Chapter 112: Paalam

822 31 40
                                    


Nicole's POV

♡♡♡

Almost two weeks rin kami nandito sa hospital dahil kay Eunice. At simula ng nandito si Eunice hindi rin ako pumasok sa class ko.

Siguro, choice ko lang bantayan si Eunice. Kahit alam ko na nandito naman si Tito Edward at Tita Madi na handang magbantay sa kanya, pero mas pinili kong manatili dito.

Siguro tama lang ang choice ko para hindi ko makita si Steven sa school. Kumusta na kaya siya? Pero hindi pwede. Hindi na kami pwede.

Si Chesca naman. Tuloy pa rin ang laban kahit wala na sila ni Kyler. Hindi naman talaga lumandi ang pinunta namin dito, kundi mag-aral. Kaya si Chesca, todo aral pa rin. Nagsusumikap pa rin.

Pero ngayon? Mag-aabsent siguro si Chesca ngayon. Dahil ngayon kasi ang huling hantungan ni Ethan. Ngayon na siya ihahatid.

Kaya napatingin ako ngayon kay Eunice na nasa wheelchair siya ngayon. Hindi naman siya baldado kaya lang hindi pa siya ganun kalakas. Lalo na't ngayon na wala si Ethan. Walang Ethan na magpapalakas ng loob niya.

Sobrang nakakamiss na makausap si Sissy Eunice ko. Mukhang wala pa rin kasi ito sa kanyang sarili. Umiiyak pa rin ito habang hawak ang phone niya at tinitingnan ang wallpaper niya na mukha nila ni Ethan. Sobrang nakakalungkot nga e. Sobrang nakakalungkot ang pinagdadaanan namin ngayon.

Bumukas ang pinto ng kwarto na ito at iniluwal ang mukha ni Chesca at Maggie.

"Hi." Sambit nila ng makalabas ito.

"Saan ang punta niyo?" Tanong ni Tito Edward sa dalawa.

"Dad, nakalimutan niyo na ba? Ngayong araw ihahatid si Ethan sa hantungan niya." Sambit ni Maggie.

"Ngayon na ba yun?" Tanong ni Tita Madi.

"Yes Mom." Sagot ni Maggie.

Napatingin naman kami kay Eunice nang ang lakas ng buntong hininga niya at mangiyak ngiyak na naman ito.

"Eunice. Aalis muna kami ha." Sambit ko sa kanya.

Napatingin naman siya sa amin at pabalik balik ang tingin sa aming tatlo ni Chesca, Maggie at Nicole.

"Sasama ako." Sambit nito na ikinabagsak ng luha niya at ikinakunot ng noo namin.

"Saan ka sasama?" Tanong ni Dad.

"Dad. Gusto kong pumunta Dad. Sobrang miss ko na siya. Sobrang miss ko na si Ethan." Sambit nito na ikinabagsak ng luha ni Eunice.

"Pero anak. Hindi mo pa kaya. Hindi ka---"

"Dad. Kaya ko. Kayang kaya ko. Magaling na ako. Mahirap man tanggapin Dad. Sobrang sakit. Sobrang sakit. Dad, wala na si Ethan. Wala nayung taong mahal ko. Hindi ko siya na nga siya nakikita almost two weeks. Hindi ko siya nakikita dahil nandito ako. Kahit ngayon lang Dad. Sobrang hirap magluksa na hindi mo man lang siya nakikita. Ipagkakait niyo ba sa akin ngayon na ihahatid siya sa huling hantungan niya?" Sambit ni Eunice na ikinabagsak na naman ng luha niya.

Napapunas naman ako sa mga luha ko. Dahil nararamdaman ko na tumulo na rin ito.

"Sige. Pero kaya mo na ba? Pwede na naman tayong umuwi ngayon e. Hinintay lang namin na sumagot ka at kagustuhan mo. At para mamonitor ka na rin dito." Sambit ni Tito Edward.

"Oo. Kaya ko. Sobrang kaya ko Dad." Sambit ni Eunice at ngumiti ito. Pero kita parin ang lungkot ng kanyang mga mata e.

"Sige. Sasabihin ko lang sa Doctor mo. Na magpapa discharge ka na." Sambit ni Tito Edward at tumayo ito at lumabas.

The MADRIGAL SistersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon