Chapter 63: Rehearsal

822 30 3
                                    


Nicole's POV








Kasalukuyan akong nasa elevator ngayon at pupunta sa condo unit room namin.

Sobrang nakakapagod din pala bumiyahe eh. Sakit sa ulo, nasusuka ako kahit wala pa akong breakfast.

*Ting*

Lumabas agad ako ng elevator at nagtungo na sa room namin. Kinatok ko ito, pero mukhang walang tao. Syempre si Chesca nasa school, Ewan ko ba lang kay Eunice kung saan na naman yun naglalakwatsa ang loka.

Napatingin ako ng bumukas ang kabilang kwarto at iniluwa si Steven na may walang guitar.

"Nandito ka na pala? Ngayon ka lang  bumalik?" Tanong nito sa akin.

"Di ba halata?!" Pagtataray ko.

"Na ako'y adik na sayo." Sambit nito na ikinalaki ng Mata ko.

"Huh? Anong sabi mo?" Tanong ko ulit sa kanya.

"Wala. Lyrics lang yun sa kanta." Sagot niya na ikinairap ko.

Kung bumanat man siya edi wow! Kung nagjoke man siya edi corny! Kung seryoso man siya edi wala lang. Walang feelings, do ko feel.

"Amhf! Nasaan ba si Eunice?" Tanong ko sa kanya.

"Ahmf- mukhang pumunta kina Ethan eh." Sagot niya.

"Ang aga aga pupunta siya dun. Wow ha? Mukhang magtatanan na yung dalawa." Sambit ko at umirap ulit.

"Inggit ka?" Tanong nito.

"Ako? Inggit! No way. Hindi I mean." Sabi ko at binuksan ang condo gamit ang duplicate na susi.

At papasok na sana ako sa loob ng hawakan niya ang kamay ko.

"Bakit?" Tanong ko sa kanya.

"Ahmf! Hindi ka ba busy ngayon? May rehearsal kasi ang band eh. Baka gusto mong pumunta sa PPB Bar para makapag rehearse ka rin." Sabi niya sa akin.

"Amhf! Sige. Susunod ako." Sabi ko.

"Sige. Mauna na lang ako." Sabi niya sa akin at ngumiti bago umalis.

Kaya bilang sagot ngumiti na rin ako.

Nagpunta agad ako sa kwarto ko at kinuha ang towel at maliligo muna ako.

Mga 30 minutes lang naman ako sa banyo. Kaya fresh na fresh na ako nito noh.

At syempre 10 minutes akong kumain dito, bread at milk lang naman ang kinain ko dahil walang ulam ang niluto ng mga loka dito, baka inubos nila. Ay, oo nga pala. Hindi nila alam na babalik na ako dito eh.

Nang tapos na ako sa aking ginagawa nagpasya akong pumunta na sa PPB Bar para sa rehearsal.

Feeling ko, nahahanap ko na ang gusto ko. At ito nga maging vocalist sa isang banda. Guest vocalist lang pala hehehehe.

Sumakay agad ako ng taxi papunta sa bar na yun.

Excited lang siguro ako masyado. Kasi naman, makikita ko na naman si Kuya Axel ang crush ko rin.

The MADRIGAL SistersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon