Chapter 104: Hinala

582 25 10
                                    


Chesca's POV

♡♡♡

Kasalukuyan kaming nandito sa canteen. Kasama ko si Mira, Kyler, Miko at si Drake.

Wala kasi si Nicole e, mukhang hindi pumasok si loka. Ano na naman kayang nangyari dun.

Dito sa table namin, nagkatitigan lang kami sa isa't-isa. Hindi alam kung anong pag-uusapan. Ano ba dapat pag-uusapan natin?

"Ahmf! Chez. Natapos muna ang binasa mong libro? Yung pinahiram ko sayo?" Biglang tanong ni Miko.

Patay! Mygosh!

"Ahmf! Hindi pa e." Pagsisinungaling ko.

"Ahh. Pero Nasaan pala yun? Di mo siya dinala?" Tanong nito ulit.

"Ahmf! Nasa condo mukhang naiwan ko sa mini study table ko." Sambit ko ulit. "By the way. Restroom muna ako." Sambit ko na lang bago umalis sa table.

Paano ba yun. Ano bang sasabihin ko. Nawala kasi ang libro na binasa ko e. Paano ko ba yun.

Wait lang tatanungin ko muna si Ateng Tindera dito.

"Ahmf! Ate." Sambit ko kay Ate.

"Bakit?" Tanong nito.

"May naiwan po ba akong libro dito? Dun po sa area na yun, kahapon." Tanong ko at tinuro pa ang table namin.

"Wala naman. Wala naman akong nakitang libro dun e. Yung kahapon na iniwan niyo lang yung mga Milktea niyo, sayang nga e." Sambit ni Ate sa akin.

"Kasi naman po. Nilagyan mo ng paminta." Sambit ko nito.

"Huh? Anong nilagyan ng paminta? Wala naman kaming paminta e. Naubos na noong isang araw pa. Hanggang ngayon wala pa rin kaming paminta." Sambit nito na ikinakunot ko.

Paminta? Wala daw silang paminta? Sinong ------

"Chez!" Napatingin ako sa boses na yun.

"Mira." Sambit ko ng makarating siya sa direksyon ko.

"Akala ko ba magrerestroom ka? Anong ginawa mo dito?" Tanong ni Mira sa akin.

"Ahmf! Hindi na. Balik na lang ako sa table natin." Sabi ko at tumalikod na at umupo sa tabi ni Kyler.

"Nandito ka na pala? Tapos ka ng magrestroom?" Tanong ni Kyler sa akin.

"Hindi na magsasanitize na lang ako ng  alcohol." Sabi ko at kinuha ang alcohol.

At agad ko namang sina-sanitize ang mga kamay ko.

*Tit* *Tit* *Tit*

Binasa ko ang text messages ko.

Unknown number

+63975*******

Hi 🙃

Ito na naman ang message na ito. Hi siya emoji lang na pabaliktad.

"Bwis*t! Bwis*t! Dapat napatay ko na yun!" Sambit ni Drake na todo pindot pa sa phone niya at nakatingin ito sa screen.

Ito na naman siya e. Mukhang sinasapian na naman sa pagiging Mobile Legends.

"By the way Babe. May kakainin ka ba?" Tanong ni Kyler sa akin.

The MADRIGAL SistersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon