Chapter 120: MADRIGALLY

1.2K 42 97
                                    


Chesca's POV

♡♡♡

*RINGGGGGGGGG*

Nagising ako sa ring ng phone ko at dinampot ko ito sa may mesa ko.

"Hello." Sambit ko nito na hindi pa rin bumubuka ang mga mata ko.

["Chez. Palabas na ako ng bahay. Nasaan ka na? Pupunta na tayo sa location?"] Sambit ni Eunice sa linya na yun.

Hala! Bwis*t!

"Anong oras na ba?!" Sambit ko na umupo sa kama.

["8:30 AM na. Pupunta na tayo sa location. Sasamahan mo ako sa photoshoot diba?"] Sambit nito sa ikina palo mg kamay ko sa ulo ko.

"Eunny. Sorry, ngayon lang ako nagising hindi ako nagising sa alarm ko. Sorry." Sambit ko nito.

["Ano?! So, hindi ka pa nakapagbihis? Hindi ka pa nakaligo? Hindi ka pa nakakain? Hindi mo ako masasamahan?"] Sunod na sunod tanong nito.

"Parang ganun na nga. Pero, mauna ka na lang sa location. Susunod na lang ako sayo. Sorry Eunny." Sambit ko nito.

["Okay sige, sumunod ka na lang kung gusto mong sumunod. Mukhang galit na yung client ko. Sige bye."] Sambit nito at binaba ang tawag.

Ano ba to?! Ang ayos-ayos ng usapan namin ni Eunice kahapon na Sasamahan ko siya sa rocket niya na photoshoot, mukhang kinareer na niya ang pagiging photographer e.

By the way. One week na ang nakalipas simula noong bumalik kami dito. Mukhang okay naman kami e.

Nasabi ko na rin kay Dad about kay Mira. At alam na pala ni Mom ang tungkol sa anak ni Dad pero hindi man lang sinabi sa akin. Hayss.

Pero okay lang naman ni Mom ang nagkaanak si Dad sa iba, dahil noon pa lang pala babaero itong si Dad.

Mukhang Kyler Alfonso lang.   

Hayss. Bumangon na ako sa kama ko at bababa na ako sa kitchen ngayon na. Syempre kapag nandito ako sa bahay nagsasando lang ako tapos maiksi na short.

Nagpasya na akong bumaba.

"Hmm... Yaya Bebing sina Dad at Mom po?" Tanong ko kay Yaya Bebing na naglilinis sa sala namin.

"Nasa dining area na po sila Chez. Pumunta ka na d'un kumakain pa sila e." Sambit nito sa akin.

"Sige po." Sambit ko at nagpatuloy sa paglalakad.

Hindi pa man ako makapasok sa dining area rining ko na ang usapan nila.

"Alam mo anak, sobrang nakakaproud ka. Bakit hindi mo sinabi sa akin." Sambit ni Dad na ikinakunot ng noo ko.

Anak? Si Mira nandito? Nandito si Mira?

"Mana lang ako sayo Dad." Sambit sa lalaking boses na tumawa pa at ikinakunot ng noo ko.

Pumasok ako sa dining area.

"Chesca." Sambit nila sa akin.

The MADRIGAL SistersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon