Eunice's POV
♡♡♡
Nandito kami ngayon sa canteen kasama ang Squad ko. Oo na, mukhang wala kaming balak kumain eh.
Nakatunganga lang kami habang tiningnan ang mga pagkain na nasa harapan namin.
Walang balak na magsalita, walang gustong malabas ng loob, walang gustong gumalaw sa mga pagkain.
"Hayssss!" Sambit ni Ethan. Napatingin naman kami sa kanya na nasa tabi ko.
Pero! Walang gana eh.
Ano bang nangyari sa amin ngayon? Nagkaproblema ba kami? Pagod lang ba kami?
Maya-maya pa, kumuha si Chesca ng papel at ballpen at mukhang nagsusulat ito. Ito talaga si Chesca, kahit Club Fest nag-aaral pa rin.
Si Nicole at Mira naman mukhang bagot na bagot at pagod sa sinalihan nilang Dance Club.
Si Steven naman mukhang nagkakaproblema rin si loko, mukhang kulang sa tulog lang ha. Nakasandal kasi ang ulo ni Steven ang ulo niya sa table. Baka matulog pa ang lokong ito.
Si Kyler naman mukhang pagod rin silang tatlo ni Miko at Drake ito na nakatunganga lang.
Ano bang dapat kung gawin?
Kinuha ko ang camera and take them a captures.
*FLEK*
"Ano ba?!" Sambit ni Chesca mukhang naiirita pa sa flash ng camera.
*FLEK*
"Eunice. Nakakastress ka. Baka haggard ako diyan." Sambit naman ni Nicole.
*FLEK*
"So? Ano? Nakaw-nakaw lang. Ganun." Sambit naman ni Miko at napakamot sa ulo niya.
*FLEK*
"Baka ang pangit namin diyan. I delete muna." Sambit naman ni Drake.
*FLEK*
*FLEK*
*FLEK*
Sunod sunod ang pagcapture ko sa kanila na ikinairita nila.
"Kung hindi ka titigilan dyan! Sisirain ok talaga ang camera na yan, kahit hindi yan sayo." Banta ni Nicole sa akin.
"Stress ka ba?" Sambit ko sa kanya.
"Ewan ko sayo!" Sambit nito.
"Wala ba kayong balak galawin ang mga pagkain na'to?" Tanong ni Ethan sa kanila.
Nagkatinginan kaming lahat.
"MERON!" Sambit naman.
"Bakit hindi pa kayo kumain?" Tanong ni Ethan.
"Ethan. May sinulat ako diba? Busy ka ako, needs ko ng focus. Kaya please tumahimik muna kayo!" Inis na Sambit ni Chesca.
"Kayo ba Nicz at Mira? Bakit parang pagod na pagod kayo? May nangyari ba?" Tanong ko naman sa dalawa na si Mira at Nicole.
"Wala namang nangyari. Pero nag-iisip lang ako kung paano ang maging strategy ko lalo na't hinati kami sa dalawang team." Sambit ni Nicole.
"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko.
"Alam mo Eunice. Sa dami kasing sumali sa Dance Club, hinati kami sa dalawa. Kaya ayon, si Nicole at Max ang nagiging leader each teams." Sambit ni Mira.
BINABASA MO ANG
The MADRIGAL Sisters
Novela Juvenil"Once a Madrigal, always palaban." motto ng tatlong babaeng palaban na lumipat ng school (Thomas University) at makakasagupa nila ang tatlong lalaking naghari-harian. Sa school ng Thomas University? Ano ang mangyari? Paano babalik sa dati? Away at b...
