Chesca's POV
♡♡♡
Bumaba ako ng kwarto ko upang bigyan si Kyler ng malamig na tubig sa labas. Naaawa na nga ako eh. Sobrang pinaghihirapan siya ni Dad.
Tagak na tagak ang pawis niya. Kaya nagdala na rin ako ng towel para pampunas niya.
"Saan ka pupunta?" Tanong ni Dad ng makasalubong ko siya palabas.
"Ahmf! Ihahatid ko lang to kay Kyler, Dad." Sabi nito sa akin.
"Sige! Tapos bumalik ka agad sa loob." Sambit nito na ikinatango ko.
Kaya lumabas na ako ng bahay kung saan nagsisibak mg kahoy si Kyler. Grabe! Sobrang nakakaawa naman niya eh.
*BOOGSH*
*BOOGSH*
*BOOGSH*
Tunog mg mga kahoy na sinisibak niya.
"Babe." Sambit ko nito.
"Babe." Sambit niya naman na panay ngiti pa sa akin.
Tinigil niya naman ang pagsisibak ng kahoy at nilapitan ako.
"Inom ka muna." Sambit niya sa akin.
"Thank you Babe." Sagot nito at kumindat pa sa akin bago kinuha ang baso at uminom ito.
Pero, bakit sobrang hot niya? Kahit pawisan sobrang bango niya. Grabe yung alon ng Adam's apple niya habang iniinom ang tubig.
"Pinagnanasaan mo ba ako?" Nabalik ako sa realidad sa boses na yun.
Nakatingin na pala ang mokong na ito sa akin.
"Hindi ha." Sambit ko at umiwas ng tingin.
"Bakit hindi ka makatingin?" Sambit nito.
"Wala lang." Sagot ko.
"Babe. Punasan mo nga pawis ko." Sambit nito na ikinairap ko.
"May kamay ka diba?! Kaya ikaw ang magpunas." Sagot ko at umirap ulit sa kanya.
"Sige na please. Ang lupit kasi si Daddy eh. Sobrang lupit ni Daddy." Sabi nito na nagmamaktol pa.
Ang cute niya eh.
"Babe. Sige na please. Punasan mo na ako." Sambit nito at nag pout pa ang loko na parang bata.
"Ito na nga." Sabi ko.
Ito nga siya pinunasan ko ang pawis niya sa kamay niya, sa leeg, at nagbend pa talaga ng knee ang mokong na ito para magkapantay kami at maabot ko ang mukha niya.
"Kiss mo ako." Sambit nito sa akin na ikinairap ko.
Pero ang gwapo niya sa close up.
"HOY!" Napatayo ng formal si Kyler ng sumigaw si Dad sa amin. "Ikaw lalaki ka! Tapusin mo ang sinisibak mo! Tapos ikaw Chesca bumalik ka na dito kakain na tayo." Sambit ni Dad.
"Ahmf! Wag na po Dad. Kina Eunice na po kami kakain eh. Sabi kasi ni Eunice kanina sa amin dun na lang kami maglunch." Sagot ko kay Dad.
"Hindi pwede! Sabay-sabay na tayong kumain." Akwardong sambit ni Dad.
"Pero Dad. Ikaw na ang nagsabi na sabay sabay tayong kumain paano naman si Kyler? Paano siya?" Tanong ko.
"Bahala siya diyan! Bahala siya diyan magutom." Sambit ni Dad na ikinabuntong hininga ni Kyler.
BINABASA MO ANG
The MADRIGAL Sisters
Teen Fiction"Once a Madrigal, always palaban." motto ng tatlong babaeng palaban na lumipat ng school (Thomas University) at makakasagupa nila ang tatlong lalaking naghari-harian. Sa school ng Thomas University? Ano ang mangyari? Paano babalik sa dati? Away at b...