Chapter 83: Petition

675 26 8
                                    


Chesca's POV

♡♡♡

Monday ngayon, at papasok na naman kami. I'm excited lang kasi balik normal na naman ang schedule namin eh. Balik academic na naman kami, focus na naman kami ngayon sa studies namin.

Lumabas ako sa bahay. Dahil naghihintay na sina Eunice sa akin sa labas.

Pero? Bwis*t iniwan ako.

"Ahmf! Saan sila?" Tanong ko ni Kyler dito.

Yes, tama kayo. Iniwan na ako ng lahat pero si Kyler nandito sa harapan ko.

"Nauna na sila." Sagot nito na ikinakunot ng noo ko.

"Nauna? o pinauna mo?" Tanong ko sa kanya na ikinangiti niya.

"Ahmf. Both." Sabi nito na ikinairap ko sa kanya. "Pasok ka na." Sabi nito at binuksan ang pinto ng kotse niya.

Napabuntong hininga na lang ako bago pumasok sa kotse niya. Alangan naman magpakipot pa ako, late na ako oy.

Kaya kayo. Chillax lang kayo ha. Wag masyadong magalit at manakit.

Inistart na ni Kyler ang pagmamaneho. Mukhang sobrang library nga eh. Sobrang tahimik naming dalawa.

Siguro awkward pa rin.

Paano ba?

"Okay na." Sambit ko habang nakatingin sa kalsada ang paningin ko.

"Okay ka na?" Tanong nito na ikinatango ko.

"So, tayo naulit?" Tanong nito sa akin.

Anong ibig niyang sabihin?

"Ulit? Nagbreak ba tayo?" Tanong ko sa kanya na ikinangiti niya at ikinairap ko sa ngiti niya.

"Oo nga pala. Babe." Sambit nito sa akin.

Hindi ko yun sinagot kusa akong nagfocus sa kalsada.

"Napatawad mo na ba ako?" Tanong nito sa akin.

"Hindi ko alam." Sambit ko sa kanya.

"Sorry. Pero kung ayaw mo na tatanggapin ko na ngayon. Mukhang nahihirapan ka na sa sitwasyon natin ngayon eh." Sabi nito sa akin na ramdam mo sa boses niya ang lungkot.

Tama ba ang ginagawa ko?

"Habang hindi ko tinanggal ang singsing na ito, may nararamdaman pa ako sayo. Pero kung wala na ito sa daliri ko, wala na." Sabi kk sa kanya.

Napatingin naman siya sa daliri ko. Yes, suot ko parin ito.

Wala eh. Tao rin ako, nagmahal lang din ako.

"Ito rin naman ang singsing ko eh. Hindi ko tatanggalin hangga't mahal kita." Sambit niya sa akin. "Sorry, dahil sa akin nasaktan kita. Sobra kitang nasaktan, sobra kitang pinahirapan." Sambit niya sa akin.

"Natatakot ako pero gustong gusto ko." Sambit nito sa akin.

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong nito.

"Gusto kong sumugal pero natatakot ak eh. Natatakot ang masaktan ulit." Sambit ko sa kanya.

Ipinarada niya ang kotse niya sa gilid ng kalsada at tiningnan ako ng diretso.

"Chesca." Sambit nito na sobrang seryoso. "Mahal na mahal kita, promise hindi na mauulit yun. Promise ko sayo na hindi na kita sasaktan pa. Chesca, Babe." Sabi nito na mangiyak ngiyak nga.

The MADRIGAL SistersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon