"Once a Madrigal, always palaban." motto ng tatlong babaeng palaban na lumipat ng school (Thomas University) at makakasagupa nila ang tatlong lalaking naghari-harian.
Sa school ng Thomas University? Ano ang mangyari? Paano babalik sa dati?
Away at b...
"Aalis ka na?" Bungad na sambit ni Mom sa akin ng makababa ako ng hagdan.
"Ahmf! Mamamasyal kasi kami kasama ng mga kaibigan ko Mom. Ililibot lang namin sila sa probinsya, para makita na rin nila kung gaano kaganda ang lugar natin. At syempre bondings bago bumalik sa Maynila. " Sabi ko nito.
"Oo Sige. Mag-ingat ka ha. Tapos papuntahin mo ulit si Steven dito." Sabi nito na ngumiti pa.
Napairap na lang ako sa sinabi niya.
"Basta! Alis na ako." Sabi ko at nagmamadaling lumabas ng bahay.
Nakakabwisit na talaga si Mom eh. Mas anak pa ang turing niya kay Steven kaysa sa akin.
Duhh! Bahala siya.
"Saan ka pupunta?" Sambit ni Ate Anggie ng makasalubong ko siya.
"Kina Eunice." Sagot ko.
"Eunice? Eh, dito sa kabila ang daan diba?" Sambit nito.
Oo nga naman. Bakit ba ako sa kanila dumaan?
"Ahmf! Pupunta muna ako sa parola." Sagot ko nito sa akin.
"Ayon! Hanggang ngayon umaasa ka parin talaga na babalik siya?" Sambit ni Ate Anggie.
"Sabihin na lang natin na siya pa din. Siya pa din, kaya aasa ako hangga't nabubuhay ako. At syempre hangga't hawak ko tong panyo na ito? Aasa ako." Sambit ko at pinakita ang panyo na kulay blue.
Kung ordinary lang ang panyo na ito para sa inyo? Pwes, tama ng kayo pero sobrang halaga ito sa akin dahil nakasuot dito ang pangalan ni Vin.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"Hindi na yan babalik oy! Scamming ka lang diyan! Ang Vin na yan scamming lang yan sa life mo. Kaya ako sayo. Tigil tigilan mo ang kaasummingan mo!" Sambit nito na ikinairap ko.
"Nagsalita ang hindi assuming! Ikaw nga ang original na assumera eh. Pangalawa lang ako sayo! Babosh!" Sabi ko at tumalikod sa kanya.
"BUMALIK KA DITO!" Sigaw nito sa akin.
"ASSUMERA PALAKA KA!" Sigaw ko kay Ate Anggie bago tumakbo.
Tawang-tawa na lang akong tumatakbo papuntang parola. Nakakatawa kasi si Ate Anggie eh.
Hehehe!
~~~
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.