Chesca's POV
♡♡♡
BREAK time ko ngayon. At kasalukuyan akong naglalakad papunta sa GAS-1 classroom. Nasa taas lang naman ang classroom namin, kumbaga pareho lang ang building sa SHS Building!
Yes! Kailangan kung pupunta don. Dahil pinatawag ako ni Ms. Donna ang adviser namin kung saan siya nagtuturo sa ganitong oras.
Nang makarating ako sa classroom na 'yon agad naman akong pumasok nito.
"Good Morning po maam." sambit ko sa kanya.
Napahinto siya sa pagtuturo at nabaling ang atensyon sa mga students sa akin.
"Buti naman nandito ka na," sambit niya sa akin. "Ahmm.... Kyler pumunta ka nga dito sa harap." tawag ni Ma'am at ganun na lang ang taas ng kilay ko nang makita ko si Mr. Pervert na pangiting-ngiti na pumunta sa amin.
And yes! Hindi ko alam na dito ang classroom niya. Kung alam ko lang hindi na sana ako pupunta dito. Hayss!
"Yes! Hello Chesca." sabi nito at kinindatan ako, inirapan ko lang siya bilang tugon.
Akala niya siguro na nakakalimutan ko na ang ginawa niya sa akin kanina.
"Totoo bang kayo na?" napalaki ang mata ko sa tanong ni maam Donna sa amin.
"YES!/HINDI!" sabay na sagot namin.
HINDI! Ang sagot ko dahil alam ko naman na hindi kami at never magiging kami. At sino pa ba ang sasagot ng YES kundi ang pervert na 'to na katabi ko.
"Hindi---"
"Hindi po dapat namin itago sa inyo ang aming relasyon maam. Karapatan niyo pong malaman na mag-girlfriend and boyfriend kami, 'di ba Babe?" sambit niya sabay kindat sa akin.
Bwisit hindi niya ako pinatapos sa pagsasalita at mag-explain.
"So! 'Yon naman pala, wala tayong problema ngayon. Tutal wala kayong mga partners in research paper. Napag-isip isip ko na kayo nalang ang magpartners." sabi ni maam na agad ko namang ikinagulat.
"What? No! maam kaya kung mag-isa. Kaya kung gumawa ng research paper na mag-isa!" sabi ko kay Maam na parang nangigigil na sa mga pangyayari.
"Grabe ka naman babe. Akala ko ba mahal mo ako." Sabi nito sa akin na nagpapapout pa si loko.
"Maam! Hindi ko po siya boyfriend. Okay!" sabi ko kay maam na nageexplain sana gumana.
"Ikaw talaga babe. Dinideny mo talaga ako palagi. Be proud naman sa relasyon natin." sabi niya sa akin naikinairap ko.
"Basta magjowa man kayo or hindi. Partners parin kayo sa research paper. Pwede ka nang bumalik sa classroom mo Chesca." sabi ni maam Donna sa akin.
"Sige po. Maam thank you." sabi ko kay Ma'am at nagmamadaling umalis.
Inis na inis akong naglalakad papunta sa classroom ko ng biglang may umakbay sa akin. Agad akong kumiwalas sa akbay niya at kinapronta siya agad.
"ANO BA TALAGA ANG PROBLEMA MO?! BALIW KA BA?! GINAWA MO SILANG TANGA LALO NA SI MA'AM DONNA!" galit na sambit ko sa kanya.
"Edi... Kung ginawa natin silang tanga. Pwede naman natin totohanin, 'di ba?" Sabi niya na ngumiti na naman.
BINABASA MO ANG
The MADRIGAL Sisters
Teen Fiction"Once a Madrigal, always palaban." motto ng tatlong babaeng palaban na lumipat ng school (Thomas University) at makakasagupa nila ang tatlong lalaking naghari-harian. Sa school ng Thomas University? Ano ang mangyari? Paano babalik sa dati? Away at b...
