisita kayo?" Tanong ni Nicole sa tatlo.

"Teka lang. Baka sila na yun." Sabi naman ni Kyler at tumayo at nagtungo sa labas.

May bisita sila? Sino naman?

"HELLLLOOOOOO." Sambit ni Mira ng makapasok ito.

Ang ingay niya. Kasama niya sina Miko at Drake.

"Grabe! Ang ganda ng bahay niyo." Sambit ni Mira st inilibot pa ang paningin.

"Anong ginagawa niyo dito?" Tanong ni Chesca sa kanila.

"Syempre, nandito kami para sa inyo. Alam naman na sobrang stress at nalulungkot kayo ngayon for the video at posts na about sa inyo. Kaya kahit sa ganitong paraan makatulong kami sa inyo eh. Let's enjoy this day." Sambit nito sa amin.

"Yes, tama si Mira. Dapat happy lang tayo. Wag na natin isipin ang fake news na viral na yun. Let's forget that." Sambit naman ni Drake.

"By the way. May dala pala kaming beer in cans." Sabi naman ni Miko.

"Mag-iinoman kayo?" Tanong ni Chesca.

"Oo." Sagot ni Miko.

"Alam niyo ba ang House Rule dito? Rule #6: Kung umiinom kayo dapat hindi lalagpas ng 3 bottles each. Wag kayong abusado." Sambit ni Chesca.

"Grabe naman yun. Hindi natin maenjoy kung hindi aabot ng 3 bottles?" Sabi ni Drake.

"Ganun talaga dito Drake. House rule is house rule." Sambit ni Kyler.

"Okay. Simulan na natin." Sambit ni Drake.

"Sige. Sa Sala." Sambit naman ng ibang boys at nagtungo nga sila sa sala.

Sumunod naman kami sa living room. At okay naman siya, ang iba umupo na lang sa sahig dahil isang mahabang sofa lang naman ang bahay na ito eh.

"May WiFi kayo dito?" Tanong ni Mira.

Oo nga? May WiFi ba dito? Feeling ko naman meron kaya lang wala kaming password. Ang tatlong mokong lang naman ang nakakalam eh.

The MADRIGAL SistersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon