Eunice's POV
♡♡♡
Nang malaman ko na may nagbabantay kay Nicole sa Hospital nagpasya akong umuwi na lang.
6pm na ngayon at wala na naman akong dapat ipag-alala kay Nicole dahil bukas pwede na siyang umuwi at nand'un naman si Ate Anggie. And speaking of ate Anggie dito na pala siya mag-stay. Si Tita Nels naman kakauwi lang at binayaran na rin niya ang bills sa hospital.
Pumasok na ako ng condo unit ko nang marinig ko ang hikbi na galing sa loob ng kwarto ni Chesca.
"Chesca." Tanong ko dahil sa pagtataka.
Hindi ito sumagot at tuloy pa rin ang hikbi nito. Dali-dali akong pumunta sa kwarto nito at pumasok.
"Chesca!" Sambit ko ng makita ko siyang iyak na iyak ito.
"Eu *hik* nice *hik*" Sambit nito. Niyakap ko siya ko siya para icomfort.
"Ano bang nangyari? Bakit ka umiiyak?" Tanong ko sa kanya habang yakap parin.
"Ayaw ko na *hik* pagod na *hik* ako. Ayaw *hik* ko na." Sabi nito sa akin na ikinatakot ko.
"Anong ibig mong sabihin? Sino ba ang gumawa sayo nito? I mean sino? Bakit ka nagkaganyan?" Tanong ko at tiningnan siya ng diretso pero umiyak parin ito.
"Tahan ka na. Chesca. Tumahan ka na." Sambit ko at hinahagod ang likod niya para tumahan.
"Teka lang. Inom mo na ako ng tubig." Sabi niya at lumabas ng kwarto niya, sinundan ko siya hanggang sa kitchen namin.
Pagkatapos niyang uminom, pinaupo ko siya sa dining namin bago ko siya tinanong.
"Ano bang nangyari?" Tanong ko ulit.
"Pagod na ako Eunice." Sagot nito sa akin.
"Ano bang ibig mong sabihin?" Takang tanong ko.
"Si Kyler kasi." Sabi nito at yumuko.
"Anong ginagawa ng manyak na 'yun sayo?!" Sagot ko sa kanya na may inis.
"Ano kasi.... Sa Research Paper namin kailangan ko ng tulong niya pero wala e, wala man lang siyang pakialam." Sagot nito.
"Ano bang kailangan mo sa kanya?" Tanong ko sa kanya.
"Laptop sana, pero walang paki-alam ang mokong na 'yun, kahit sinabi ko na nasira ang laptop ko. Pilit niya pa akong iniiwasan syaka hindi pinansin. At 'yun, nagfocus ang manyak na yun sa bwis*t na girlfriend niya." Sambit nito na may gigil ito.
"Nagseselos ka ba?" Deritso kong tanong.
"Hindi ha! Nabwibwisit lang talaga ako. Sobrang stress ko na nga, dumagdag pa ang Max na 'yun at Miko na 'yun!" Sabi niya na may inis pa rin sa mga salita niya.
"Ano naman ang ginawa ni Max at Miko sayo?!" Tanong ko na naman.
"Basta...." Sambit nito sa akin.
"ANO NGA?!" Sigaw ko sa kanya na nagpabigla sa kanya.
"Ano kasi, sinabunotan lang naman ako. Wala akong ganang lumaban kanina sobrang weak ko talaga at stress." Sambit nito na nagpapausok ng ilong ko.
"NAGPAPATALO KA SA MAX NA YUN?!" Sigaw ko sa kanya. "Si Miko. Hindi ba niya pinigilan si Max?! Hinayaan ka ba ni Miko?!" Tanong ko na inis na inis, pero pilit kong pinahupa ang inis para hindi matakot si Chesca sa akin.
BINABASA MO ANG
The MADRIGAL Sisters
Roman pour Adolescents"Once a Madrigal, always palaban." motto ng tatlong babaeng palaban na lumipat ng school (Thomas University) at makakasagupa nila ang tatlong lalaking naghari-harian. Sa school ng Thomas University? Ano ang mangyari? Paano babalik sa dati? Away at b...
