Eunice's POVKasalukuyan akong bumaba ng taxi na nagmamadali. Alam niyo naman tinakasan ko si Ethan. Ayaw ko kasing makita ang mokong na yun I mean ayaw kong magpasundo sa kanya.
Naiimagine ko pa lang ang mukha ni mokong mukhang gigil na yun.
"Eunice." Napalingon ako sa boses na yun. Si Dylan pala si crush. Hehehe. Masama bang magkacrush kahit may jowa na?
Ngumiti lang ako sa kanya. Kaya lumapit na rin siya sa akin. "Saan si Ethan? Hindi ka niya sinundo?" Tanong nito sa akin.
"Ahmf! Hindi naman sa ganun." Sagot ko lang habang tumatawa.
"By the way. Kumusta ang gabi niyo kagabi? Mukhang hindi kayo nag-enjoy eh." Sambit nito sa akin.
"Mukha nga. Pero, wag na natin pag-usapan yun. Ang importante ko sa ngayon ay makapasok ako sa second subject dahil sobrang late ko na sa first subject." Sabi ko at tumatawa pa.
"Oo nga naman. Napasarap siguro ng tulog mo kaya ka late na gising." Sabi niya sa akin na ikinakunot ng noo ko.
Bwis*t naalala ko na naman kung paano ako ginising sa pamamagitan mg halik ni Ethan sa akin.
*BEEEEEPPP*
Napalingon kami sa huminto at bumusinang kotse sa harapan namin. MyGosh kotse ni Ethan.
Binaba niya ang window ng kotse niya at ganun na lang ang galit sa mukha niya.
"Mr. President. Mauna na ako sa Office." Sambit ni Dylan at nagmamadaling pumasok sa campus.
Tiningnan ko siya na nakakunot ang noo. "Bakit ganyan ang mukha mo?" Tanong ko sa kanya.
"Sumakay ka." Sambit nito at umiwas ng tingin sa akin.
Kaya sumakay na lang din ako.
No choice eh, baka kasi mas lalo pa itong magalit sa akin. Baka mapatay pa ako nito."Ethan. Anong meron?" Tanong ko sa kanya.
Tiningnan ko niya ako habang masama ang tingin. "Ano ba talaga ang gusto mo Eunice? Tinakasan mo ba ako?" Tanong nito sa akin.
Napairap na lang ako sa kanya. "Baby ko naman. Kung sasabihin kong YES may magagawa ka ba?" Sambit ko sa kanya.
*BOOOGSH*
Napalaki ang Mata ko ng sinuntok niya ang monobela.
"Ano ba talaga ang plano mo?! Gusto mo ba talaga ako, dahil yan ang nararamdaman mo?! O Ginusto mo lang ako dahil gusto rin kita!" Tanong nito sa akin na mukhang galit na ito sa akin.
"Ethan. Bakit ka naman ganyan?" Tanong ko sa kanya.
"Sagutin mo na lang ang tanong ko Eunice?! Ano ba talaga ang trip mo?! Trip mo lang ba ako dahil gusto mong maghiganti sa akin?! Ano?!" Sambit nito na kita mo talaga sa mga mata niya ang galit.
Napabuntong hininga na lang ulit ako. Ayaw ko ng ganito. Ayaw kong sigaw sigawan ako.
"Ganyan ba talaga ang tingin mo sa akin? Sa tingin mo ba gagawin ko rin yan sayo ang ginagawa ng ex ko! Sa tingin mo ba magagawa ko yun!" Sagot ko sa kanya na sobrang sakit na talaga ng nararamdaman ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
The MADRIGAL Sisters
Teen Fiction"Once a Madrigal, always palaban." motto ng tatlong babaeng palaban na lumipat ng school (Thomas University) at makakasagupa nila ang tatlong lalaking naghari-harian. Sa school ng Thomas University? Ano ang mangyari? Paano babalik sa dati? Away at b...