Eunice's POV
Kasalukuyan kaming nasa classroom at hinintay si Ma'am Debbie.
Eh, siya kasi ang first subject namin. Pero nakakapanibago pa rin ngayon. Kasi dati kapag umuupo ako sa upuan ko parang wala lang. Mukhang gusto mong lumabas na lang at hindi pumasok dahil kaaway mo ang katabi mo. Walang kayong good communication to each other. Pero ngayon hawak ko ang kamay ni Ethan, habang natutulog siya sa may desk niya. Ewan ko nga sa kanya. Hindi siguro to natutulog kagabi. Magkachat at videocall lang naman kami hanggang 11 PM lang naman yun.
Sa tingin niyo? May iba bang ginagawa si Ethan kagabi bukod sa vivideocall namin sa isa't-isa?
"Okay class." Sambit ni Ma'am Debbie.
"Ethan nandito na si Ma'am." Sambit ko kay Ethan at inaalog ang kamay niya. Nagising naman ito kaagad.
"Good Morning class." Sambit ulit ni Maam Debbie.
"Good Morning Ma'am Debbie." Sagot ng mga kaklase ko.
"By the way class. Hindi ako magtatagal dito, dahil all STEM Students ay pupunta ngayon sa Plimenary Hall para pag-uusapan ang nalalapit niyong Field Trip." Sambit ni Maam Debbie na ikinasaya ng mga kaklase ko.
Tiningnan ko si Ethan. "Alam mo ba to na may meeting ngayon?" Tanong ko sa kanya. Tumango lang ito.
"Siguro naman. Mr. Natividad pinaghandaaan niyo na ngayon o kaya naka set na lahat para sa meeting ngayon right?" Sambit nito.
"Yes Ma'am. All settle na Ma'am. Hinihintay na lang ang pagpunta ngayon ng mga STEM Students." Sagot naman ni Ethan.
"Okay. Thank you." Sambit ni Ma'am Debbie. "Quick time lang ang hiningi ko sa inyo ngayon. At gusto ko lang ipapaalam ang naging result of your quiz last week." Sambit ni Ma'am Debbie na ikinabuntong hininga ko.
Paano ba to? Sure na zero ako plus wala pang attendance. Sobrang saded ko naman.
"The highest score goes to Ms. Eunice Madrigal with perfect score." Sambit ni Maam Debbie na ikinalaki ng mata ko at ikinapalakpak ng mga kaklase ko.
Tiningnan ko si Ethan at ngumiti lang ito.
"Mr. Ethan Natividad got 28 points, the second highest score." Sambit naman ni Maam na ikinapalakpak ng mga kaklase ko.
"Teka lang paano nangyari yun? Nandaya ka?" Tanong ko kay Ethan. "Hindi ako nakapasa ng papel diba? Paano naging perfect?" Dugtong ko na tanong.
"Baby ko. Wag mo ng tanungin." Sambit nito sa akin.
"Paano nga?!" Tanong ko na naiinis na.
"Baby ko naman." Sambit nito sa akin na ayaw talaga akong sagutin.
"Gusto mo mag break na tayo. Bahala ka sa buhay mo!" Sambit ko sabay tayo. "Excuse me po Ma'am." Sambit ko sabay labas sa classroom.
Alam ko sumunod ang mokong sa akin. Kaya doon ko sa labas siya kinompronta.
"Baby ko naman. Walang ganyanan. Pero Sige sasabihin ko na." Sabi niya. "Dalawang papel ang sinagutan ko. Alam ko kasing nahihirapan ka. Masama bang isipin ang kapakanan ng GIRLFRIEND ko? Eh, alangan naman ako lang ang makagraduate at mananatili ka dito. Ayaw ko. Gusto kong sabay tayo." Sabi niya habang hawak ang dalawang kamay ko.
Napairap ako sa kanya bago nagsalita. "Wala namang masama na isipin mo ako. Pero mali yun. Anong gusto mo? Gusto mo bang maging katulad ng ex ko? Na isang cheater!" Sambit ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
The MADRIGAL Sisters
Fiksi Remaja"Once a Madrigal, always palaban." motto ng tatlong babaeng palaban na lumipat ng school (Thomas University) at makakasagupa nila ang tatlong lalaking naghari-harian. Sa school ng Thomas University? Ano ang mangyari? Paano babalik sa dati? Away at b...
