Chapter 101: Text Message

563 23 8
                                    


Nicole's POV

♡♡♡

Kasalukuyan akong nandito sa classroom namin ngayon. Nakikinig sa klase namin, wala ngang pumapasok sa akin ngayon.

Ang dami kung iniisip ngayon, una si Eunice mukhang hindi pa rin siya okay hanggang ngayon. Lumalabas lang siya kapag kumakain at balik sa kwarto ulit. Walang planong pumasok sa school e. Mukhang hindi pa niya kaya. Hanggang ngayon wala kaming balita kay Ethan, ang hirap kumuha ng information sa mokong na yun. Pati sina Kyler ayaw papasukin sa subdivision utos daw sa Mommy niyang bruha.

Hayss. Iba din talaga kapag praning mag-isip gaya ng Mommy ni Ethan.

Pangalawa naman, hindi ko na nakita si Steven. Simula kasi noong pag-uusap namin na yun, mukhang nawala na siya bigla. Kahit ngayon hindi pumapasok. Nakakainip nga e. Wala akong katabi at makausap man lang. Nakakamiss rin pala siya.

"Ms. Madrigal." Nabalik ako sa realidad sa boses ng teacher namin.

"Po?" Sambit ko na naman nito.

"I have a question for you regarding from my discussion." Sambit nito na ikinalaki ng mata ko.

"Ahmf! Ma'am. Excuse me may go out." Sabi ko at nagmamadaling pa akong lumabas.

Hindi ko na hinintay si Ma'am magsalita dahil busy ako. Kailangan ko lang makatas sa tanong na yun.

Wala kasi akong maisagot e. Walang pumasok sa isip ko sa lecture ngayon.

Maya-maya pa sa paglalakad ko nakasalubong ko si Amanda na maldita.

"Steven." Napakunot ang noo ko sa sinabi niya.

Tumakbo naman ito na papunta sa direksyon ko. Pero nilagpasan lang ako. Assuming ko lang siguro.

Napatingin naman ako sa likod. Si Steven pala. Nandito si Steven with the new look, nagpakulay pa ng buhok.

 Nandito si Steven with the new look, nagpakulay pa ng buhok

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Kumusta ka na?" Tanong ni Amanda at niyakap si Steven.

Nakita ko naman kung paano nagresponse si Steven kay Amanda. Niyakap na rin niya ito na mukhang miss na miss talaga nila ang isa't-isa.

"Okay lang naman ako. Ikaw ba kumusta na ka dito?" Sagot ni Steven bago sila naghiwalay sa yakapan nila.

"Saan ka ba kasi galing? Almost one week ka rin hindi pumapasok, hindi ka rin nagpaalam sa akin." Sabi ni Amanda na may pasampal sampal pa ito kay Steven.

Mukhang close na nga sila. Sobrang close na sila.

"Nagmove-on lang." Sagot ni Steven at tumawa ito na tumingin sa akin.

Napayuko na lang ako sa pagtingin niya sa akin.

"Move-on? Nasaktan ka ba? Nagkajowa ka ba? Broken hearted ka ba? Hindi naman diba." Sambit ni Amanda.

The MADRIGAL SistersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon