Eunice's POV♡♡♡
Bumaba kami agad sa taxi at pumasok sa bahay.
"Chesca?!" Tawag nito.
"Chezzz!" Sambit naman ni Nicole.
Nag-alala ako sa kanila. Sobrang kami sa kanya.
Pinihit ko ang doorknob ng kwarto namin at nakalock ito.
"CHEZZ!" Sambit ko na sabay katok.
Dinikit namin ang mga tenga namin sa door mukhang may humihikbi, may umiiyak.
"Chez? Buksan no ang pinto. Please." Sambit ni Nicole.
"Wag na please. *hik* Wag muna please. *hik* Gusto kong mapag-isa." Sambit nito na humikbi pa sa pag-iyak.
"Chez naman eh. Buksan mo na." Sabi ko na gusto na rin umiyak dahil sa boses niya.
"Eunny, Nikki. Wag muna ngayon. *hik* Gusto ko lang mapag-isa please *hik* Wag kayong mag-alala *hik* Kaya ko naman eh. *hik* Kaya ko ang sarili ko. *hik* Please lang. *hik*" Sabi niya sa amin.
Napaupo na lang kami ni Nicole sa sahig at napasandal na lang sa pinto ng kwarto namin.
"Sobrang sakit." Sambit ko na hindi na mapigilan umiyak.
"Alam ko." Sagot naman ni Nicole.
"Hindi ko masisisi si Chesca eh. Hindi ko siya masisisi kung ganun na lang ang sakit ng nararamdaman niya." Sabi ko sa kanya.
"Ganun ka rin eh. Ganun ka rin dati." Sabi ni Nicole sa akin.
"Oo! Sobrang nasaktan ako nun. Syempre siya yung first boyfriend ko, at first heartbreak. Sobrang sakit. Halos mabaliw ka sa sakit, lalo na kung niloloko ka ng harap-harapan." Sambit ko.
Napatingin naman kami sa pumasok sa front door. Si Steven pala.
"Si Chesca? Nabalitaan ko kasi ang nangyari eh." Bungad na tanong nito sa amin habang hawak ang gitara.
"Nasa loob gustong mapag-isa. Ayaw kaming pagbuksan ng pinto eh." Sabi ko at tumayo galing sa kakaupo.
"Ganun ba. Hayaan niyo muna siya." Sagot naman nito.
"Sino pala ang nagsabi sayo?" Tanong ni Nicole kay Steven.
"Si Mira." Sagot nito sa amin at nagtungo sa sala.
Wait? Nasaan pala si Mira? Hindi na namin siya napansin eh.
Bahala na nga. Si Chesca ang importante sa amin ngayon.
Umupo kami sa tabi ni Steven sa sofa. At walang imikan ang nangyari sa amin. Walang gustong magsalita eh.
Maya-maya pa kinuha ni Steven ang gitara na dala niya kanina sa bag nito.
"Wait? Bakit na sayo si NheVen?!" Gulat na sambit ni Nicole.
Oo! Si NheVen nila ito.
"Diba pinahiram mo yan sa kanya?" Takang tanong ko.
"No! Hindi ko siya napahiram dahil may gitara naman siyang ginamit kanina eh. At syaka hindi na niya siguro kailangan si NheVen." Sabi ni Nicole at nag roll eye.
"Ito si NheVen. Binigay ni Dexter sa akin. Sabi niya ibigay ko to sayo, naiwan mo sa Court kanina." Sambit ni Steven na ikinatango ni Nicole.
BINABASA MO ANG
The MADRIGAL Sisters
Teen Fiction"Once a Madrigal, always palaban." motto ng tatlong babaeng palaban na lumipat ng school (Thomas University) at makakasagupa nila ang tatlong lalaking naghari-harian. Sa school ng Thomas University? Ano ang mangyari? Paano babalik sa dati? Away at b...