Eunice's POV♡♡♡
Opening ngayon sa SHS Club Festival. At nandito nga kami sa auditorium para sa Opening Remarks ng Student President ng SHS na si Maya Del Valle.
"Good morning everyone." Panimula ni Maya na nasa stage ngayon kasama ang mga ka team niya, at si Ethan.
Oo tama kayo. Diba nga ginawang facilitator si Ethan, so mukhang Student Council pa rin siya sa SHS Department namin.
At ako naman kasama ko yung mga kasquad ko. Alam niyo nama siguro kung sino diba? Kailangan ko pa ba isa-isahin? Never mind.
"Una sa lahat. This event is very interesting, hindi lamang abilities and skills na maboboost natin dito but also our self-confidence. I'm glad to here, I'm very happy that I'm speaking in you'll front today para sa masayang bonding, celebration at opening ng SHS Club Festival ngayon." Sambit ni Maya na ikinapalakpak ng mga students dito.
"Ang tanong ko sa inyo. Ready na ba kayo? May napupusuan na ba kayo? May napipili na ba kayong club na sasalihan niyo? Anong bet niyo? Sa Music Club ba? Sa Dance Club? Sa Theater Club? Sa Cooking Club? Sa Sports Club? Poem Writing Club? Or sa Photo and Art Club? Hindi ko na papatagalin pa. PILI NA!" Sambit ni Maya na nasitakbuhan naman ang mga students sa kanya-kanyang platform as nagustuhan nilang club.
"Anong choose niyo? Anong club ang sasalihan niyo?" Tanong ni Mira.
"Syempre ako sa Sport Club ako. Ikaw ba babe?" Sagot agad ni Kyler habang nakaakbay kay Chesca.
"Ako? Hindi ko alam eh." Sagot ni Chesca.
"Ah. Naintindihan kita Babe. Hindi mo alam ang sasalihin mo dahil nalilito ka. Paano ba kasi sobrang gwapo ng boyfriend mo kaya gala ng gala sa isip mo." Sambit ni Kyler na ikinairap ni Chesca at ikinakansyaw naming lahat.
"Kayo ba?" Tanong ni Chesca, change topic agad eh.
"Ahmf! Ako syempre, sa Sports Club ako." Sagot naman ni Miko.
"Ako rin siguro. Sa Sports Club na ako, gusto ko rin maging varsity dito noh. Kayo ba Nicole?" Sambit naman ni Drake.
"Mag-mumusic club ba kayong dalawa ni Steven?" Tanong ni Miko sa dalawa.
Nagkatinginan naman ang dalawa at umiwas din ito ng tingin. Something awkward lang. Makikita sa mga tingin nila, ilang ko na rin napapansin sila na mukhang umiwas ng tingin.
"Siguro. Ako Music Club naman talaga ako. Yun kasi ang hobby ko." Sambit ni Steven.
"Ako siguro. I want something new eh." Sambit ni Nicole.
"Saan ka ba sasali? Sa Dance Club? Eh nandun si Max for sure, dahil mga Cheerleader naman ang mga kadalasan na sumasali dun eh." Sambit ni Mira sa amin.
"Basta mamaya na lang ako. Undecided pa ako eh." Sagot ni Nicole.
"Ikaw ba Eunice?" Tanong ni Steven sa akin.
"Ako?" Tanong ko.
"For sure sa Cooking Club si Eunice. Alam niyo naman siya marunong yan magluto, pagod nga lang." Sambit ni Kyler na ikinatawa ng mga kasamahan ko.
"Hoy! Kung alam mo lang Kyler. Sinadya ko yun pagurin ang hotdog mo no." Sambit ko at umirap.
"Weeh di nga. Mukhang nadistract ka lang kay Ethan eh." Sambit nito sa akin na ikinakansyaw ng mga ito.
Mga baliw rin kasi ang barkadang ito eh noh.
*FLEK*
Napatingin kami ng may nagflash na camera sa amin. At ganun ang ngiti ko dahil sa mukha niya.
BINABASA MO ANG
The MADRIGAL Sisters
Teen Fiction"Once a Madrigal, always palaban." motto ng tatlong babaeng palaban na lumipat ng school (Thomas University) at makakasagupa nila ang tatlong lalaking naghari-harian. Sa school ng Thomas University? Ano ang mangyari? Paano babalik sa dati? Away at b...